Chapter 54

150 10 0
                                    

Sabrina's POV

"Ano sabrina? Kamusta ang vacation nyo, exciting ba?" Naa-aliw na tanong ni Shantel.

"Oo nga Sabrina, kamusta kayo?" Tanong naman ni ayumi.

"A-ayos lang naman" atat kong sagot.

Kanina pa nila ako kunukulit tungkol don eh.

"Weh?" Sabi ni ayumi at tiningnan nya ako ng nakakaloko "Wala bang nangyari, nung gabi?"

Sinamaan ko sya ng tingin "H-ha? Anong pinagsasabi mo dyan?"

Lumapit sya sakin sabay tampal saking balikat "Sus! Wag munang i-deny"

"Deny ka dyan! Wala nga!" Pasigaw na sabi ko. Buong muka ko ay namumula sa hiya at kaba. Pano kasing dalawang to eh, kinukulit ako.

"Wag ako Sabrina! Halata kong sayo oh, kinakabahan ka" pang-asar pa ni shantel.

"Yieeeeee hahaha" pang-asar pa din ayumi habang natawa.

"Hay nako kayong dalawa! Ang gulo nyo" pasigaw ko "Walang nangyari samin, WALA"

"Hindi kayo nag sex--"

"Shantel!!" Sigaw ko habang tiningnan sya ng masama.

"Eww!! Ate....." sabi naman ni ayumi.

"Maka ew kayo ha! Baka pag-naranasan nyo, araw-arawin nyo ha!" Sabi pa ni shantel.

Nahihiya at namumula ako sa harap ng dalawa. Kahit sobrang lapit ko sa kanila pag mga gantong usapan, hindi ako makaamin. Naiilang at nahihiya kasi ako eh.

"Ate naman! privacy na ni Sab at troy iyon, bakit kelangan mo pang alamin" naiinis na sabi sa kanyang ate.

"Hay nako, what ever sa inyong dalawa!" Buryaw na sabi naman ni shantel.

Ewan ko ba sa dalawang to!? Ang gulo talaga ng buhay nila.

"Ahh sige, una nako sa inyo" paalam ko.

"Wait where you going?"

"Sa office ko" sagot ko.

Tiningnan lang ako ng dalawa na parang wala silang itinanong. Minsan talaga ang sarap nilang pag-untuging magkapatid. Lumabas na ako sa office ni shantel, at patungo na ako ng office ko.

Hindi muna ako pupunta sa office ni troy ngayon dahil may mahalaga daw silang pag-uusapan ni Mam katherine. Ayos na sakin dahil inihatid naman nya ako sa bahay kanina. Pero hindi kona naubutan si Mama sa bahay kanina dahil maaga daw syang umalis, tutulungan daw nya si Kuya nate sa Resort nya. Madami daw turistang dumarayo. Bilib talaga ako sa kuya kong yun, kahit inaaway nya ako minsan mahal ko parin sya. At si Troy naman hindi nya ako papasukin ngayon, para daw makapag pahinga ako. Pero nagpumulit ako dahil tambak nayung trabahong gagawin ko. Si troy kasi eh kung saan-saan at kung ginagawa sakin eh. Yan tuloy sumagi na naman sa isip ko yung nangyari kagabe. Ehehe!

May ilang hakbang palang bago ako makalayo sa office ni Shantel ng may humawak sa braso ko. Inangat ko ang ulo ko para makita ang muka nya.

"Hi sabrina!" Bati nya habang nakangiti.

Nagsalubong ang dalwang kilay ko. Tama ba ako ng nakikita? Nakangiti sya sakin na parang close nya ako.

"N-nica? Bakit anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"You forgot? Malapit lang ang office ko dito" sagot nya habang malawak padin ang ngiti.

Forgot daw? Eh hindi ko naa-alala na sinabi nya sakin kung san ang office nya eh. Tsaka hindi kami bati este close pala.

Fall In Love With Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon