Kapakanan Ng Anak
ANG naaalala ko, natumba ako dahil sa gutom at mga punong nagsisiksikan. Hindi ako makalakad ng maayos dahil sa sakit ng tiyan ko ngunit pinagpatuloy ko iyon hanggang sa hindi na kinaya ng katawan ko at natumba. May ilang gasgas din sa bawat parte ng katawan ko dahil sa mga sanga ng puno.
"Uminom ka muna ng tubig. Paparating na rito ang apo ko..." Matandang babae na tumulong sa akin ang nasa harapan ko ngayon. Tipid akong napangiti at sinunod ang sinabi niya.
Nasaan na ba ako? Si Ric...
"N-Nasaan po ako?"
"Nasa bayan tayo ng Diligo. Malapit sa simbahan at paaralan. Nakita ka namin sa punuan ng malaking mangga habang sugatan kaya dinala ka namin rito sa bahay. Kumusta na ang pakiramdam mo?"
"U-Uhm...medyo maayos na naman po. Maraming...salamat..." Hindi ko akalaing dito ako dinala ng mga paa ko. Sa tagal ko ba namang naglalakad at tumatakbo, hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Hindi ko rin kasi alam kung nasaan si Ric o kung anong buong address ng mansyon nila.
"Ano pala ang nangyari sayo? Bakit mukhang...takot na takot ka?" Iniangat ko ang ulo ko at napalunok. Ibinaba ko ang baso at dahan dahan umayos ng upo.
"M-Mahaba pong kwento kung paano nangyari iyon. P-Pero...isa lang po ang alam ko. Nasa panganib ako at kailangan ko ng tulong..." sinabi ko. Kita ko ang pinagsamang pagtataka at pag aalala sa mga mata ng matanda. Huminga siya ng malalim at pinakatitigan ako bago unti unting ngumiti.
"Ano ang maitutulong namin?"
***
"Nandito na tayo. Diego alalayan mo 'ko..." Inalalayan si Lola Dela ng apo niya. Pati ako ay tumulong na rin para makababa kami ng tuluyan sa jeep. Nahihiya na nagpasalamat ako sa kanila ngunit sinabi lang ni Lola na pumasok na kami sa loob.
Tumango ako.
Nagsimula kaming maglakad papuntang police station. Nandito pa rin kami sa Diligo at malayo layo sa Maynila, ngunit kailangan kong ipaalam ang nangyari sa pulisya. Para mahanap na si Ric at mahuli si Bea. Gusto ko ng bumalik.
"Ano naman ang sasabihin mo sa loob, Lia?" si Diego, nag aalala ang ekspresyon. Bumuga ako ng hangin.
"Sasabihin ko lahat pero kailangan ko munang makita si Ric..."
"Ano atin?" Isang mamang pulis ang naglakad papalapit sa amin nang tuluyan na kaming makapasok sa istasyon. Lumunok ako dahilan para mapataas siya ng kilay.
"P-Pwede niyo po ba akong tulungan?"
"Saan?"
"Nakatakas siya, kuya. Kinidnap siya at nakita namin siyang sugatan malapit sa bahay namin..." si Diego dahilan para mapatingin kami sa kanya ni Lola. Pati ang pulis ay napatingin sa kanya.
"Kidnap? Ano pala ang pangalan mo?" Nagtataka ako dahil sa reaksyon ng pulis. Mukha siyang nabigla at nataranta.
"L-Lia po. Ailia De Nero..." Huminga ako ng malalim para mapakalma ang sarili.
"De Nero..." Kinuha niya ang cellphone niya at may tiningnan doon. Bigla siyang nagpaalam at pumasok sa isang pintuan malapit sa dalawang pulis na nag uusap. Naiwan kami ni Lola dahilan para mapaisip ako.
Ano na kaya ang ginagawa ngayon ni Ric? Hinahanap niya kaya ako?
"Ikaw nga. Ikaw 'yong sa tv na pinaghahanap. Hali ka at ire-report ko ang insidente sa nakakataas sa amin..." Bumalik ang pulis at iyong mga salita na yon ang binungad sa amin. Nanlaki ang mga mata ko at sumang ayon agad. Sumama sila Lola sa loob at ilang tanong ang sinubok sa akin para malaman kung ano ang totoong nangyari.
BINABASA MO ANG
The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)
RomanceWalang alam si Ailia tungkol sa kung sino ang papakasalan niya. Ang sinabi lang sa kanya ay kailangan niyang manatili sa mansyon, sa amo ng papa niya. Hindi niya pa ito nakita at ni pangalan nito ay hindi niya pa narinig. Kaya niya bang manatili sa...