Kabanata 35

229 7 0
                                    

Habol

"TAHAN na, Lia..." bulong ni Owen habang yakap yakap pa rin ako. Malapit kami sa dalampasigan, ngunit wala ng masyadong naliligo. Sa kabilang parte sila ni Ric at si Owen ang mismong nagdala sa akin dito para raw mailabas ko lahat nang hinanakit ko.

"Nakakainis..." Inayos ko ang buhok ko at saka humihikbing inalis ang mga luha na dumadaloy sa pisngi. Paniguradong namumula na ang ilong at mga mata ko.

Hindi dapat ako magalit at malungkot. Wala ako sa posisyon para maramdaman iyon. Hindi kami ni Ric at imposibleng mangyari pa iyon.

"Bakit ka nagagalit sa nakita mo kanina? May...alam ka bang hindi ko alam?" malalim na boses ang narinig ko sa gilid ko.

Inalis ko ang pagkakayakap kay Owen at saka siya nagtatakang tiningnan. Seryoso ang itsura niya na para bang may alam na sa nangyayari.

"H-Huh?" Iniwas ko ang mga mata sa kanya.

"Hindi mo man sabihin...alam ko naman, Lia. You don't have to hide it..."

"Sana nga...g-ganoon lang iyon kadali..." singhap ko at saka umayos nang upo. Nakaramdam ako ng pagbuga ng hangin sa gilid ko.

"The woman he kissed, ibang babae iyon sa party na nakasama niya rin. You remember the other, right?"

Dahan dahan akong tumango.

"Hmm...si Livia, hindi ba?" Nilingon ko siya. Agad rin siyang tumango at hindi nagsalita.

"B-Babaero ba siya?" bigla kong tanong.

"Oo, noon. Natigil lang iyon ng ilang buwan. Hindi namin alam kung ano ang rason. Ngayon na bumalik na naman ang pagiging ganyan niya, ewan ko nalang... "

Napakurap ako.

Matapos ang mahabang katahimikan sa aming dalawa ni Owen, inaya niya na akong pumunta sa building para makakain na.

Napakahirap ngunit wala akong magawang paraan. Ni dahilan nga para mapaniwala ko ang sarili ko na wala nga akong gusto kay Ric, hindi ko maipaliwanag.

Matapos kumain, pumunta kaagad akong kuwarto naming mga babae at natulog. Kinaumagahan, late na ako nagising at gusto ko pa sanang matulog pa ulit. Ngunit, ginising na ako nila Damaris at ginuyod papuntang dagat.

Maliligo raw kasi kami at magbo-boddle food fight. Iyong magluluto ay mga lalaki. Kami raw ang maghahanda ng lahat.

Sumang ayon ako kahit pagod. Sumunod ako sa kanila sa dagat habang naka-oversize t-shirt lang at maliit na short.

Sa hindi pa malayo nang lumingon ako, kitang kita ko ang paparating na mga lalaki habang may dala dalang mga gamit sa pag ihaw. Kitang kita ko rin si Ric na naka-shades habang bored na sumusunod sa kanila.

Ibang iba na nga talaga siya.

Napabuga ako ng hangin bago mas nakalapit pa kina Damaris. Naligo kami at nag asaran hanggang sa napagpasyahan na naming bumalik sa baybayin.

"May dahon na ba kayo ng saging, ha?" si Damaris matapos matanggal ang kanyang manipis na damit. Naka-bra at maliit na shorts nalang siya ngayon na para bang walang pake sa mga nakatitig sa kanya.

Lumingon ako sa gilid namin at nakitang may mga lalaking kumakain at nag iinuman. Iyong isang lalaki ay kumaway sa akin at kumindat habang may hawak hawak na baso na ang laman ay paniguradong alak.

"Hi, beautiful!" sigaw niya. Lumunok ako bago iniwas sa kanya ang paningin.

Napunta ang mga mata ko sa likod ni Leo na si Ric. Ang lalaki ay nakatingin sa tinitingnan ko kanina. Nang maibalik niya ang paningin sa harapan, kaagad na nagkatitigan kami kahit na may shades siya sa mga mata niya.

The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon