Ayaw Kong Pilitin Ka
"YOU want me to?"
"H-Ha?" Napatingin ako sa paper bag na hawak ko nang mamataan kong naroon ang paningin niya. Kaagad akong umiling at saka sumabay sa kanya ng paglalakad.
"H-Huwag na..."
"Are you sure? Baka mabigat 'yan..." mahina niyang turan. Kumurap ako bago tipid na napangiti.
T-shirt lang ang laman nito. Hindi mabigat dahil isang bagay lang naman ang nasa loob.
Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papasok sa isang simbahan. Wala akong masyadong alam sa mga lugar dito sa Maynila kaya hindi ko masabi kung nasaan na kami.
"A-Ano ang gagawin natin dito?" kinakabahan kong tanong dahil gulat pa rin ako sa sinabi niya sa akin kanina.
Pansin kong binalingan ako ni Ric nang makapasok na kami sa simbahan. Nasa harapan pa rin ang paningin ko at pinagmamasdan kapaligiran. Nasa akin pa rin ang paningin niya, mukhang wala siyang balak iyon na ialis sa akin.
"May dumi ba sa...mukha ko?" tanong ko, hindi pa rin siya binabalingan.
"Wala. While I was here, standing and staring at you...ngayon ko lang na-realize na sobrang nakaka gago pala iyong ginawa ko..." Dahil sa sinabi niya, nawala ako sa malalim na iniisip at agad siyang nabalingan. Kaagad niyang nasarado ang isipan ko. Hindi ko na kayang maiwas ang mga mata ko sa kanya. Nanatiling nakaawang ang labi ko habang nakikipagtitigan sa bughaw niyang mga mata.
"Ha?" Nakakapagtaka dahil isang ngiti lang ang isinukli niya sa akin. Siya, agad niyang naiwas ang mga mata sa akin. Nawala ang kontrol niya kaya kaagad akong napakurap. Napahinga ako ng malalim.
Ano ba ang sinasabi niya?
"Hindi ka pa rin pala nagbabago, manhid ka pa rin..." Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap. Mabilis kong nasapak si Ric sa balikat at agad na kumuntra sa sinabi niya.
"H-Hindi, ah! Hindi ako manhid!" Tumawa siya. May itinuro siya banda sa akin at agad akong napatingin doon.
"Upo tayo roon. Magdasal tayo..."
"M-Marunong ka palang magdasal?" Tumawa ako para magmukhang nakakatawa iyong tanong.
"Yeah..." Pansin kong hindi pa rin siya gumagalaw. Nag uumpisa na akong maglakad papunta sa mga upuan, ngunit natigil iyon dahil sa lalim ng boses niya. Napakurap ako.
"Hmm?" Nagtaka ako. Umiling siya, ngunit malumanay pa rin ang ekspresyon.
"Mas maganda palang makita kang tumatawa, kaysa umiiyak habang nagsasalita. Kagaya kanina..."
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito na makipag usap sa akin si Ric. Para siyang...bumabalik sa dati. Iyong Ric na mahilig mang asar at tumawa ng malakas.
"T-Talaga?" Uminit ang pisngi ko. Nakarinig ako ng mahinang tawa at nakaramdam ako ng palad na gumapos sa pulsuhan ko.
Napatingin ako roon at agad din na naibalik ang atensyon kay Ric. Puno ng paghanga at pagsisisi ang mga mata niya.
Nasa gitna kami ng mga upuan. Bali, kitang kita namin ang altar ng simbahan kahit na malayo.
"Huwag nalang pala tayong umupo diyan. Doon tayo sa malapit..." Tinuro niya iyong mga upuan malapit sa altar. Tumango ako dahil mukhang mas magandang ideya iyon. Para na rin mapagmasdan ko sa malapitan ang mga paintings na nasa dingding.
Naglakad kami ng dahan dahan sa gitna. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkakontento at sobra sobrang saya. Kasama ko si Ric ngayon. Hindi siya galit at mukhang ayos na makipag usap sa akin.
BINABASA MO ANG
The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)
RomanceWalang alam si Ailia tungkol sa kung sino ang papakasalan niya. Ang sinabi lang sa kanya ay kailangan niyang manatili sa mansyon, sa amo ng papa niya. Hindi niya pa ito nakita at ni pangalan nito ay hindi niya pa narinig. Kaya niya bang manatili sa...