Chapter 81

134 9 0
                                    

Gavin's POV


"Anooo!?"

"Si Troy ang ama ni Hunter!?"

Gulat na sigaw nila. Andito kaming lahat sa bahay ni Mira.

"Oo"tipid na sagot ko.

"Pero Gavin seryoso kaba? Baka prank lang yan ha!" Sabi naman ni shantel.

Tinitingnan ko isa-isa ang mga muka nilang gulat na gulat sa natuklasan nila ngayon. Marami silang tanong sa akin pero ni isang sagot wala akong nasabi. Kahit ako man eh wala ding alam. At hanggang ngayon eh gulat at hindi parin makapaniwala sa katotohanan.

"Kaya pala kahawig ni Troy yung mata ni Hunter kasi sya pala yung ama" sabi naman ni Liam.

Kunot noo namin syang tiningnan.

"Uto-uto nahalata mo yun? Grabe na talaga yang pag-ka detective conan mo dude!" Biro naman ni Drake kay liam.

Puro biruan lang naman lumalabas sa bibig ng dalwang mokong na ito eh. Pero deep inside inaalala rin naman nila ang kaibigan naming si Troy pati narin ang pamilay ni Sabrina.

"Paano na si Namra? Paano si Hunter alam nya ba ang totoo?" Tanong ni shantel at ganon din si ayumi.

"Alam ni Namra ang totoo, pati narin si Maxine. At ang problema lang, hindi alam ng bata na ang tunay nyang ama ay si Troy dahil ayaw ni Sabrina na malaman ni Hunter ang totoo" paliwanag ko.

"Pero bakit? Anak nila si Hunter kaya dapat lang na malaman ng bata ang totoo" ani ni Mira.

"Alam nating lahat ang pinag-daanan ng dalawa noon. Kaya kung ano man ang desisyon ni Troy at Sabrina, suportahan natin sila. Alam nilang dalawa kung ano ang ikabubuti ni Hunter"

"Alam nyo? Hindi ko naisip na dadaan sila sa ganitong sitwasyon. Sa mahabang taon nilang pagsasama noon, hindi ko inakalang itatago ni sabrina ang anak nila ni Troy" ani ni Mira.

Napa-isip naman ako. Tama naman si Mira, pero hindi sapat ang mahabang taong yon kung hindi rin naman sila magka-unawaan sa isa't isa.

*****

Pagkatapos namin mag usap-usap umalis agad ako at iniwan sila sa bahay ni Mira. Balak kong puntaha si Troy para kamustahin sya. Sa mga nag-daang araw na ito ay nagiging abala sya. Hindi sa trabaho kundi ang pakikipag tulungan kay attorney.


Pagbukas ko ng pinto bumungad sakin si Troy at ang ilang matataas na abugado dito sa pilipinas. Umupo muna ako at malayo sa kanin. Balak kong hintayin silang makatapos sa pag-uusap bago ko kausapin si Troy.


Pagkalipas ng ilang minuto. Tumayo na silang lahat at nagpapaalam sa isat isa.

"See you tomorrow Mr. Vergara ang Goodluck" paalam sa kanya ng isang abugadong mataas na syang may hawak sa kaso na isinampa ni Troy.


Nagsi-alisan na sila kaya agad kong nilapitan si troy.

"Anong susunod mong gagawin?" Seryosong tanong ko.


"Ayos na ang lahat, hihintayin nalang kung kelan ilalaban ang kaso" seryosong sagot naman nya habang umiinom ng alak.


"Hindi na ba magbabago yang isip mo Troy?"


Tiningnan nya ako. "Kung nandito ka para lang pigilan ako Gavin, pwedeng kanang umalis. Dahil, kahit anong gawin mo hindi nyo ako mapipigilan"



Sinamaan nya ako ng tingin bago sya tumayo at naglakad palabas ng pinto.

"Sandali lang Troy" pag-pigil ko sa kanya. Tumigil sya tsaka tumingin sakin.


"....wala akong balak pigilan ka sa gagawin mo. Tsaka wag sana sumama ang loob mo sakin" pumunta ako sa kanya tsaka tinapik ang balikat nya.


Ngumiti ako. "Laging mong tatandaan, andito lang ako bilang malapit mong kaibigan para samahan ka sa bawat laban ng buhay mo"


Sinuklian naman nya ko ng ngiti.


"Thankyou dude!"

Fall In Love With Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon