Pagkikita
NAPALUNOK ako.
Nilingon ko si Damaris at nakitang may kausap na siyang lalaki. May ilang tao sa kinaroroonan namin dahilan para makaramdam ako ng medyo pagkirot ng ulo.
"Oh, come on, Leo. May kasama ako, okay? Here's Lili. Kaibigan ko siya at type siya ni Ala." Pakilala sa akin ng babae sa isang gwapong lalaki. May manipis na labi. Kulay brown ang mga mata at may dimples. Hindi siya gaanong maputi. Sakto lang. Pero halata siyang mayaman at malinis. Naka t-shirt siya ng manipis at kulay puti iyon.
Agad akong nahiya at napayuko.
"She's pretty. Baka gawing babae 'yan mamaya ni Paul, ah. Ilang taon na ba siya?"
"Seventeen."
Napatingin agad iyong Leo kay Damaris. Hindi makapaniwala iyong reaksyon niya.
"Gago ka. Bata pa pala 'yan. What the fudge...Sorry, miss..." Nagiging ayaw ko na agad dito. Dahil sa kaba at takot na nararamdaman, parang gusto ko nalang na lamunin ako nang buo ng lupa.
Hinawakan ako sa pulsuhan ni Damaris at agad na umalis kami roon. Pansin ko ang ilang mga naka bikini na babae sa labas pa lang ng mansyon.
Oo, mansyon. Dahil napakalaking bahay ang papasukan pa lang namin ni Damaris.
"Sorry sa sinabi niya. Akala niya kasi ikaw si Victoria na irereto ko kay Paul." Tipid lang akong ngumiti.
"A-Ayos lang."
"Sa room muna tayo? Magm-make up pa ako, e..."
"Sige..."
Sabay kaming naglakad sa hagdanan nang tuluyan ng makapasok. May mga lalaking napapatingin sa amin at agad na kinakawayan si Damaris.
Alam kong hindi ako kasali roon. Ni isa wala akong kakilala dito. Kaya hindi na ako magugulat pa kung walang papansin sa akin.
Pumunta kami sa isang kuwarto at pumasok roon. Nahihiya pa akong umupo sa kama nang mapatingin sa akin si Damaris.
"Nagugutom ka na ba? Pwede kang umuna nalang roon sa kusina. Susunod nalang ako. Sige na, baka nandoon na si Owen..."
"H-Ha? Pero nakakahiya. Wala akong kakilala—"
"Walang aaway sayo dito, ano ka ba. Come on. Samahan kita sa labas para makapasok ka sa kusina." Pinatayo na niya naman ako at hinila papalabas ng kuwarto.
Kakadating lang namin tapos ngayon aalis agad. Humakbang kami pababa sa hagdan at nakarinig agad ako ng sigawa.
"Aris, you're here!" sigaw ng ilang tao. Hindi lumingon man lang ang katabi ko. May tinuro siya sa aking pintuan dahilan para mapatango ako.
"Sige na. Nakita ko kanina sa kusina mo wala kang pagkain. Baka gutom ka..." Tumango ako. Iniwan ko na siya roon kahit na nahihiya sa mga taong nagmamasid. Huminga ako ng malalim para mapakalma ang sarili.
Binuksan ko ang double doors kung nasaan raw ang kusina. Walang tao at sa gilid noon ay may mahabang lamesa. May mga upuan rin sa gilid.
Pinagmasdan ko ang mga equipments na nagkalat sa kusina. Parang may gumamit na noon at nakalimutan lang hugasan at ibalik sa dating lugar.
"Hey, sino ka?" Agad na napalingon ako sa likuran ko. Dahan dahan na nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita. Kahit ang tumawag sa akin ay ganoon rin ang nagawa.
"So...you're also here..." mahina niyang sinabi pero sapat na para marinig ko.
Kulay blue na buhok at matangos na ilong. Siya nga iyan. Iyong lalaking nakausap ko sa airport at eroplano.
BINABASA MO ANG
The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)
RomansaWalang alam si Ailia tungkol sa kung sino ang papakasalan niya. Ang sinabi lang sa kanya ay kailangan niyang manatili sa mansyon, sa amo ng papa niya. Hindi niya pa ito nakita at ni pangalan nito ay hindi niya pa narinig. Kaya niya bang manatili sa...