Kabanata 15

264 7 0
                                    

Magulang

Kinabukasan, ang akala kong katabi ko na si Ric ay wala sa gilid ko. Nakatulog ako dahil sa kakaisip at nang gabing iyon, lumabas si Ric sa kubo. Hindi ko na siya sinundan pa dahil hindi mawala sa isipan ko iyong mga sinabi ni papa.

"Magandang umaga. Kumusta ang gising mo, Hija?" Napakurap ako dahil sa bati ni Manang Juli. Sa labas ng kubo, may malapad na lamesa roon at sa harapan, puno iyon ng mga pagkain. Maliwanag na ang araw dahilan para mas lalo pang magising ang sarili ko sa pagkakaantok.

"P-Pwede pong maligo sa inyo?" tanong ko, nahihiya ang tono ng boses habang palihim na inaayos ang buhok.

"Oo naman. May damit ka bang dala?" Nakangiti siya kasama si Intoy at ibang mga nag aayos ng mga pinggan sa lamesa. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko at umiling.

"Ibabalik ko nalang po itong damit ko. Aalis rin naman po kami ni Ric. Magbibihis nalang po ako roon sa bahay niya..." sinabi ko. Tumango si Manang at natatawa akong sinamahan patungo sa bahay niya. Napansin ko ang pagsunod ni Intoy ngunit hindi ko na siya nilingon pa. May mga nadadaanan kaming puno at ibang maliliit rin na kubo na mukhang pinagpapahingahan rin ng mga magsasaka. May ilang tao kaming nakasalamuha na agad rin na bumati kay Manang.

Pumasok kami sa bahay niya nang huminto siya sa paglalakad. Sumunod ako sa kanya. Nang makapasok kami sa loob ng isang simpleng bahay kubo, agad akong nagtaka dahil sa ingay na nasa loob. Halakhak at hagikhik ang maririnig mo sa pwesto na malapit lapit lang sa kinatatayuan namin ni Manang. Napansin ko ang paglingon sa akin ng katabi ko at ang pagtawa niya.

"Sila Ric at Bea lang iyon, nag aasaran na naman siguro..." Napakurap ako bago humarap kay Manang. Dahan dahan akong napatango at pilit na ngumiti.

Mukhang nag eenjoy sila...

Pumasok kami sa isang pintuan at doon na ako iniwan ni Manang. Napabuga ako ng hangin bago pinagmasdan ang kabuhuan ng banyo. Maayos at gawa sa nipa ang dingding. Semento ang ilalim at gawa sa trapal ang sa itaas.

Safe naman yata ako rito.

Sinimulan ko na ang paghuhubad. Naka-bra at panty nalang ako. Wala akong plano na kuhain ang mga iyon dahil hindi ako komportable. Lalo na at nasa ibang lugar ako. Bahala na kung mabasa man ito. Sasabihin ko nalang mamaya kay Ric na kailangan ko ng bagong ganoon. Naisip ko kasi iyong deal namin. Magagawa ko at makukuha ang gusto ko basta tumupad lang ako sa usapan. Basta raw hindi ako umalis, makukuha ko lahat ng mga iyon.

But of course, hindi naman ako tanga para manghingi ng manghingi sa kanya. Kung baga, favor lang ito dahil sa magkaibigan naman kami. Teka, magkaibigan?

Natigil ako sa pagpupunas ng basa sa buhok ko gamit ang tuwalya. Ngayon na natapos na ako sa paglilinis ng katawan ko, ngayon pa ako nakarinig ng ilang dabog at halakhak sa labas ng banyo.

"Ano ba kayo! Huwag nga kayong maglandian!" humalakhak ang nasa labas at alam ko na agad na si Intoy iyon. Rinig na rinig ko rin ang boses ni Ric at pinagsasabihan si Intoy habang natatawa. Naroon ang hagikhik ni Bea na para bang masayang masaya sa nangyayari.

Napakurap ako bago napabuga ng hangin. Kailangan ko ng matapos para makaalis rito. Nag eenjoy sila, baka makaistorbo ako. Lalo na't alam ko na mainit ang dugo sa akin ni Bea.

Natapos ako sa pagtutuyo ng buhok ko at naka-short na ako na hindi lampas tuhod. Habang inaayos ko pa ang kusot sa damit ko para maisuot ko iyon sa pang itaas ko, agad rin akong natigilan dahil sa malakas na dabog ng pintuan sa banyo. Dali daling akong napaharap at natabunan ng tuwalya ang sarili ko dahil sa halakhakan na unti unti ng lumalapit sa akin.

What the...

Sumisinghap na nagtama ang paningin namin ni Alaric. Ang kaninang masayang mga mata ay agad rin na dumilim. Tumigil sila sa pagtawa at ang hagikhik nalang ni Bea ang malinaw sa pandinig ko. Naiwas ko ang atensyon ko sa kanya at napunta iyon kay Intoy na hawak hawak ang door knob ng pintuan. Napalunok ako.

The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon