Chapter 87

176 10 0
                                    

Dalawang araw na ang lumipas. At ngayong araw rin ang punta namin ng Baguio.

"Ready kana ba anak?" Tanong ko kay Hunter.

"Oo naman mama, sobra pa sa sobra. Siguradong magiging masaya ako dahil kasama ko kayo ni Papa"

Lumungkot ang muka nya. "....noong una nga po, akala ko di kayo kasama dahil ang sabi sakin ni Papa, may pupuntahan daw po kayo ni daddy Marco at mahalaga daw po sa inyo iyon para sa bussiness nyo po"

Napataas ang kilay ko. "Talaga nak? Sinabi ng papa mo yon sa iyo?"

Nag-nod sya. "Pero noong nalaman ko  na sasama ka po samin ni Papa, hindi lang po ako yung naging masaya ng sobra pati narin po si Papa"

"T-talaga? Masaya din ang papa mo?"

"Opo, may problema po ba don?" Tanong pa nya.

"Nako anak, wala. Nagtatanong lang si Mama" natatawang sabi ko sa kanya.

Hay nako. Kung anong puno, syang bunga.

"Mama bakit hindi nyo po isoot yung gift ko sa inyo nung christmas? Para fair kayo ni papa"

"H-ha? Ayos nato, nak. Maganda parin naman si Mama kahit hindi iyon ang isoot ko hindi ba?" Ngatal kong sabi sa kanya. Alam kong pipilitin at pipilitin ako ni Hunter na isoot yung couple shirt na niregalo nya samin ni Troy.

"Mama ma's magiging maganda ka lali kapag soot nyo ni Papa yon. Mas lalo kayong nagiging bagay ni Papa"

Nanlaki bigla ang mata ko. Ano bang bata to! Sino ba ang nagtuturo sa kanya neto! Parang siniship nya ako sa kanyang ama.

"Nak, wag ng makulit. Ok na itong soot ko. Tsaka nga pala, sino ba ang bumili ng couple shirt na gift mo samin ng papa mo?"

"Si Tito Drake, si Tito Gavin, at si Tito Liam. Sila po'ng apat. Sabi po sa akin ni Tito drake, maganda daw po yung damit para daw po sweet kayong tingnan ni Papa. Binili po namin yan noong gumala kami sa SM"

Yung mga uto-uto palang yon ang dahilan kung bakit ako nag durusa ngayon. Magkakaibigan nga sila, parehas silang mga letche, pati yung anak ko nagtututong gumala ng gumala. Natatakot na ako, kapag lumaki-laki na si Hunter mapagaya sya sa pagiging babaero ng mga mokong na iyon.

Biglang bumukas ang pintuan.

"Sabrina hija, nasa baba na si Troy. Inaantay nya kayo"bungad ni yaya neli. Bumalik sya pagtapos ng pasko, balak naman nyang dumito mag new year.

"Sige po Ya, susunod na po ako. Aayusin kolang tong mga gamit ni Hunter" sabi ko.

Lumabas na si Hunter kasabay ni Yaya neli. Sobrang excited na talaga yung batang iyon, pati yung bag nya kinalimutan.

Lumabas na ako ng kwarto habang dala-dala ko ang gamit ni Hunter pati narin yung sa akin. Konti lang naman yung sakin, karamihan dito mga laruan at gamit ni Hunter eh. 2days lang naman kami sa baguio. Dalawang araw koding titiising makasama ang mokong nayun.

Pagkalabas ko. Kinuha na agad ni Troy ang ibang gamit. Ibinigay ko sa kanya na hindi ko sya tinitingnan. Ewan koba, naiilang kasi akong tingnan ang muka nya. Oo, ang gwapong muka nya.

Parang pinag-biyak na buko ang muka ni Hunter at muka ni Troy. Kamukang kamuka kasi ni Hunter ang ama nya. Lalo noong pinagupitan sya ng kanyang ama ng buhok. Parang mini me nya talaga.

Sa sobrang excited ng anak ko, nauna na sya sa loob ng sasakyan ni Troy. Wala akong dalang sasakyan kundi makikisakay nalang din ako kay Troy.

Binuksan ko ang pintuan ng sasakyam nya. Kaso punong-puno ng gamit sa uupuan ko sa likod.

Fall In Love With Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon