Chapter 71

202 11 2
                                    


[Now playing: Sa susunod na habang buhay by Ben & Ben]

TROY'S POV

Mapaglaro ka talaga tadhana.

Paglipas ng apat na taon akala ko limot kona ang lahat. Akala ko mawawala na sya sa isip ko. Pero mali ako, dahil kahit anong gawin ko kahit gumawa pa ako ng paraan para lang makalimutan sya, hindi ko magawa. Sya padin yung naiisip ko bawat pag-mulat ng dalawa kong mata. Sya padin yung laman ng puso ko. Mahal ko parin sya kahit hindi na ako ang mahal nya.

Kakalabas kolang ng sasakyan at tamang-tama lang ang tayo ko ngayon para masilayan ang pagdating nya. Hindi ko alam kung medyo napa-aga ba ako ng dating? Andito ako ngayon malayo sa bahay ni Sabrina at ok narin ito, para hindi ako makita ng ibang tao lalo na sina Gavin. Ayokong makita nila ako na nandito, at ayokong makita nya ako na nandito.

Mula sa kinatatayuan ko ngayon, kita ko ang masasayang muka nina Gavin at ang iba pang mga malalapit kong kaibigan. Halata sa kanila na excited sa pagdating ni Sabrina.

Sumilip ako sa bandang likuran ko at napansin kong may mga sasakyang dadaan sa gilid ko, kaya dali-dali akong pumasok ng sasakyan. Tumigil ang isang sasakyan sa harap ng bahay nina sabrina. Hinihintay ng mga mata ko kung sino ang unang lalabas, hindi ako makapaghintay na makita ko agad sya. Pero nabigo ako nung makita kong lumabas si Tita Elise at pati narin si Nate at ang iba pa nyang kasamahan. Bigla akong nanlumo ng hindi ko makita si Sabrina. Sinalubong nina Shantel at ayumi pati narin yung iba sina Tita at Nate. Gustong-gusto kong lumapit sa kanila pero hindi ko magawa. Isa pa baka hindi nila gugustuhin na makita ako, ayoko ring makagulo ako sa welcome party na pinaghirapan nina Yaya Neli.

Napansin kong may isa pang sasakyan ang dumaan kaya agad akong napabalikwas ng maayos na upo para makita ko kung sino ang huling dumating. Kaso natakpan ng ilan pang sasakyan, kaya hindi ko makita. Pinaandar ko ang aking sasakyan at inilapit ko sa sasakyang babagong dating lamang. Hindi parin ako mapakali dahil hindi ko parin makita kung sino ito, kaya lumabas ako ng sasakyan. Sinigurado ko munang walang tao sa likod ko at walang makakakita sa akin.

Sumilip ako ng bahagya. Parang may kung anong saya sa puso ko. Parang may lumulundag sa dib-dib ko noong makita ko ang maganda nyang muka.

Parang bumalik lahat ng masasayang ala-ala nong makita ko ang nakangiti nyang muka. Napangiti ako, hindi ko alam kung bakit may ilang luhang tumulo sa dalawang mata ko. At isa lang ang alam ko. Masaya ako ng makita ko sya ulit kahit silip o silay manlang.

Masaya syang bumabati sa iba, pero hindi marinig ang boses nya dahil sa ingay ng iba. Lumapit ako ng konti pero agad akong napahinto, ng makita ko si Marco na may hawak na bata papalapit sa tabi ni Sabrina.

Pinipilit kong tanggalin sa utak ko yung iniisip ko na sana mali ito. Yung nararamdaman ko kaninag saya ay napaltan ng lungkot at kaba na baka may sabihin syang ayaw na ayaw kong marinig. Hindi ko napansin na malapit na pala ako sa kanila.

"Sya si Theron Hunter, ang anak namin ni Marco" aniya. Sabay kuha kay Marco ng bata.

Parang unti-unting huminto ang paligid ko. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit. Gusto kong pigilan ang luhang tumutulo sa dalawa kung mata. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, matagal na namin pinutol ang ugnayan sa isat isa pero bakit ganto yung nararamdaman ko ngayon. Bakit ganto kasakit ng malaman ang totoo?

Hindi ko napigilan ang sarili na umalis nalang sa event. Hindi ko pa kayang tingnan ang masayang muka ni Sabrina habang buhat buhat nya yung anak nila ni Marco. Hindi ko alam kung may karapatan ba ako para masaktan ng ganito? Kahit ako naman yung unang nanakit sa kanya?

Para akong lutang na nagmamaneho sa daan. Pakiramdam ko manhid ang buong katawan ko. Bumaba ako ng kotse tyaka hinayaan konalang ang mga paa ko kung saan 'man ako dalhin nito. Nakarating ako sa malawak na lugar na malapit sa pinaghintuan ng sasakyan ko. Mataas ang lugar kaya tanaw ko dito ang maiilaw na syudad.

Fall In Love With Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon