Jersey
PINAGMASDAN ko ang kapaligiran ng napakagandang mansyon. Kung kanina ay 'yong hardin sobrang ganda, mas dumoble ang kalinisan at kagandahan ng mansyon sa labas, lalo na sa loob.
Napanganga ako. Pansin ko iyong halos sampung kasambahay na may kanya kanyang uniporme habang seryosong naglilinis sa living room. Kaagad na lumiko kami sa isang daan na may double doors. Pumasok kami roon nang buksan ng nasa unahan ko iyong pintuan.
Ganito ba kayaman ang papakasalan ko?
"M-Mabait ba ang papa mo?" Agad na napansin ko iyong paghinto ng nauna sa paglalakad. Natigilan ako at ganoon din ang nagawa.
Hinarap niya ako. Seryoso iyong mukha niya ngunit ilang saglit lang rin ang nakalipas, napatawa siya habang titig na titig sa akin.
Napakunot iyong noo ko at nahihiyang napayuko dahil sa tono ng boses niya. Naramdaman ko ang pagtalikod niya sa akin. Nagpatuloy siya sa paglalakad habang natatawa pa rin.
May nakakatawa ba?
"Well, mabait iyong groom mo. Mabait at gwapo." Habang siya ay nakatalikod, kita ko ang dahan dahan niyang pag iling na para bang sobra sobra iyong kagwapuhan ng papakasalan ko.
Napakunot iyong noo ko.
"M-Mabait at...gwapo 'yong papa m—"
"Shut up." Natigil ako sa paglalakad. Narinig ko siyang napatawa kahit na patuloy pa rin siya sa paglalakad. Ako nalang iyong hindi pa makahakbang dahil sa gulat sa pagpapatigil niya sa akin.
Dali dali akong sumunod sa kanya nang may maisip. Napasinghap pa ako nang makita sa mga paa niya ang laki ng hakbang habang naglalakad siya.
Huminto kami sa isang kuwarto. Muntik pang mapunta iyong mukha ko sa likod niya kung hindi lang mabilis na napahinto. Huminga ako ng malalim.
"This is your room. Ipinahanda ito ng papa ko sayo." Ramdam ko ang tawa niya habang sinasabi iyon. Siguro may ganito lang talaga sa mga anak. Minsan ganito din ang kapatid kong lalaki, mahilig mang asar.
Tumango ako at tipid siyang yinukuan.
"Salamat..."
"What's my name?"
"H-Ha?" Napaharap ako sa kanya. Kita ko ang seryoso sa ekspresyon niya na para bang kailangan kong alam ang pangalan niya.
Naalala ko...Ric. Isa siya sa anak ni Mr. Levine. O baka isa lang talaga siyang anak.
"R-Ric..." Napasinghap ako bago bumitaw sa pakikipagtitigan sa kanya.
"Say it again." Napalunok ako bago tinitigan ulit. Nakita kong umangat iyong sulok ng labi niya na para bang may tama akong nagawa.
Habang nakatitig sa kulay asul niyang mga mata, napansin ko iyong paghakbang niya papalapit sa pwesto ko. Napaatras ako papuntang pintuan. Akala ko ay titigil na siya sa paghakbang kaya ako ang naunang tumigil, ngunit hindi pa pala. Humakbang siya ng humakbang papalapit habang ako ay pilit na ipinipikit iyong mga mata dahil sa wala na akong maatrasan. Ramdam ko iyong pintuan sa likuran ko.
"R-Ric...Ikaw si...R-Ric." Nanghina ako matapos masabi iyon. Titig na titig siya sa akin na para bang wala ng bukas. Humalakhak siya at saka tinigil iyong paghakbang.
Hindi siya malayo sa akin. Malapit lang. Hindi ko masasabing isang hakbang lang ang pagitan namin dahil malayo iyon. Pinagmasdan niya iyong mukha ko.
"Beautiful. Ang swerte ng papakasalan mo, kung ganoon," mahinang sinabi niya habang hindi matanggal iyong paningin sa labi ko. Napangiti siya at mahinang natawa.
BINABASA MO ANG
The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)
RomanceWalang alam si Ailia tungkol sa kung sino ang papakasalan niya. Ang sinabi lang sa kanya ay kailangan niyang manatili sa mansyon, sa amo ng papa niya. Hindi niya pa ito nakita at ni pangalan nito ay hindi niya pa narinig. Kaya niya bang manatili sa...