Party
"OO, ano ka ba. Ikaw susunod sa akin dito." Nang tumawag ang kapatid kong si Willy noong Bernes, wala akong ginawa kung hindi ang kausapin siya. Kapag sinasabi niyang papatayin na niya ang tawag, pinipilit ko siyang magkwento pa ng mga kaganapan sa amin.
Gusto kong malibang. Para na rin...mawala na sa isip ko iyong pakikipag-text ko kay Ric. Noong gabi kasi na 'yon, hindi ako nakatulog kaka-reply sa mga text niya. Sinasabi niya ang tungkol sa kapatid niya at...hindi ko alam kung bakit may nararamdaman akong kakaiba sa sarili ko. Parang...ang saya ko dahil lang sa nagkausap kami?
Pero hindi. Hindi pwedeng mapalapit na naman ako sa kanya. Sa ginawa niya sa akin?
"Magkwento ka pa, Wil," mariin kong sinabi. Narinig ko siyang napatawa ng mahina.
"Oo na...Ay ate, meron pa pala. Si mama. Noong nakaraang araw pa 'to. May kausap kasi siya sa labas. Matandang lalaki. Naka kotse pa. Wala si papa no'n dahil naghahanap ng trabaho. Tapos, iyong matandang lalaki, seryoso lang ang mukha at parang may inabot pa kay mama..." rinig kong kwento niya sa kabilang linya. Naagaw ang atensyon ko roon at umayos ng upo sa sofa. Huminga ako ng malalim.
Kung ganoon, may alam rin ang kapatid ko kagaya ko.
"Ano ginawa ni mama?" tanong ko, pilit na pinagtataka ang boses.
"Hindi niya kinuha iyong inabot ng lalaki. Tinuro niya pa iyong kalsada. Parang pinapaalis niya iyong lalaki. Basta, hindi pa naman ganoon katanda iyong tao. Mga nasa 40 siguro ang edad no'n..." Mas lalo akong naguluhan. Sino ba iyong kausap ni mama? At...
"Ano ang kulay ng sasakyan?" tanong ko ulit, malakas na pumipintig ang nasa loob ng dibdib. Huminga ako ng malalim bago nag abang nang isasagot ng kapatid ko.
Ang alam kong kulay ng sasakyan noong tao na palaging bumibisita sa bahay namin, puti. Kulay puti at sobrang linis. Parang iyong palaging bago 'pag humihinto sa tapat ng bahay namin.
"White ate. Para ngang bago..." Agad akong nataranta.
So, puti nga? Pumupunta pa rin pala 'yon? Akala ko natigil na?
"Sige, ate. Bye na. Manonood pa 'ko movie..." Nang ma-realized ang sunod na sinabi ng kapatid ko, agad akong umiling.
"Huwag mun—Hello? Hello! Willy?" Wala ng sumasagot. Natahimik ako at inalis ang cellphone sa tainga.
Ang batang 'yon! Binabaan agad.
Tumayo ako at pumunta sa kusina. Nagluto muna ako pagkatapos ay kumain. May mga binili kasi ako kahapon na maluluto. Iyong mga madali lang. Kagaya ng hotdog at itlog. Nabili ko lang iyon sa labas dahil may tindahan kapag nakalabas ka ng apartment. May ilang mga bahay rin na nasa gilid namin. May grocery store pa nga.
Siguro sa susunod nalang ako bibili doon. Kailangan ko rin kasi makahanap ng trabaho para minsan nalang sila mama magpadala sa 'kin. Ayaw kong mahirapan sila doon.
"Gusto mo sumama?" Napakurap ako habang nakatingin sa nakangiting si Damaris. Papasok na sana ako sa kuwarto para sana matulog muna nang bigla nalang may kumatok sa pintuan at nakita ko siya.
Nakaupo kami ngayon sa sofa at hindi ko alam ang magiging reaksyon ko dahil sa sinabi niya.
"Uhm...saan?"
BINABASA MO ANG
The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)
RomanceWalang alam si Ailia tungkol sa kung sino ang papakasalan niya. Ang sinabi lang sa kanya ay kailangan niyang manatili sa mansyon, sa amo ng papa niya. Hindi niya pa ito nakita at ni pangalan nito ay hindi niya pa narinig. Kaya niya bang manatili sa...