Chapter 40

252 16 2
                                    

Sabrina's POV





Unti-unti kong minulat ang mata ko. At....at

"Ahhhhhh....troy bat kita katabi?" Sigaw ko at nagpumiglas ako sa pagkakahiga.

Huhuhu kakahiya baka mamaya tuloy laway ako tsaka baka may muta pa sa mata ko. Jusko itaas nyo na ako! Kakahiya tuloy.

"Good morning my love" bati nya at umupo nadin.

My love? Mahihimatay na ba ako? Bat ganto agad yung naramdaman ko, agang-aga kinilig na agad ako.

"Anong goodmorning? Tinatanong ko kung bakit kita katabi, hindi ba don ka sa sofa natulog?" Sabi ko.

"Madaming lamok don, kaya lumipat ako" sagot nya.

"Anong lamok? Ang alam ko ni isang lamok dito sa kwarto wala kang makikita" mataray na sabi ko.

Napatawa sya at napakamot sa ulo. "Fine, lumipat ako kasi gusto kitang katabi" sabi nya na nagpakilig pa lalo sa akin.

Ano bag nangyayari sakin, sa simpleng sabi lang ni troy ng ganon ang lakas agad ng epekto sakin. Bakit ba ang galing nyang mag pakilig sa mga babae.

"Sinong nagbigay ng permiso na tumabi ka sakin?" Tanong ko.

"Nagpaalam ako sayo nung tulog ka" pelosopo nyang sabi.

Hinampas ko sya "Awww..." daing nya.

"Sorry na, wala naman akong ginawang masama sayo no! Tsaka ni yakap at hawak ng kamay hindi ko ginawa nung tulog ka" sabi pa nya.

Tama naman sya, wala akong naramdamang may humipo o yumakap sakin. Tsaka malaki naman ang tiwala ko sa mokong nato eh.

"Gentleman ka naman pala kahit papano eh" pang-asar ko.

"I know" sabi nya.

Ts..yabang niloloko lang naman sya haha!

Humiga ulit sya tsaka nag kumot. Antok pa ang mokong, sa bagay maaga pa naman talaga eh, baka hindi lang sya sanay gumising ng maaga.

"Baba na ako, tulungan ko si nay carmen magluto" paalam ko at tatayo palang ako kaso bigla nya ako hinila papalapit sa kanya kaya napahiga ulit ako.

"No stay here, hayaan mo sila don" sabi nya habang nakayakap sa akin.

Hindi ako makagalaw  pagkakahiga ko. Ikaw ba naman ang nakapatong sa katawan nya habang nakayakap sya ng mahigpit sakin, yung ulo ko nasa dibdib nya.

"Ang sama mo! Palibhasa basta basta kanalang kumakain" sigaw ko sa kanya.

Umalis ako sa pagkakapatong sa kanya at tumayo na.

"Hoy may trabaho tayo, kaya tumayo kana dyan at lumabas" sabi ko habang nakamewang.

"Hindi tayo pupunta ng Building, may mahalaga tayong pupuntahan" sabi nya.

"Ha? Saan" tanong ko.

"Malalaman modin mamaya" sagot nya habang papasok ng banyo.

Pabitin naman to. San kayang mahalagang pupuntahan? Baka parte din ng trabaho. Oo baka nga!

Pumunta ako sa tapat ng banyo "Ahm sir, baba nako ha" sigaw ko.

"Yeah hintayin moko sa baba, wag na wag kang tatakas ha" sigaw pa nya.

Tatakas? Bakit ko naman gagawin yon, pwede namang magpaalam sa kanya. Loko talaga yun.

Nag-ayos ako ng sarili at tinalian kodin ang aking buhok. Lumabas na ako at bumaba. Nakita kona agad si nay carmen at ilang maid sa kusina at naghahanda.

Fall In Love With Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon