Chapter 26

233 14 2
                                    


Theo's POV

"T-theo w-wag kanang m-maghihiganti h-ha" hinang hina nyang sabi.

"Oo sabrina promise! Awa muna kumapit kalang ha" sabi ko at niyakap sya ng mahigpit.


_____________

Andito kami ngayon sa ospital at binabantayan ang doctor na lumabas.

"Hayop ka!" Sigaw nya at sabay akong sinuntok dahilan kung bakit ako napa upo.

"Kung hindi dahil sayo! Walang mangyayaring masama kay Sabrina!" Sigaw ni troy habang nasa likod nya si liam at Gavin.

Magulo ang isip ko sa mga nangyari. Sinisisi ko ang sarili ko dahil napahamak si Sabrina ng dahil sa akin. Hindi ko  alam kung bakit nya ginawa iyon. Sinalo nya ang bala na dapat ay sa akin. Niligtas nya ako. At agad kong naramdaman ang pagbagsak ng katawan nya sakin. Punong puno ng dugo ang braso ko dahil sa pagkakabaril sa kanya. Sa tiyan sya natamaan kaya sobrang delikado ang buhay nya ngayon.

Damn it Theo! Tangina lang! Napakatanga ko! Ang inosenteng si Sabrina napahamak ng dahil sakin.

Sinuntok na naman nya ako kaya tuluyan akong napahiga "Ano ha? Ganyan nalang! Tanginamo theo! Wala kang kwenta!" sigaw ni troy sa akin.

"S-sorr-" putol kong sabi dahil sinuntok na naman nya ako at kiniwelyuhan

"Sorry?! Anong mangyayari sa sorry mo ha? Mabubuhay ba ng sorry mo ang nag-aagaw buhay ni Sabrina!" Sigaw nya.

"Dude! Tama na! Baka mapatay mo sya" awat ni drake.

"Dapat lang sa kanya yon! Dapat sya nalang yung nabaril! Dapat h-hindi sinalo ni s-sabrina yung b-bala" utal na sabi ni troy dahil sa pag iyak.

Tama sya. Dapat ako nalang, dapat ako nlaang yung nabaril. Ang walang kwentang buhay ko!

Halos kami ay galing sa pag-iyak dahil panganib na buhay ni sabrina. Ilang minuto narin kaming tumigil sa pag-aalitan ni Troy. Nakaupo sya sa sahig at nakapatong ang siko nya sa tuhod nya habang nakatungo ito.

"Theo mag-usap tayo sa labas" seryosong aya ni Gavin.

Agad na akong sumunod sa kanya. Nakarating na kami sa labas, at andito kami ngayon malapit sa parking erea.

"Swerte molang! Nakiusap sakin sabrina, bago sya ipasok sa operating room na huwag kang ipakulong" seryoso nyang sabi habang may tumutulong luha "Hirap na hirap nyang bigkasin na wag kadaw ipakulong, sabay pa 'non ang pagtulo ng luha nya bago ipasok sa loob." sabi pa nya.

Napasuntok nalang ako sa pader sa kagaguhan na ginawa ko. Hindi ako tumigil sa kakasuntok kahit duguan na ang aking kamay. Kulang pa ito! Kulang pa ito sa pagdurusa ni Sabrina ngayon.

"S-sana mapatawad pa nya ako" sabi ko habang umiiyak.

"Si sabrina yung klaseng babaeng hindi marunong kumimkim ng galit. Sya yung klaseng madaling magpatawad" sabi pa ni Gavin.

"Sa maniwala ka't hindi. Labis at sobra kung pinagsisisihan ang mga nangyari. Hindi ko kaya pang tingnan si Sabrina. Hindi ko kayang makita pa nya ulit ako" sabi ko.

"A-ano ibig mong sabihin?" Tanong Gavin.

"Magpapakalayo ako sa kanya" seryoso kung sabi.

"Hindi mo manlang ba sya hihitayin magising?" Tanong nya.

Umiling ako "hindi, hindi ko kayang magpakita sa kanya" sabi ko pa.

"Mas maigi pa ngang wag kana nyang makita" sabi nya.

Fall In Love With Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon