Kabanata 28

210 5 0
                                    

Kakilala Lang

NAKATINGIN ako kay Owen habang seryoso ang mukha. Para akong nakikinig sa lalaking masayang nagk-kwento. Ramdam ko ang mga mata niya na nasa akin pa rin. Nakaupo na siya sa upuan kasama ang mga kaibigan ni Damaris pero wala man lang siyang sinagot sa mga tanong ng nakapalibot sa kanya.

Nag uumpisa na akong kabahan. Hindi na ako komportable. Kung sana ay ayos lang na umalis na. Kaso, kararating lang namin. At kararating niya lang din. Baka isipin niya...kaya ako aalis dahil sa kanya.

"Ala, kumusta na pala? Ngayon ka lang ulit namin nakita, ah?" tanong noong isang lalaki malapit sa kanya. Binalingan niya lang ito saglit at saka tipid na sinagot. Agad niya rin ibinalik ang paningin sa akin. Kita ko iyon sa gilid ng mga mata ko.

Napalunok ako at palihim na umiling para pigilan ang sarili na tuluyan ng humarap.

"C-Cr lang ako..." paalam ko kay Owen. Agad siyang nagtaka pero tumango rin. Tumayo ako at inilibot ang paningin. Napunta sa kanya iyong mga mata ko pero agad rin na binaling sa katabi niya para hindi magmukhang halata. Kita ko ang seryoso sa mukha niya at parang may kung ano sa mga mata.

"Saan ka?" si Damaris nang mapansin ako. Nautal ako pero tipid rin na ngumiti.

"Cr lang..." sagot ko. Napatango siya pero aagd rin akong pinigilan nang tatalikod na sana.

"Alam mo ba kung saan ang cr?"

Naestatwa ako saglit. Tahimik ang lahat at ang hindi gaano kalakas na tugtog lang ang maririnig. Napalunok ako bago nasulyapan si Alaric. Para siyang walang paki sa nagaganap. Para siyang hindi si Ric na nakilala ko dati.

Huminga ako ng malalim.

"H-Hindi pala..." Napakamot ako sa noo. Nakarinig ako ng mahinang tawa at pag ingay ng upuan. Nakita ko ang pagtayo noong isang magandang babae.

"Samahan kita. Alam ko ang daan," sinabi niya. Napaawang pa ang labi ko bago sumang ayon sa suhestyon niya. Napakaganda ng ngiti at sigurado akong hindi iyon peke.

Sumama ako sa kanya nang hindi na nililingon ang lalaking hindi ko akalin ay makikita ko ngayong gabi.

Nagpakilala ang tumulong sa akin na babae. Sinabi niya na ang pangalan niya ay Anthara. Ngayon ko lang napansin na siya pala iyong sinasabi ni Damaris na kaibigan niya. Nagpakilala rin ako. Nag usap kami saglit at saka pumasok sa isang pintuan na sa tingin ko ay isang CR.

May isa pa sa loob na pintuan. Tumigil kami sa paglalakad at hinarap niya ako.

"Pasok ka na. Ako sunod..." Tumango ako. Nauna akong pumasok sa loob. Matapos ang ginawa, ang sumunod sa akin at ako naman ang nasa labas na naghintay.

Habang tahimik na pinagmamasdan ang kapaligiran, biglang bumalik sa isipan ko iyong mukha niya kanina. Iyong reaksyon niya habang nasa akin ang mga mata...Bakit siya ganoon makatingin? Kulang nalang ay ikutan niya ako ng mga mata.

Bumuga ako ng hangin.

Kahit na ganoon, hindi ko alam sa sarili ko. May nararamdaman akong kung ano. Para bang...nahihiya ako o kinakabahan sa kanya. Hindi ba hindi dapat? Kasi una sa lahat...siya ang ginawang mali sa akin. Akala ko ay ako ang liligawan niya. Akala ko ako iyong gusto niya. Bakit parang...siya pa ngayon ang galit?

"Tapos na ako. Balik na tayo?" Isang matamis na ngiti ang pinakita sa akin ni Thara bago ako tumango at nag umpisang maglakad. Sumunod siya sa akin at nagkapantay ang paghakbang namin.

"Tell me. Hindi naman sa chismosa ako, pero... Si Ala? Kilala mo siya, hindi ba?"

Natahimik ako pero agad rin na tumango. Nabigla ako roon sa tanong niya ngunit ano naman kung tumango ako, hindi ba?

The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon