Kabanata 42

174 2 1
                                    

Walang Sayo

"BEFORE we talk about...what you saw earlier, ayos ka ba, Lia?" Hindi ako nagsalita. Wala akong masabi. Hanggang ngayon blanko pa rin iyong utak ko dahil sa mga nangyari kanina.

Si...Bea.

"Baby? Please tell me what's wrong. Mukha kang pagod na sa lahat..." Napabaling ulit ako kay Alaric. Ang nag aalala niya kaninang mukha ay nadagdagan ng takot at pagsisisi. Para siyang hindi mapakali dahil sa pagbaling ko ngunit nanatili siyang nakatitig sa akin.

"A-Ayos lang ako, Ric—"

"Huwag kang magsinungaling. Gago ako pero hindi tanga, Lia. Tell me. Kanina noong umalis ako hindi ka masyadong tulala, ngayon buong byahe na para kang wala sa sarili. May problema ba? Tungkol ba roon sa mga si—"

"Huwag na natin iyong pag usapan..." nasabi ko at saka siya iniwasan ng paningin. Naisip ko, si Bea mahal si Ric pero si Ric mahal ako. Ang papa ni Ric ayaw sa akin pero si Ric gusto ako. Iyong iba naniwala sa kasinungalingan ni Bea, ngunit si Ric hindi. Sa lahat lahat ng mga nangyari sa akin, si Ric iyong hindi ako iniwan. Kaso, ako sinaktan ko siya. Pinaasa at pinaniwala ko pa iyong sarili ko na kasalanan niya lahat iyong mga nangyari sa akin.

Nakita ko lang sila ni Bea na magkahalikan, pinuno ko na agad iyong sarili ko ng galit. Tapos nawala pa si Manang Juli. Nakaka...lungkot na nakakapagsisi. Hindi ko man lang siya nakausap ulit at nabigyan ng mga bulaklak na gusto niya.

"Hindi ako bagay sayo..." naibulong ko.

"Hmm?" Naramdaman ko ang palad niya sa pulsuhan ko. Naglalakad kami ngayon papunta sa kotse niyang naka parking malapit sa malaki at malapad na gate. Liningon ko siya ulit. Kita ko ang nagdaang sakit sa mga mata niya nang makita akong kaunti nalang ay maiiyak na.

Nanghihinayang ako sa pinagsamahan namin noon ni Ric. Nagsisisi ako kung bakit ako umalis dahil kay Bea. May sakit nga ang kapatid ko noon pero puwede pa naman agad akong bumalik roon. Puwede kong maipagtanggol ang sarili ko. May mga naniniwala sa akin pero ako mismo ang naglunod sa sarili ko ng galit at puot dahil sa mga sinabi sa akin ng papa ni Ric.

Nagpadala ako. Hindi ko naikontrol ang sarili ko. Tapos ngayon...nagawa pa rin akong...

"It's okay, Lia..." Lumunok ang lalaki. Ilang kislap at pagsisisi ang dumaan sa mga mata niya dahilan para mapailing ako.

Bakit kasi ako pa? Bakit sa ilang beses siyang nasaktan lumalapit? Hindi ba dapat saktan din ako ni Ric katulad noong mga ginawa ko?

Hindi...Mali ako. Sa pinapakita sa aking kabutihan ng lalaking 'to, hindi niya kayang manakit ng kapwa. Kung minsan ay hindi niya man napipigilang sumabog dahil sa galit, hindi siya masamang tao.

"K-Karapat dapat ba ako?" utal na tanong ko habang may mabigat na nararamdaman. Nakatingin ako sa kanya ng diretso habang siya unti unting naguguluhan ang ekspresyon.

Pinaharap niya ako sa kanya nang malapit na kami sa kotse niya. Huminto ako sa paglalakad, tulala sa mga mata niyang parang hindi naniniwala sa narinig.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Malalim na boses galing sa kanya ang napansin ko.

Huminga ako ng malalim. "Karapat dapat ba...ako sayo? Sa lahat ng mga n-nagawa ko, tama pa rin bang sa akin ka?" Napansin ko ang isang butil ng luha na dahan dahang dumaloy sa pisngi ko. Agad kong inalis iyon bago pa masundan ng hikbi at ilang patak ng luha.

Pasensya na...

"P-Pumasok na muna tayo sa kotse, you should rest first—"

Patapos na ang sasabihin niya pero nauna na akong naglakad. Pumasok ako sa kotse at agad na napahikbi roon ng ilang beses. Iyong balikat ko ay patuloy na nagpataas baba. Napakabigat sa dibdib. Sobra..

The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon