Kabanata 17

272 6 1
                                    

Pagdating

MABILIS akong umiling nang makabawi sa pagkabigla. Seryoso ba siya? Hindi...Nanunukso na naman siguro si Ric. Nagsisimula na naman siguro siyang mang inis dahil sa ginawa ko kanina.

"Ano ba, Ric! L-Lumabas ka na nga. Matutulog...ako..." nauutal kong sinabi nang unto unting mapaharap sa kanya. Nakita ko ang paglunok niya bago iniwas ang tingin sa akin. Umayos siya ng upo sa kama ko at saka pa tumayo ng tuwid. Muli ay tinitigan niya ako ngunit mukhang pilit lang iyon.

"Fine. Sige, matulog ka na. Pero...about sa nangyari kanina, huwag mo na ulit akong ipahiya sa mga magulang ko at sa kung sino pa man. Kung mag aakala sila na may relasyon tayo, let them, okay?" Hindi ko alam kung bakit ako tumango sa sinabi niya. Kahit na hindi ako sang ayon sa gusto niya, wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod para na rin makaalis siya ngayon sa kuwarto ko.

Matapos ang ilang segundo, awkward na tumikhim si Ric bago dahan dahan na lumabas ng kuwarto. Tinitigan niya muna ako sa huling pagkakataon bago siniraduhan ng pintuan. Agad akong nakahinga ng maluwag.

Napunta ang isang kamay ko sa may dibdib ko dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

Dali dali akong tumakbo papunta sa pintuan ng kuwarto ko at huminga ng malalim. Ni lock ko ang door knob ng pintuan para hindi na makapasok ulit si Ric. Nakakakaba.

Hindi ko alam kung bakit. Slow na kung slow pero hindi ko talaga maintindihan ang pinupunto ni Alaric. Narinig ko kanina ang mga sinabi niya pero hindi ko alam kung ano ang gusto niyang kasunod ng mga iyon.

Gusto niya akong ligawan dahil sa may gusto raw siya sa akin...

Hindi. Imposible ang sinasabi niya dahil ibang iba kami. Sa istado pa lang ng buhay, alam kong hindi seryoso sa sinasabi si Ric.

"Kapagod..." naibulong ko bago nahiga sa kama.

Dalawang araw ang nakalipas, kasama ko sila Jessica at Manang Milly sa kusina. Si Manang ay nagluluto habang si Jessica naman ay kausap ko habang naghuhugas ng mga pinggan sa lababo.

Wala si Marie dahil busy raw sa mga assigments nito, kwento ni Jessica.

"Kaya naman pala ang tahimik mo nang pumunta ako dito..." sinabi ko. Nakita ko ang pagnguso sa akin ni Jessica bago bumaling ulit sa mga hugasin niya.

"Parang sinasabi mong tahimik lang ako 'pag wala si Marie, ah..."

"Bakit, hindi ba?" sabat ni Manang Milly sa kwentuhan namin ni Jessica. Napatawa ako at napailing. Si Jessica naman ay mas lalong napanguso at hindi makatingin sa akin.

"Siya nga pala, Lia, ilang taon ka na nga ulit?" si Manang.

Umayos ako ng upo sa isang upuan malapit sa lababo bago sumagot.

"Seventeen po. Kaka-seventeen ko lang noong nakaraang buwan..."

"Nakaraang buwan? Ano na nga ngayon, Sica?" Tumigil sa paghihiwa ng kamatis si Manang at nilingon si Jessica na nakatalikod sa kanya.

"November 27, Manang..."

"Nobyembre na pala. Malapit na magpasko. Kaya pala iyong ibang paaralan wala ng mga pasok. Ang sa inyo ba, Lia? May pasok pa ba kayo?" Napakurap ako at naalalang estudyante nga pala ako. Dalawang linggo pa lang ako dito mansyon pero andami ko ng nakalimutan sa buhay ko sa amin.

"N-Noong umalis po ako...may pasok pa po noon. Pero nagpaalam naman po ako na baka mawawala ako ng ilang araw..." Noong time na iyon, akala ko ay sandali lang akong mawawala. Hanggang sa sinabi ni mama na pagkatapos ng ilang buwan, ipaghihiwalay nila kami ng papakasalan ko sana.

"Anong grade ka na pala, Lia?" si Jessica. Natikom ko ang bibig ko bago lumunok at sumagot sa tanong.

"Grade 12, senior na," Tumigil sa ginagawa si Jessica at humarap sa akin. Napansin kong tapos na siya sa paghuhugas.

The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon