Kabanata 44

203 3 0
                                    

Hatid At Sundo

HE'S silent but observant. Kahit na may sarili siyang pagkain, binabantayan at binabantayan niya ang pinggan ko kung kaunti lang ba o naparami na ang nakain ko. Kapag kaunti nalang, kukuha agad siya ng ulam at kanin at saka ilalagay sa harapan ko.

"M-Marami na, Ric. Hindi ko na 'to mauubos..."

"You sure? Edi ako na ang uubos—"

"M-Mauubos ko naman yata 'to. Huwag na pala..." Dahil sa agad na pagbawi ko sa sinabi ko, napatawa si Ric bago uminom ng tubig.

Kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa hindi gaano kahabang lamesa. Kami lang dalawa dahil kakaalis lang noong mag asawang Casiano. Pupunta raw kasi silang kabilang Purok. Mamayang gabi pa ang balik.

"Lia, pagkatapos natin dito, gusto mo na bang maligo sa ilog?"

"Hmm?" Napabaling ako sa lalaking titig na titig. Kumurap ako at saka napatingin sa hindi na masyadong basa niyang buhok.

"Pero...kakaligo mo lang, Ric. Maliligo ka ulit?"

"Well, about that...Oo. Kasi sino ba naman ang sasama sayo sa tubig, 'di ba?" Nanunukso siyang ngumiti. Kumunot ang noo ko at iniwasan ang nang aasar niyang ekspresyon.

"M-Marunong naman akong lumangoy. Hindi ako natatakot..."

"Sigurado ka? Okay, then..." Tumayo siya nang nakangiti at saka kinuha ang pinggan niyang walang laman. Dumiretso siya sa lababo kaya ako nalang mag isa ang naiwan. Tulala na sinubo ko ang panghuling kutsara at saka napaisip kung bakit ganoon ang ekspresyon ni Ric.

***

"HMM?" Hindi ko alam kung bakit ganoon siya makatingin. Kakalabas pa lang namin sa kotse niya matapos ang kaunting byahe papunta rito sa ilog na sinasabi niya. Malinaw ang tubig. May ilang tao na at sinabi niyang ito raw ang mga kasama niya. May mga malalaking bato sa gilid at halos mga batang babae ang nakatbay doon at kumakain.

Tinuro ni Ric ang bandang may malaking puno.

"Doon tayo, medyo mainit..." Sumang ayon ako. Naglakad kami roon at agad na inilapag ni Ric ang dala niyang bag. May kinuha siyang makapal na tela roon at saka inilapag sa lupa.

"Upo na," sinabi niya.

"H-Hindi pa tayo maliligo?" Hinarap ko siya.

"Hmm? Gusto mo na ba?"

"Uhm, ikaw ba?"

"Sabay tayo..." Ngumiti siya kaya hindi na ako nakaimik pa. Umupo ako sa tinuro niya at saka siya tumabi sa akin.

"Hey, about kanina. Pasensya na. Noong oras lang kasi na 'yon kita nayakap nang napakahigpit kaya parang wala akong ganang bumitaw..." nanunuyong boses ang napansin ko nang magsalita si Ric. Napabaling ako sa kanya kaya matagal na nagkatitigan kami. Binuka ko ang bibig ko.

"A-Ayos lang..."

Ayos lang naman talaga 'yon. Hindi ako nakaramdam nang pagkailang dahil alam kong wala namang gagawing masama si Ric.

"Hindi ko na iyon uulitin. Kung gusto mong bumitaw, hahayaan kita..." Double meaning. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako nang pagkabahala matapos marinig iyon.

Lumipas ang ilang minuto, puro usapan at tawanan lang ang nangyayari. 'Di pa kami naliligo ni Ric.

"Anong oras na?" Tanong ko. Tumigil siya sa paglalaro sa buhok ko at saka kinuha ang cellphone niya.

"Two-thirty pm. Bakit? Gusto mo ng maligo?"

"P-Pwede na ba?" Napatawa ang lalaki kaya tipid akong napangiti. Pansin kong sumabay siya sa akin nang agad akong tumayo.

The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon