Bata Pa
DAHIL sa pang aaway ko sa kanya, umiiwas akong makita siya sa parking lot ng unibersidad na pinag aaralan ko para sunduin ako. Ilang beses ko siyang napansin na naghintay, ngunit hindi ko talaga siya pinansin.
"Ano ba talaga ang kinakatakot mo? Mawala sayo ang kapatid ko?" mataray na tanong ni Damaris habang kumakain ng popcorn. Nandito siya ngayon sa kuwarto ko. Magli-limang araw na ngayon matapos noong nangyari sa amin ni Ric sa kotse niya.
Napalunok ako bago napayuko.
"Nagsisisi ako. Hindi ko dapat siya pinagsalitaan ng ganoon..."
"Sagutin mo muna, Lia..."
Napaangat ang ulo ko at saka napatingin sa kanya. Napabuga ako ng hangin at umayos ng upo.
Sa mga nangyari noong nakaraan, hindi imposibleng may gawin na namang kabakiwan si Bea para makuha si Ric. Hindi na ako makakapayag doon.
"Ayaw mo bang maagaw ng iba si Ala?" ulit ni Damaris. Napaawang ang labi ko at napag desisyunan na sumagot.
Tumango ako. "Alam mo naman na siguro iyong nangyari noon, 'di ba?" sinabi ko.
"Oo, pero hindi ka man lang ba napaisip na kaya ayaw ka pa niyang pakasalan ni Ric dahil gusto ka pa niyang mag enjoy? Ayaw ka pa niyang ipatali sa kanya dahil masyado ka pang bata. Gusto niyang masaya—"
"Alam ko 'yan, Aris. P-Pero kasi...sa kanya ako masaya. Sa kanya ako mas sasaya. Kung kailangan pa namin ng oras, paano kung mangyari ulit ang nangyari noon? Sisisihin ko na naman ang sarili ko?" Nanginig ang boses ko kaya agad akong tumigil. Nag alala ang mga mata ni Damaris at agad akong linapitan.
"Hindi sa ganon, pero...wala ka bang tiwala sa kapatid ko? He'll do everything for you. Nakalimutan mo na bang muntik na niyang iwanan ang lahat makasama ka lang?"
Tama. Tama si Aris. Noong panahon na wala ni isang naniwala sa akin, siya lang ang patuloy akong ipinaglalaban. Muntik na niyang kalabanin ang papa niya para sa akin. Ako ang may kasalanan. Ako ang may dahilan kung bakit nangyari iyon ngunit ni isang beses hindi niya ako iniwan. Dahil hinayaan ko ang sarili kong mapalapit sa kanya, naging magulo ang buhay niya. Ngunit kahit isang reklamo...hindi niya nagawa.
Tapos ako ngayon...kung magalit, parang may malaking naiambag.
Napailing ako at agad na naluha. Dinaluhan ako ni Damaris.
"Natatakot lang naman akong mawala ulit siya sa akin..." bulong ko habang unti unting nagsibagsakan ang mga butil ng luha.
"Shh, just trust him, okay? You'll be his bride soon. Alam kong hindi niya rin hahayaang mawala ka ulit. Magtiwala ka lang, Lia..." Napatango ako at pinilit angs ariling tumahan.
NAISIP KONG makipagkita kay Ric matapos ang pag uusap namin na 'yon ni Damaris. Ngunit, ilang araw na kaming walang komunikasyon. Hindi ko alam kong ano na ang ginagawa niya ngayon.
Triny ko tawagan ang phone number niya, ngunit walang sumasagot. Nagri-ring lang.
Maga-apat na beses ko ng ginagawa iyon, ngunit wala pa rin. Napabuga ako ng hangin at napailing.
Hindi ko na muna inisip iyon at pumasok nalang sa unibersidad. Nang maalala ang ilang araw na paghihintay niya sa akin para masundo ako, mas lalo akong nagsisi.
"Aalis ka na? Sabay nalang tayo..." si Julius, kaklase ko sa isang subject. Nasa labas na ako ng gate nang tawagin niya ako.
Ngumiti ako kay Julius at sabay na sana kaming maglalakad nang maisip kong balak ko nga pala sanang pumunta sa parking lot para alamin kung nandoon ba ulit si Ric.
BINABASA MO ANG
The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)
Любовные романыWalang alam si Ailia tungkol sa kung sino ang papakasalan niya. Ang sinabi lang sa kanya ay kailangan niyang manatili sa mansyon, sa amo ng papa niya. Hindi niya pa ito nakita at ni pangalan nito ay hindi niya pa narinig. Kaya niya bang manatili sa...