Edad
HUMIGA ako sa kama. Nasa sofa pa rin si Alaric at nagliligpit ng pinagkainan namin. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
"Ayaw mo ba talaga?"
"Hmm?" Mabilis niya akong nilingon gamit ang nagtatakang ekspresyon.
"Pwede naman akong sa sahig nalang. Sa kama ka..." pangungumbinsi ko. Napakunot ang noo ni Ric bago tinapos ang nililigpit. Tumayo siya at naglakad papunta sa kinaroroonan ko. Umupo siya sa kama ngunit malayo layo iyon sa akin.
Palihim na nanlaki ang mga mata ko dahil sa paglapit niya. Baka...pumapayag na siya.
"Lia...lalaki ako..."
"Tapos?" mahina ang boses ko. Umusog siya papalapit sa akin bago napabuga ng hangin. Naguguluhan ang ekpresyon niya.
"Hindi tayo pwedeng magsama sa isang kuwarto..." aniya, pagod ang mga mata nang titigan ko. Wala kong nagawa. Naiwas ko ang mga mata ko sa kanya habang kagat ang pang ibabang labi.
"Paano ang ngayon? Hindi ba nasa isang kuwarto tayo?" Nakarinig ako ng mahinang tawa galing sa kanya dahil sa sinabi ko. Nilingon ko siya nang nagtataka.
"Bakit ka tumatawa?"
"Wala. Matulog ka na..." Tumayo siya ng ngingiti ang labi. Naglakad siya papuntang pintuan...
"Alaric..." banggit ko sa pangalan niya. May naisip akong gagawin ngunit hindi pa sigurado kung papayag si Ric.
"Hmm?" Tumagilid lang ang ulo niya habang nakatalikod.
"H-Hintayin mo nalang ako na makatulog..." Suminghap ako. Nakita ko ang mabilis na pagharap sa akin ni Ric habang naniningkit ang mga mata.
"Lia, sinabi ko na kan—"
"A-Alam ko, pero...sa malayo ka naman, 'di ba? Kahit sa sofa ka nalang...Mabilis akong nakakatulog kaya...makakalabas ka rin agad..."
Hindi ko alam kung bakit gustong gusto kong hindi muna palabasin si Alaric. Natatakot akong ako nalang ulit mag isa sa kuwarto.
Bago pa ito sa paningin ko. Hindi ko alam kung makakatulog ba ako kung wala akong makakasamang kakilala ko. Kakakilala ko lang rin kay Ric, alam ko iyon. Pero kasi...mabait siya sa akin. Nagso-sorry siya 'pag alam niyang hindi ako komportable o ayaw ko sa mga ginagawa niya.
Mapapagkatiwalan siya pero...hindi pa buo iyong akin para basta basta nalang sumunod sa mga gusto niya.
"O sige. Pumikit ka na. Dito nalang ako sa may pintuan..." Wala na akong nagawa pa. Kahit na masyado na siyang malayo, ayos na iyon para sa akin. Basta, huwag muna siyang umalis.
Mabilis akong nakatulog dahil sa kakaisip kung umalis na ba si Ric. Hindi ko na idinilat pa ang mga mata ko noon dahil alam kong pinagmamasdan niya akong nakahiga. Hanggang sa tuluyan na nga akong ginuyod ng antok.
NAGISING ako kinaumagahan. Napatingin kaagad ako sa paligid at nalamang wala ng tao. Wala na si Ric. Huminga ako ng malalim bago binuksan ang dalawang bintanang nakasara para magkaroon ng liwanag. Glass iyon kaya medyo nahirapan pa ako. Pero nagtagumpay naman.
Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras. 7:40 pm na.
Si Ric...gising na kaya?
Nagdadalawang isip na napaupo ako sa kama bago napabuga ng hangin. May kumatok sa pintuan ko dahilan para mapatayo ako at dali daling maglakad papunta sa pintuan.
"R-Ric..." Siya ang bumungad nang mabuksan ko na ang pintuan. Nakatayo siya habang inaayos iyong damit niya. Hinarap niya ako at agad na nginitian dahilan para mapangiti ako ng tipid.
BINABASA MO ANG
The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)
RomantizmWalang alam si Ailia tungkol sa kung sino ang papakasalan niya. Ang sinabi lang sa kanya ay kailangan niyang manatili sa mansyon, sa amo ng papa niya. Hindi niya pa ito nakita at ni pangalan nito ay hindi niya pa narinig. Kaya niya bang manatili sa...