Drunk
HINDI AKO nakatulog nang gabing iyon. Dahil sa mga salita ni Ric, hindi ko na nagawa pang ipikit iyong mga mata ko. May mga gusto akong malaman pero natatakot akong itanong.
Siguro ay nasabi niya lang iyon, dahil ako ang magiging asawa ng papa niya. Ayaw niya sigurong umalis ako dahil....
"Anong dahilan?" mahina kong tanong sa sarili ko.
Kinaumagan, ang una kong ginawa ay nag ayos ng mga gamit ko. Alas sais pa lang ng umaga, may mga kasambahay na agad na kumatok sa pintuan ko dahilan para magising ako. Nalaman ko lang na dala na pala nila iyong mga bagahe ko.
Sinimulan kong ilagay iyong ibang damit ko sa cabinet. Kaunti lang ang mga damit roon na pang lalaki at masyadong maluwag pa sa loob.
"Kakain na po." Mabilis na tumango ako sa isang maid na kumatok sa pintuan ko. Kaagad na nakaramdam ako ng kaba. Kakain, malamang, sabay kami. Napabuga ako ng hangin.
Naligo ako sa banyo at nagbihis sa labas na. Dali dali kong sinuot iyong t-shirt ko at saka huminga ng malalim. Nagsuklay ako bago lumabas ng kuwarto.
Iyong mga sinabi kagabi ng lalaking 'yon, tumatak sa isipan ko hanggang sa nakatulog ako ng madaling araw. Hindi iyon nawala kahit saglit.
Umupo ako sa upuan na kahapon ay siyang inupuan ko rin. May mga maids pa ring nakatayo sa likod at harapan ko.
Tiningnan ko ang upuan na bakante ngayon. Maraming upuan na bakante, pero itong malapit sa akin ang siyang nagpakunot ng noo ko. Wala siya?
"Ma'am, pinapasabi po pala ni amo, pagktapos niyo raw po kumain, doon lang kayo sa kuwarto ninyo hanggang sa gumabi," biglang salaysay noong isang kasambahay na malapit sa pwesto ko. Dahan dahan akong ngumiti.
Walang...mali kaya kailan kong ngumiti.
"Paano...iyong pagkain ko?" tanong ko. Alam kong masyado akong mayabang kong magtanong. Bago pa lang ako rito pero kung makagalaw na ako, ako iyong amo nila.
Ngumiti ang maid. "Dadalhan ka po namin ng pagkain sa kuwarto ninyo. Huwag po kayong mag alala." Tipid akong napangiti. Ibinalik ko iyong paningin ko sa pagkain na nasa lamesa. Nag umpisa akong sumubo.
Uminom ako ng tubig matapos kumain habang nag isip-isip. Tumayo na ako. Napansin kong kaagad na nagsiyukuan iyong mga maids habang wala ni isang nagsalita. Napatikhim ako.
"S-Salamat po sa pagkain." Tipid akong yumuko at nagsimula ng maglakad pabalik sa kuwarto ko. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng hiya sa mga nakapaligid sa akin ngayon, pati na sa sarili ko. Kasi, bago lang ako rito sa mansyon. Kahapon lang. Tapos, ganito na agad ang turing nila sa akin? Para akong matagal ng nakatira rito. Ayoko ng ginaganito nila ako.
Hindi ako...sanay.
Napabuntong hininga ako nang makabalik na ng kuwarto ko. Humiga ako sa kama at nag isip-isip. Nang walang magawa, kaagad akong tumayo at saka kinuha sa bagahe iyong cellphone ko. Naisip ko kahapon, hindi na muna ako gagamit nito. Pero mukhang hindi ko matutupad iyon ngayon. Wala akong magawa kaya wala na akong choice kundi ang mag-cellphone.
Tinawagan ko si mama. Nag usap kami ng ilang oras habang ako ay papalit palit lang ng pwesto sa kama. Minsan ay nasa may dulo ako habang ang ulo ay sinasadya kong mahulog.
Umayos ako ng higa sa kama. Inayos ko rin iyong pagkakadikit ng cellphone sa tainga ko para marinig ng maayos ang nagsasalita na si mama.
"Maayos ka ba diyan?" Ilang ulit na niya itong itinanong sa akin. Napatawa ako ng mahina.
"Mama, nakakakain ako ng maayos. Nakakaligo rin at nakakatulog sa malambot na kama. Huwag na kayong mag alala." Tumayo ako ng dahan dahan habang kausap pa rin si mama sa cellphone. Maglalakad na sana ako papuntang cabinet para makapagpalit ng damit nang bigla nalang may kumatok sa pintuan.
BINABASA MO ANG
The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)
RomansaWalang alam si Ailia tungkol sa kung sino ang papakasalan niya. Ang sinabi lang sa kanya ay kailangan niyang manatili sa mansyon, sa amo ng papa niya. Hindi niya pa ito nakita at ni pangalan nito ay hindi niya pa narinig. Kaya niya bang manatili sa...