Kapalit
"MOVE!" Napapikit ako nang mariin. Malakas ang boses noong nagsalita dahilan para agad na pumagilid iyong mga kasambahay.
"You? What are you doing here? Hindi ba sabi ko ay ako ang pupunta sa kuwarto mo?" malamig ang boses niya habang pilit akong pinapakumpirma. Hindi ako nagsalita. Nanatiling nasa ibaba iyong mga mata ko habang nakasarado.
Gusto kong tumakbo papalayo sa lalaking nasa harapan ko na ngayon.
Pilit kong pinapababa iyong jersey na suot ko. Sana pala ay 'yong basa nalang ang isinuot ko. Bahala magmukha akong tanga tingnan, basta may maisuot lang. Basta hindi lang ito.
"Answer me, Lia. Huwag mo akong paghintayin." Mas lalong bumigat iyong nararamdaman ko. Natatakot na ako. Pero wala ako ni isang magawa para man lang makatakas.
"I-Iyong bag ko..." mahinang sinabi ko. Idinilat ko ang mga mata ko at saka pinakatitigan ang mga taong nasa gilid ko. Lahat sila ay nakayuko katulad ko.
"Hmm...what about it?" Napansin ko agad ang paghina ng boses niya. Hinarap ko siya nang nanginginig ang labi. Hindi ko na kayang hindi siya harapin.
Kahit na natatakot...may parte pa rin sa akin na gustong makita ang reaksyon ng lalaking 'to.
Nakita ko siyang seryoso na nakatitig sa akin. Ramdam ko na ngayon ang pagiging kalmado niya.
"H-Hindi ko kasi makita. W-Wala akong...damit kaya ito iyong suot ko. P-Pero...'pag nakita ko na iyong bag ko, pangako, lalabhan at isasauli ko agad itong damit..." Humina iyong boses ko. Naiwas ko agad ang mga mata ko sa walang kurap niyang mga titig. Napansin ko ang ilang ulit niyang pagtango matapos kong magsalita.
"Ayos lang. Ang importante may damit ka. And, about sa huli mong sinabi. It's a no for me. Hindi ka maglalaba at hindi mo 'yan isasauli. It's all yours."
"P-Pero, sa inyo ito..." Nahihiya kong ibibalik iyong mga mata ko sa kanya. Nagkibit balikat siya.
"You can have it. Isuot mo iyan kung kailan mo gusto. I don't mind." Hindi makapaniwala ko siyang tinitigan.
Seryoso ba siya? Parang...kanina lang ay ang layo layo niya sa lalaking nagpakilala sa akin. Napalunok ako bago naiwas na naman sa kanya iyong paningin.
"What? May sasabihin ka pa ba?" Umiling iling agad ako.
"Well, then, come on. Kakain na tayo." Tinalikuran niya ako. May inutos siya sa mga kasambahay na ilang ulit na tumango sa mga sinabi niya. Nang matapos siya sa pagsasalita, isang beses niya muna akong nilingon. Tiningnan niya iyong kabuhuan ko at saka siya pekeng napaubo. Iniwas niya iyong paningin niya sa akin.
Nahihiya akong napatingin sa suot ko. Alam kong may mali.
"Come on, Lia." Ngayon ko lang naisip iyong pagtawag niya sa pangalan ko.
Nagtataka man, hindi ko na iyon pinatagal pa sa isipan ko. Siguro ay pinakilala na ako sa kanya ni papa. O baka iyong papa niya iyong nagsabi sa pangalan ko.
Alangan naman papakasalan ako noong matandang iyon nang hindi noon alam iyong pangalan ko, hindi ba?
Sumunod ako kay Ric sa paglalakad. Nang makasabay sa paghakbang niya, kaagad kong naramdaman ang pagsunod ng mga kasambahay sa gilid at likuran ko.
Hindi ako nagsalita.
Pinagmasdan ko ang kapaligiran ng living room. May malaking tv at ilang sofa na mahahaba roon. Sa malayo layo, may hagdanan akong napansin na noon ay mukhang wala naman. Siguro ay hindi ko nga napagmasdan ng mabuti ang loob ng mansyon.
Habang nakasunod kay Ric sa paglalakad, pansin ko ang ilang sulyap niya sa akin habang pekeng umuubo.
Gusto kong magtanong, ngunit naisip ko rin na masyado ng awkward ang nangyayari. Huminga ako ng malalim.
BINABASA MO ANG
The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)
RomanceWalang alam si Ailia tungkol sa kung sino ang papakasalan niya. Ang sinabi lang sa kanya ay kailangan niyang manatili sa mansyon, sa amo ng papa niya. Hindi niya pa ito nakita at ni pangalan nito ay hindi niya pa narinig. Kaya niya bang manatili sa...