Kabanata 9

371 7 0
                                    

Hindi Pwede

NAKAUPO ako ng tuwid sa loob ng sasakyan ni Ric habang siya ay nasa labas pa ng kotse. Ako lang ang taong nasa loob. Sinulyapan ko siya sa labas ng bintana at nakitang naroon pa rin siya nakatayo habang may kausap na kasambahay.

Ang babaeng maid ay tumatango kay Ric habang nakikinig ng mabuti. Ang lalaki naman ay todo salita at turo ng mga pwesto sa hardin.

Maya-maya, tumigil sa pagsasalita si Ric at saka nilingon ang pwesto ko. Kaagad na kumuyom ang kamao ko at napaigtad. Nanlalaki ang mga mata na iniwas ko iyong paningin ko sa kanya.

Pansin ko sa gilid ng mga mata ko ang paglapit na niya sa sasakyan. Nang makalapit, pumasok agad siya sa front seat para magmaneho. Nasa likuran niya ako.

"Dito ka umupo..." Nilingon niya ako at nakitang seryoso iyong ekspresyon niya. Tumango ako sa gusto niya para wala ng mahabang usapan na mangyari.

Lumabas ako sa kotse at pumunta sa katabi niyang upuan. Tumikhim ako bago umayos ng upo.

"Sa kabilang bayan tayo. Ayos lang ba 'yon sayo?" tanong niya nang mapansin siguro ang pagkakatahimik ko. Taranta akong tumango at saka na naman napatikhim.

"Okay.. " Nagsimulang magmaneho si Ric. Tumigil lang iyon saglit nang buksan ng mga trabahador niya iyong malaking gate ng mansyon niya. Bumalik ulit siya sa pagliko at pagpapabuhay sa makina.

Napansin ko ang pagsulyap niya sa akin habang tumitikhim. Awkward agad akong lumingon sa kanya at saka napayuko.

Parang nakakahiyang magsalita matapos iyong nangyari kanina. Wala akong magawa para nakabuo man lang nang usapan. Nahihiya ako...

"Hindi ka ba komportable?" tanong niya nang makaliko sa isang labasan. Umiling ako.

"Komportable naman ako..." sinabi ko nang paos ang tono ng boses.

"Are you sure?" Tumango ako sa ikalawa niyang gustong malaman. Naging tahimik ulit kami at ni isa walang nagbalak na magsalita.

Nagpatuloy siya sa pagmamaneho hanggang sa ilang minuto ang lumipas. Tumigil ang sasakyan dahilan para matigil ako sa pagtitipa ng mga kung ano sa cellphone ko. Nilingon ko si Ric at nakitang naghahanap siya ng lugar na pagp-pwestuhan niya ng sasakyan.

Pinagmasdan ko ang hinintuan naming lugar at nakitang maraming tao ang napapatingin sa sinasakyan namin. Halos matatanda ang naglalakad habang may dalang mga kung ano. Kung pagmamasdan ng mabuti ang paligid, nakakalayo na kami sa pinangalingan namin. Hindi ito pamilyar sa akin na lugar.

"Nasaan...tayo?" tanong ko, nakatingin sa kainan na nasa gilid lang namin. May 'di ka-edaran ko roon na nagbabantay at nagsasandok ng pagkain sa mga nakaharap na tao.

"Nasa Pinamungahan tayo. Sa Toledo ang hinto natin dapat but, I don't want you to get hungry or something so, kakain na muna tayo."

"P-Pero...mga kalahating oras pa lang naman tayo na nagb-byahe. Hindi pa naman ako gutom..." Inilapat ko ang paningin sa kanya. Nakita ko siyang nagdadalawang isip na napatingin sa labas.

"Still...Lia, are you sure you're not hungry or even thirsty? Ayaw...mo ba talagang bumaba na muna?" Liningon niya ako at saka pinagmasdan. Napakurap ako at walang masabi.

Hindi pa naman ako gutom. Pero naisip ko rin, kung hindi ko pagbibigyan si Ric, baka mas lalong maging awkward ang nagaganap sa aming dalawa. Ayaw ko namang hindi kami mag usap. I mean...ayaw kong tahimik nalang kami palagi.

Baka...isipin niya, nahihiya ako o hindi komportable sa kanya...Baka bumalik na naman iyong ekspresyon ng mukha niya kagaya ng kanina.

"Come on, kahit isang subo lang..." Bumaba si Ric at napansin ko ang lakad niya papalapit sa pintuan kung saan dapat ako lalabas. Napasinghap ako dahil sa naisip. Naghintay ako sa pagbukas niya at nang mabuksan na nga iyon ng tuluyan, natataranta akong lumingon sa kanya at dali daling lumabas.

The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon