Kabanata 46

184 3 0
                                    

Matapos

"DAMARIS..."

"Wala akong alam. Hindi ako lumabas kagabi, Ala. Maniwala ka. Kasama ko si Mommy sa mansion. Hindi ko alam 'yang mga pinagsasasabi ninyo..." Naguguluhan ako dahil sa tono niyang parang nagsasabi ng totoo. Seryoso ang ekspresyon ni Aris at mukhang wala talagang alam sa nangyayari.

Mas lalo akong nagtaka. Kung ganon, sino ang sinasabi ng Jared na iyon? Sino ang lumapit sa kanya?

"Pumunta si Lia kagabi sa isang restau. An unknown also sent me these pictures. Itong lalaki ang kasama ni Lia. Kilala mo ba 'to?" Tumayo si Ric sa kinauupuan niya at ibinigay sa kapatid niya ang cellphone niya. Kinuha iyon ni Aris matapos akong naguguluhan na tingnan.

Napailing siya. Matapos makita ang mga pictures, ibinalik niya iyon kay Ric at mas lalong umiling.

"Seryoso ako, Ala. Wala akong alam sa mga yan. Kahit na tanungin niyo pa sila Papa. Magkasama lang kaming tatlo kagabi. We ate dinner and—"

"Then who did this shit? How dare them? Bakit nila ito ginagawa? Ano ang plano nila? Bakit si Lia pa?" Tahimik kami ni Damaris. Nanatili akong walang imik dahil sa nag aalalang ekspresyon ni Aris habang nakatingin sa akin.

Nandito kami ngayon sa cafe niya. Magkatabi kami ni Ric sa isang table at nasa harap namin siya. Sumimsim ako sa kape kong hindi na gaano kainit.

Bakit ito nangyayari sa akin? Sa amin? Dahil kaya ito sa pagsang ayon ko sa nararamdaman ko? Dahil mas lalo akong lumapit kay Ric—

Napasinghap ako. Nawala sa isipan ko ang Papa ni Ric. Tama...Paano kung siya pala? Pero, walang ebidensya. Imposible rin. Hindi naman siguro ganoon ka sama ang Papa niya...

Si...

"Si Bea..."

"Bea..."

Natigilan ako dahil sa sabay naming nasabi ni Ric. Nagkatinginan kami at agad na napatingin kay Aris. Naguguluhan kaming pinagmasdan ng kapatid ni Ric.

"Bea?" tanong nito.

DALAWANG araw ang lumipas. Nasa apartment ako ngayon kasama si Ric. Nanonood kami ng palabas at kanina pa ako nakikiliti dahil sa kamay niya na naglulumikot sa may bewang ko. Alam kong kinikiliti niya ako at tagumpay siya pero pinipilit kong huwag niya iyong malaman.

"R-Ric, manood ka nalang..."

"Come on, Lia. Tumawa ka naman kasi. Ang seryoso ng mukha mo..."

"G-Ganito na talaga 'yong mukha ko—"

"Seryoso ka ngayon. Noon palagi kang nakasimangot..." Natatawa niyang sinabi at saka lumayo nang medyo lumapit ako sa kanya para abutin 'yong balikat niya para sapakin.

"Chill, baby girl..." Natatawa niyang sinabi. Hindi ko alam pero biglang uminit ang pisngi ko dahil sa itinawag niya sa akin. Kapag may 'baby' talaga sa tawag ni Ric, para akong malulusaw. Parang may kakaiba sa tiyan ko. Nakakakiliti.

"So, kailan ang kasal?" Nakalimutan kong nandito rin pala sila Owen at Damaris sa apartment. Kumakain ang dalawa ng mga chichirya na dala ni Ric. Napatawa ako nang mapailing na nakangiti si Damaris. Mabuti naman at nagkabati na kami. Maniwala man siya o hindi tungkol sa nangyari sa mama niya, ayos lang. Ang importante ay maayos na kami ngayon.

"Kapag twenty na si Lia..." sabat ni Ric. Nawala ang ngiti ko sa labi at agad na napatingin kay Ric.

Malayo...pa pala?

"Tagal naman. Dapat hindi na pinapahintay 'yan. Tamo, baka maagaw pa 'yan..." si Damaris at saka napatingin sa akin. Hindi ko alam pero agad na nagsitayuan ang mga balahibo ko. Ano ang ibig niyang sabihin?

The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon