Chapter 60

163 6 3
                                    

Sabrina's PoV

May ilang araw nadin akong hindi pumapasok sa trabaho, kaya ilang araw nadin kaming hindi nagkikita ni Troy. Wala akong balita sa kanya, at si Gavin hindi narin bumibista rito. Sabi nya kasi may inaasikaso nya ang paghahanap sa lalaking tinulungan ko.

Balita-balita narin kasi sa opisina ang mga nangyari kaya wala akong lakas na loob na pumasok, pinipigilan din ako nina Mama at Kuya. Magpahinga muna daw ako para makapag-isip.

Ng may humaplos mula sa aking likod. Si Mama.

"Anak, sigurado ka bang papasok kana?"

Nag-nod ako at ngumiti para hindi nya mahalata na malungkot ako. "Oo mama, ilang araw naman din akong tambay dito sa bahay eh"

"Nak, alam kong hindi pa ayos yang nararamdaman mo. Anak kita kaya alam kong nasasaktan kapa din sa mga nangyayari"

Ngumiti ako "Mama kung paganto-ganto lang po ako, wala pong mangyayari sa future ko. Hindi ba ikaw ang nagsabi lumaban ako at wag maging mahina. Sinusunod kolang sinasabi ng Mama ko"

Ngumiti sya at hinaplos ang pisngi ko "Napakatapang talaga ng bunso ko, alam mo manang-mana ka sa Papa mo. Parehas kayong palaban eh"

"Oo naman Ma! Ikaw at si Papa pati narin si Kuya ang lakas ko no!" Sabi ko tsaka sya niyakap "Wag na po kayong mag-alala sakin Ma, ok na po ako"

"O sya sige, basta andito lang si Mama pag may problema ka ha. Mahal na mahal kita anak ko" sabi nya sabay halik sa noo ko.

"Maha kodin po kayo mama" sabi ko.

"O sya, ihahatid na kita sa sasakyan mo" aya ni Mama.

Bumaba na kami at pumunta ng parking erea, ng sakto namang dumating si kuya at bumaba na ng sasakyan nya.

"Mama, san pupunta tong si Sabrina?" Bungad agad ni kuya na may pagkunot sa noo.

"Papasok nako sa trabaho kuya, wag muna akong pigilan please!" Paki-usap ko agad sa kanya.

Kilala ko kasi itong kuya ko eh. Strikto sya pagdating sakin lalo na't nalaman nya ang tungkol samin ni Troy. Daig pa nya si Mama kung mag-alala ng sobra.

Hinablot nya ang kamay ko papasok sa loob "Hindi! Dito kalang, hinding-hindi kana papasok sa building na iyon"

Kumawala ako sa kamay nya "Kuya naman eh, Please!, hayaan muna ako. Gusto ko ang trabahong iyon. Wag muna akong pigilan"

Nangunot ang noo nya "Trabaho O si Troy?" Seryosong tanong nya.

Natigilan ako sa tanong nya "K-kuya naman--" putol na sabi ko.

"Lintik naman sabrina! Wag kang ngang manhid! Pinagtabuyan ka nga nya at pinagsalitaan ng kung ano-ano tapos may lakas ka pa para magtrabaho sa gagong yon!"

Kusang tumulo ang luha sa mata ko. Tama naman si Kuya eh. Pinagtabuyan na nya ako, ayaw na nya akong makita. Ayaw na nya akong maging secretary nya. At ako 'tong si Tanga nagpapatuloy padin sa kalibangang ginagawa ko.

Kinabukasan kasi noon, buong araw akong nag-intay sa kanya para magpaliwanag. Pero hindi nya ako pinaking-gan, ma's lalo pa syang nagalit sakin. Tinang-gal na nya ako bilang isang sekretarya nya. Binalik nya ako sa pagiging Manager. Ganon ang galit nya sakin. Hindi kona sya makilala eh, naninibago nako sa bagong Troy ngayon.

Ng bigla akong niyakap ni kuya nate "Sorry bunso, nag-aalala lang ako sayo eh. Ayoko kasing makita kang nahihirapan at umiiyak. Pasensya na" alu nya sakin.

"Sorry din kuya, sorry kasi ang tigas ng ulo ko. Sorry kasi ang tanga-tanga ko. Sorry kasi ang manhid ko. Sorry kuya" naiiyak kong sabi.

"Hindi Sabrina, wag mong sabihin yan. Minahal molang sya ng sobra, kaya nasasaktan ka ng sobra ngayon"

Fall In Love With Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon