Chapter 38

185 12 0
                                    


Drake's POV



"Ano ba talaga tayo shantel?" Seryosong tanong ko.

"Tao?" Nakakairita nyang sagot.

Minsan nakaka gago din syang kausap, naiinis ako sa pinapakita nya sakin eh.

Tiningnan kolang sya ng masama at nagpatuloy sa payoyosi.

"Just kidding" sabi nya.

Tumayo sya sa kama at nagbihis.

"Ganto lang ba tayo?" Sabi ko.

"Pinagsasabi mo?" Sagot nya.

Nilapitan ko sya at sabay hinawakan ang braso "Gamitan lang ba tayo? Tuwing lasing tapos one night stand" sigaw ko.

Tiningnan nya ako at tinitigan ng masama "Eh ano ba? Hindi ba't katawan kolang habol mo?" Natatawang Sabi nya.

Yun ba ang akala nya kaya ganon nlang sya sakin? "What!? N-no" sabi ko.

"Anong no!?" Sabi nya habang sinosoot nya yung pagkataas-taas nyang high hills.

"Shantel naman? Ano bang tingin mo sa sarili mo? Parausan lang?" Galit na sabi ko.

Tiningnan nya ako ng masama at halata sa muka nya yung galit. Something wrong? May mali ba akong nasabi.

Nilapitan nya ako tsaka sinampal "Tangina naman Drake!? Yan ba ang tingin mo sakin ha!? Gamit na basta basta nalang itatapon pag napagsawaan na!?" Sigaw nya at patuloy ang pag-iyak.

H-hindi mali sya ng pagkaka-intindi, gusto ko si shantel noon pa, pero naka focus ako kay sabrina. Pero alam kong mas-matimbang parin ang pagmamahal ko kay shantel.

"H-hindi, mali ka? Hindi sa ganon yun" sabi ko.

"Mali? Pero yun ang pinapakita mo eh" sabi nya habang pinupunsan ang luha sa mata nya "Sayo kolang binigay yung katawan ko, tapos ganan yung iisipin mo na parausan lang ako!?" Sabi pa nya.

Halos nanginig ako sa galit sa sarili ko. May luha ring tumutulo sa mata ko. Niyakap ko sya ng mahigpit "Sorry Shantel, hindi ganon yung tingin ko sayo, alam kong hindi ka ganon. I'm sorry!" Sabi ko.

"Sorry din, nasigawan kita" mahinahon nyang sabi.

Kumawala ako sa yakap at hinawakan ang pisngi nya.

"Hindi kita hahalikan, hindi kita hahawakan, hindi ako makikipag sex sayo kung wala akong ibang nararamdaman sayo Shantel." sabi ko.

"A-ano?" Gulat nyang tanong.

Hinalkan ko sya sa noo pababa sa malambot nyang labi "Gusto kita shantel, gustong gusto kita." Sabi ko.

Napangiti sya at napaiyak sa sinabi ko. Kahit ako sobrang saya ng puso ko, parang tumatalon sa tuwa.

"Gusto din kita drake" sagot nya naman.

Ngumiti ako at niyakap ulit sya ng mahigpit "Mahal na mahal kita shantel, ako ba? Mahal mo?" Tanong ko.

Nag nod sya "Mahal na mahal" sagot nya at hinalkan ako. Tuwing ginagawa nya yun, mas lalo akong napapamahal sa kanya.

"Girlfriend na ba kita?" Tanong ko.

"Boyfriend na kita" sabi nya habang nakangiti.

Ang ganda nya, sobra sobra.

"Pakasal na tayo?" Tanong ko.

"Loko!" Sabi nya at hinampas ako.

"Joke lang, alam ko namang hindi ka pa ready eh" sabi ko.

"Buti alam mo!" Sabi nya.

Eto na naman sya bumabalik ang pagka amazona.

Sobra pa sa sobra ang saya ng araw ko ngayon. Parang nakasungkit ako ng isang bituin nung naging girlfriend ko si shantel. Matagal ko na naman syang kilala at syempre nakasama. Kaya hindi ako nagkakamali ng minahal.






Gavin's POV

Pauli-uli yung mata ko sa kakatingin kay sabrina habang naglalakad. Buong sulok ata ng office ko ginala nya eh.

"May problema ka ba?" Tanong ko.

"W-wala" sagot nya.

"Bat hindi ka mapakali?" Tanong ko.

Umupo sya sa harap ko. "Hindi ba't sabi mo, si sir troy yung pumunta sa Lewis Company kahapon?" Tanong nya.

Tama nga ako si troy yung iniisip nya kanina pa. "Yup" sagot ko.

"Alam mo ba kung bakit hindi ako yung pinapunta nya sa Company nayun?" Tanong nya.

Napapatawa nlang ako sa itsura nya. Ang cute nya kapag nag-aalala sya. Videohan konga tapos ipakita ko kay troy?

"Hindi bakit?" Tanong ko.

Ang totoo alam ko talaga, hindi pinapunta ni troy si sabrina sa lewis compony dahil andon din si Jace. Isa lang ang ibig nya sabihin nya, ayaw ni troy na magkita o makasama ni sabrina si jace haha! Selos kahit hindi sila ni sabrina.

"Nag-aalala kaba sa kanya?" Tanong ko.

"H-hindi kaya!" Sagot nya.

Suss...ako pa niloko nya.

"Ah gavin, pwede magtanong" sabi nya.

Nag nod ako.

"Yung sa party? Alam mo ba kung b-bakit bumalik si sir troy nun?" Tanong nya.

"Oo, sinabi ko sa kanya" sagot ko.

"Ha!? Bakit naman?" Tanong nya.

"Halos lahat kami nag-alala sayo nung nalaman kong ikaw lang yung nasa party, kaya tinawagan ko si troy para itanong kung kasama ka nya? Kaso nung tinawagan ko sya mukang na-abala ko sa pagtulog" paliwanag ko.

Nag no sya "Ahh...p-pero bakit sya galit nung nakita nya akong may k-kasama" sabi pa nya at hindi makatingin. Nahihiya ba sya?

"Alam moba kung ga-ano sya nag-alala sayo nung nalaman nyang nasa party kapa" sabi ko.

"H-ha?" Inosente nyang sabi.

"Nung tumawag ako saktong natutulog sya, tapos yung sinabi ko yun, hindi na sya magkanda-ugaga at pinatayan nya ako ng telepono" sabi ko.

Namumula yung dalawang pisngi nya na parang nahihiya "Nag b-bush ka" sabi ko.

"H-hindi no!" Sabi nya.

"Sabrina" tawag ko sa kanya at tinitigan sya.

"Hmm?.." sagot nya.

"W-wala" atat kong sabi.

Kita ko ang pagtataka sa muka nya. Hindi ko masabi sa kanya ang kanina pang gusto kong itanong.

Lagi konalang kasi naiisip si Mira. Yung kasama nya sa bahay.

Tinamaan na ata ako sa kanya. Napaka simple lang nya pero ang ganda-ganda nya.

Ng biglang tumunog ang telepono ni sabrina.

"Excuse" sabi ni sabrina habang nakangiti.

Nagpatuloy na ako sa trabaho habang si sabrina ay may kausap sa telepono.

"Po!? B-bakit po ako?" Gulat na sigaw nya.

Napahinto ako sa ginawa ko. May nangyari ba?




[Sensya na po sa typo, patuloy po akong nag-eedit hehe]

Fall In Love With Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon