Kabanata 12

293 8 0
                                    

Be With You

MATAPOS makapag almusal. Dumiretso na kami ni Alaric sa kotse niya para makapagtrabaho na siya. Pagod ako sa byahe, aaminin ko. Ngunit, maayos ayos na naman ang pakiramdam ko nang makakain na ako.

Tahimik na pinagmasdan ko ang mga nadadaanan naming bahay at mga puno sa gilid. May mga batang pansin ko ay napapatingin sa kotse ni Ric 'pag lumiliko. Tipid akong napangiti.

Napapikit ako habang dinadama ang ihip ng hangin na tumatama sa magkabila kong pisngi. Kaunting mga hibla ng buhok ang nagagalaw dahilan para mas lalo pa akong mapangiti. Dahil sa pakiramdam, para akong nasa safe na lugar. Naisip ko, kung pwede labg sana na dito nalang ako manatili. Maganda ang ihip ng hangin at nakaka-relax. Hindi gaanong mainit kahit nasa ganitong mga oras.

Maganda dito...

"You feeling good?" Nawala ang ngiti ko sa labi nang makarinig ng magandang pagkaka-ingles ng nasa gilid ko. Liningon ko si Ric at awkward na nagkibit ng balikat. Nakarinig ako ng mahinang tawa galing sa kanya habang ang atensyon niya ay ansa daraanan pa rin.

"By the way, I haven't told you this yet. May kainan doon at sa gilid, may kubo. Ang ibang mga kasama ko sa trabaho, minsan doon nagpapahinga. Kung ma-bored ka man mamaya, pwede ka roon manatili..." mahaba niyang salayasay habang nakataas ang sulok ng labi. Tumango ako bago umayos ng upo.

Nang tumigil ang sasakyan, agad kong napansin ang paglabas ni Ric sa kotse. Pinagbuksan niya ako ng pintuan nang makaikot at agad na iginaya sa daan kung saan papunta ang pagt-trabahuan niya.

Habang naglalakad, pinagmamasdan ko ang kapaligiran. Nasa bukid nga kami. May mga matatayog na puno sa bawat gilid ng daraanan namin habang sa likod ng mga iyon, may mga bahay at mga taong abala sa kani-kanilang mga ginagawa. Halos ang nakikita ko ay mga bata. Naglalaro at nagkakasiyahan. Nakakurba sa kanilang mga labi ang maganda nilang ngiti na para bang sila na ang pinakamasayang mga tao sa mundo.

Napansin kong may isang batang nakalingon sa akin at mabilis na kumaway. Napangiti ako bago sinuklian ang ginawa niya.

Kung sana ay pwedeng bumalik sa pagka bata. Kung sana ay ganyan ako noong bata pa ako. Kaso, sobrang layo ng nangyari sa akin noon at  sa kasiyahan na nararamdaman nila ngayon.

Ako na nawala at kinuha? Puno ng takot at pagkamuhi lang ang naramdaman ko simula noong mangyari iyon. Ibang iba ako sa mga batang laro lang ang gusto. Kasi ako...ang makatakas lang ako at makalayo, iyon lang. Wala ng iba akong hinahangad pa.

"Ayos ka lang? Masakit ba ang ulo mo?" Ilang beses akong umiling nang mapansin ko ang ginagawa ng katawan ko. Nakayuko ako habang nasa lupa ang mga mata. Mabilis akong humarap kay Ric at nakita kong nag aalala ang ekspresyon niya.

"Are you okay, Lia? May masakit ba sayo?" tanong niya. Umayos ako ng tayo at pilit na ngumiti. Umiling agad ako.

Magpapanggap na walang nararamdaman para lang walang makaalam sa mga nangyari sayo...

"A-Ayos lang..." Napansin ko ang paglapit niya sa akin. Umatras agad ako at inayos ang ilang hibla kong buhok na malapit ng mapunta sa mga mata ko. Nag aalala akong tinitigan ni Ric.

"Sigurado ka? Your eyes...Namumula ang mga mata mo."

"W-Wala 'to. Ganito talaga ang mga mata ko..." sinabi ko para matigil na siya sa pagtatanong.

"Lia...hindi ganyan ang mga mata mo. Your eyes are beautiful and light. Parang kumikinang. Pero ngayon...para kang pagod at takot. May nararamdaman ka ba? Are you sure you're okay? Hmm?" Nagtangka ulit siyang lapitan ako. Hindi ako nakapalag dahil pinoproseso pa rin hanggang ngayon ng utak ko ang mga sinabi niya.

The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon