Chapter 48

158 12 0
                                    


Liam's POV


"Iloveyou sabrina, sobra pa sa sobra!"

Nakangiting sabi ni troy habang kausap nya si sabrina sa telepono. Halos kaming tatlo pinipigilan ang pagtawa sa ina-asta ni troy. Para syang batang kinikilig sa simpleng 'iloveyoutoo' ni sabrina. Nagtatalon na nga sya eh, sya na ata yung pinakamasayang lalaki sa buong universe haha! Pero kahit suplado at napaka-boss nya samin, sobra masaya kami para sa kanya. Mantakin mong ang isang TROY VERGARA ay nagseryoso sa babae? Isang malaking himala talaga!

Samantalang ako eto? Reject kay ayumi. Tss.. ang gago ko kasi, nung oras na pinagtabuyan ko sya, hindi ko alam na may nararamdaman na pala ako sa kanya at hindi ko alam na may gusto narin pala sya sakin. Masasabi talagang nasa huli ang pagsisisi.

"Oy dude may problema ka ba? Kasi kanina kapang tulala" tanong ni drake.

Nagsitinginan naman si gavin at troy sa akin. "Wala" tipid na sagot ko.

"Hindi nga?! Kung meron, pwede kong dagdagan" natatawang sabi ni drake.

'Poink**

"Aray!" Daing nya sa pagpukpok ko ng bunbunan nya.

"Ano nga kasing problema?" Tanong pa ni Gavin. Samantalang si troy ayun busy sa kadu-dutdot sa telepono nya habang nakangisi na tila'y kinikilig. Thankyou talaga sabrina! Binago mo ang kaibigan namin haha!

"Si ayumi ba?" Tanong ni gavin.

Oo alam ng mga loko ang samin ni ayumi. Sa halip na bigyan nila ako ng advice o patatagin nila loob ko, ayun tinawanan pa ako ng mga gago! Sinamaan ko sila ng tingin. Bakit nila nalaman? Halata ba sakin na iniisip ko sya? Hindi naman ah, hindi ko nga sya miss eh.

"Bakit kasi ang bagal bagal mo, ayan tuloy naunahan kana" sabi ni drake.

Naguguluhan akong tumingin sa kanya. Naunahan? Ako?

"W-what? Naunahan?" Tanong ko.

"Y-yup" kinakabhang sagot nya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"N-nakita ko si ayumi eh, may kasama syang lalaki" sabi nya.

"Lalaki? S-sino?" Tanong ko.

"I don't know, akala ko kasi alam mo kaya ang lungkot mo ngayon eh" sabi pa nya.

Ibig sabihin may iba na sya kaya dinedma lang nya ako.





Shantel's POV

"Bakit nakangiti ka dyan?" Tanong ko kay ayumi.

Parehas sila ni Sabrina at ayumi tutok sa telepono. At parehas din silang nakangiti at kalamo'y wala ng bukas. Bebetime sila!? Pano naman ako? Nganga?

"Ate alam mo ba?" Balik na tanong ni ayumi.

"Aba malay ko sayo!" Mataray na sagit ko.

"Ang sungit mo naman" sabi pa nya.

"Ano ba kasi yun?" Tanong ko.

"Si Marrion ate bumalik na sya" masayang sabi ng kapatid ko.

"Talaga!?" Gulat na tanong naman ni Sabrina.

"Oo, at nagkausap na kami kanina" sabi pa ni ayumi.

"Edi wow" sabi ko naman.

At yun sila na ang nag-usap. Tutal sila naman nagkakaintindihan eh. Masayang nag-uusap si sabrina at ayumi. Edi sila na ang may masasayang relasyon. Mantalang ako eto? Nganga!

Fall In Love With Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon