Monster
"D*MN it..." rinig kong bulong ni Ric habang nagmamaneho. Sinulyapan ko siya at saka ako napalunok.
Mukha siyang galit at may malalim na iniisip. Patuloy pa rin siya sa pagmamaneho at ang mga mata niya ay nasa daan lang.
"A-Ayos ka lang?" tanong ko, nag aalala dahil baka may kung ano siyang sakit na nararamdaman. Mukha kasing kanina niya pa hinahawakan ang balikat niya.
"Yeah. Don't mind me..." mahina niyang sagot. Malalim ang boses at medyo paos. Hindi niya ako nilingon o sinulyapan man lang. Hindi rin siya tumango.
"Masakit ba...ang likod mo?" tanong ko ulit at mahigpit na napahawak sa bag na nasa harapan.
"No. Huwag mo muna akong kausapin..." Hindi ako nakapagsalita.
Dahil sa mabilis niyang pagsagot sa akin, nawalan ako ng mga salita para makapag usap pa kami ng mas matagal.
Napayuko nalang ako at tumahimik.
Ilang minuto ang lumipas ay nakarinig ako ng mahinang daing sa gilid ko. Para bang nasasaktan...
"A-Ayos ka lang?" Tumigil ang sasakyan dahilan para agad na napalingon sa akin si Ric. Pinagmasdan niya ang mukha ko saglit bago mabilis na tumango.
"Oo..."
"Sigurado ka?"
"Yes." Huminga siya ng malalim. Hindi na niya ako nilingon kaya agad na naging awkward ang pakiramdam ko.
Pinaandar niya muli ang sasakyan at agad na nagmaneho. Ilang minuto na naman ang nakalipas. Nagmamasid lang ang ako sa mga nadadaanan namin at hindi ko na nilingon pa si Ric.
Halatang may galit siya sa akin. Ayaw kong mas mainis pa siya kaya hindi nalang ako titingin at magtatanong.
Tumigil ang sasakyan sa isang malaking mall. May mga nakaparking na mga sasakyan sa gilid at napansin kong pinarking din ni Ric iyon sa gilid ng nga iyon. Napansin ko ang pagbuga niya ng hangin kaya nilingon ko siya.
Kitang kita ko ang pagsadahan niya ng hawak sa balikat niya at mahinang pagdaing niya. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Sa parte ba niyang hawak niya ay may masakit?
"Ayos...ka lang ba talaga, Ric? May masakit ba say—"
"Wala, Lia. Don't talk to me, please..." Dahil sa sinabi niya, nakaramdam ako ng hiya sa sarili.
Bakit ayaw niya akong makausap? Dahil ba sa tension na nangyari kanina sa kanila ni Owen? Muntik na silang mag away dahil sa akin, hindi ko siya masisisi.
"Galit ka ba sa akin?" Hindi ko na mapigilan pa ang hindi magtanong. Masyado na kasi siyang gumugulo sa isipan ko.
Kahit saan ako tumingin o kahit ano ang isipan ko, mukha at boses niya ang palaging bumabagabag sa akin. Siguro dahil meron nga akong nararamdaman sa kanya...
"Bakit naman ako magagalit sayo?" Sinulyapan niya ako at umayos siya ng upo.
Pinagmasdan ko saglit ang balikat niya na hinawakan niya kanina bago tipid na napayuko.
"Kasi...halata naman, Ric..." Peke akong ngumiti ng humarap ulit ako. Nakita ko ang matagal niyang pagtitig sa mukha ko na para bang tinitingnan kung may mali ba.
"Hindi ako galit. Nasabi ko na iyan sayo noon. Hindi ko kayang magalit sayo..." bulong niya. Kumurap ako at iniwas ang paningin sa kanya.
Ibang iba ang sinasabi niya sa pinaparamdam niya sa akin. Nasasaktan ako dahil ang hirap niyang intindihin. Napakagulo. Totoo nga ang sabi nila, ang pag ibig ay napakagulo. Kahit ang mga matatalino, hindi masagot ang tanong na 'bakit mo mahal ang taong hinahabol mo ngayon?'
![](https://img.wattpad.com/cover/310553589-288-k201239.jpg)
BINABASA MO ANG
The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)
RomanceWalang alam si Ailia tungkol sa kung sino ang papakasalan niya. Ang sinabi lang sa kanya ay kailangan niyang manatili sa mansyon, sa amo ng papa niya. Hindi niya pa ito nakita at ni pangalan nito ay hindi niya pa narinig. Kaya niya bang manatili sa...