Chapter 50

199 14 0
                                    


Minulat ko ang aking mata at bumungad sakin ang katabi kong unan.

Unan!?

Nasan si Troy? Napabalikwas ako sa pagkakaupo at iginala ko ang aking mata sa buong kwarto. Pero wala.

"Hindi manlang nagpaalam ang mokong nayun bago umalis"

Tumayo ako pumunta sa study table. Kinuha ko ang telepono para tingnan ang oras. Namilog ang buong mata ko.

"Lintik alas-nwebe na pala" bulong ko.

Kaya pala hindi kona sya nadatnan, siguro ay maaga syang umalis. Nagmadali nako at dumeresto nako sa Cr mag-ayos ng sarili. Syempre nag toothbrush at naligo nako. Ganun kasi lagi ginagawa ko hehe! Nagbihis narin ako ng pa-nrabahong damit. Soot-soot ko ang paborito kong fitted long skirt na may hati sa bandang hita at pinatneran ko ito ng kulay brown na fitted sando. Ganun naman lagi yung outfit ko kapag may work.

Nagmadali akong bumaba at bumungad sina mama, yaya at mira. Mukang nag-aalmusal na sila, pero diko nakita ang pagmumuka ng aking kuya.

"Goodmorning po sa inyo"nakangiti kong bati sa kanila.

"Goodmorning nak" bati ni mam.

"Goodmorning baby A" bati naman ni yaya may nakakalokong ngiti.

"Kain kana sabrina" sabi naman ni mira at mukang blooming  sya ngayon ah. Napansin ko kasi, sa mga nagdaang araw nato palagi na silang nag-uusap at magkasama ni Gavin. Minsan nga nadadatnan konalang si Gavin dito at kausap nya si Mira. Pero ayos lang sakin iyon, at sobrang saya ko dahil ipinagpapaalam naman ni Gavin sakin at pati narin kay yaya ang pagpunta-punta nya dito.

Speaking of Gavin. Eto sya ngayon mukang kakarating lang "Hi sabrina" bati nya na may pagkaway pa "Hi tita elise, hi yaya" bati nya pa ulit. "Hi mira" at nagmukang nagbago ang tinging nya nung nakita nya si Mira. Suss kinikilig naman ako agad. Agang-aga eh!

"Kain kana rito Gavin ijo, ang nagluto ng lahat ng yan ay si mira" sabi ni mama. Habang ako ay nakatayo habang tinitingnan sila na masaya.

"Oo nga po tita, hinding hindi ko palalagpasin mga pagkaing ito" sabi pa ni gavin at wala pa atang ilang minuto ay maganda na ang upo at... katabi pa nya si mira ah. Mukang hindi na naman nahihiya si Mira kay Gavin. Mukang sanay narin sya. Mabuti naman kung ganon, naka ilang advice na kasi ako dito kay mira eh, na wag na wag na syang mahihiya kay Gavin at sa iba kopang kaibigan. Dahil pag kaibigan ko ay dapat kaibigan narin nya. 

"Ikaw sabrina, upo kana dito" sabi ni gavin.

"Oo nga nak, sabay kana" sabi naman ni mama.

"Nako mama kayo nalang po, late na po kasi ako eh. Mamaya nalang dinner" sabi ko.

"Sigurado ka?" Tanong nya.

"Opo mama, tsaka asan si kuya?" Tanong ko.

"Ayun kanina pang umalis, magkasabay lang sila ni Troy kanina. Nagpahatid ang kuya mo kay Troy sa Terminal ng mga bus, sira daw ang sasakyan nya kaya nagpahatid nalang sya" sabi ni mama.

Ah kaya pala maaga syang umalis ai kuy pala yung dahila. "Ah ganon po ba"

"Bakit miss mona ba agad si troy" pang-asar ni mama na ikinatawa nilang lahat.

Ewan koba dito kay mama ang hilig nya mang-asar mukang sa kanya talaga nagmana si kuya eh "Mama!"

"Biro lang, sya sige na! Pagkarating mo sa opisina mo kumain ka agad ha" sabi nya.

"Opo mama!" Sabi ko.

"Ah sabrina sandali" sabi ni gavin. "Ah tita, yaya, mira. Mukang kelangan konang umalis, may urgent meeting kami eh" sabi ni gavin.

Fall In Love With Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon