Kabanata 31

248 4 0
                                    

Pagbabago

"WHAT?" natatawang tanong ni Owen habang ngumunguya ng pagkain. Napailing ako at kumuha ng isang slice ng pizza.

Nasa living room kami at nakaupo sa sofa. Madilim ang paligid at ang loptop niyang umiilaw lang ang mapapansin. Nakapalabas kasi roon ang bagong movie raw na trending na ngayon sa social media.

Nagtaka ako dahil wala akong alam. Hindi ako active sa internet.

"Where's Ala, by the way?" tanong niya. Nilingon ko siya at ilang saglit bago sinagot.

"Siguro...sa kuwarto niya..."

Napatango si Owen. Nanood ulit kami ng panibagong palabas hanggang sa naubos na iyong isang box nang pizza. Busog na ako at mukhang ganoon rin si Owen.

"Sayo nalang 'to. Alas dies na. Bala hindi ako makatulog mamaya dahil sa sakit ng tiyan." Tumango ako at tinanggap ang inilahad niya.

Kinuha na ng lalaki ang loptop niya at naglakad papuntang pintuan nang apartment. Sinundan ko siya at nagpasalamat.

Nang mawala na si Owen. Pumunta na akong kuwarto para makapagpahinga. Sa ref ko inilagay ang pizza dahil gusto ko pa iyong kainin.

Maaga ako bukas dahil maglilinis ako ng kuwarto at magp-practice para sa interview. Sana makasagot ako. Gusto kong makapasok sa eskwelahan na iyon. Ayaw ko namang gumastos pa ng mas malaki ang nagbigay sa akin nang oportunidad para lang sa pinili kong unibersidad. Maayos na 'to.

Humiga ako sa kama at natulog. Maaga akong nagising at agad na sinunod ang plano. Itinabi ko sa ibang pwesto ang mga bag ko na may laman na mga damit at nagsimulang magwalis. Nakita ko lang ang panlinis na iyon sa living room kaya naisip kong iyon nalang ang gamitin ko.

May namumuong pawis sa noo ko at kanina ko pa iyon inaalis. Huminga ako ng malalim bago napabuga ng hangin.

Napapagod na ako. Kumain kaya muna ako bago maligo at para makapag practice ng mga isasagot?

"Hello, Mama?" sagot ko sa cellphone ko matapos kong makalabas nang banyo. Tapos na akong maligo at halos sampung minuto ako sa loob. Ang sarap kasi sa pakiramdam nang tubig. Hindi malamig at hindi rin mainit...

Naisip ko na mamaya nalang ako kakain. Mas masarap maligo kasi sakto lang ang init at lamig ng tubig.

"Opo. Maayos naman...Kayo ba? Kumusta kayo riyan?" tanong ko. Si mama...walang alam na kasama ko rito sa apartment si Ric.

Naalala ko pa kung bakit gusto niya rin akong nandito. Ano kaya ang magiging reaksyon niya 'pag nalaman niyang kasama ko sa tinutuluyan ko iyong lalaking gusto niyang hindi ko na makita?

Pinatay ko ang tawag matapos ang ilang kumustahan namin.

Matapos magawa ang mga plinaplano, lumabas na ako ng kuwarto. Mamaya nalang ulit ako magp-practice. Ang kailangan ko ngayon ay kain. Naalala ko na meron pa palang natirang pizza roon sa ref. Kainin ko na rin iyon.

"Uhm..." Pagkalabas ko ng kuwarto, didiretso na sana ako sa kusina. Kaso, napansin ko ang lalaki sa sofa. Komportable siyang nakaupo habang may kung anong kinakain.

Napatikhim ako bago dahan dahan na lumapit kay Ric. Gusto ko siyang lapitan at batiin. Hindi ko alam kung bakit, pero sa tingin ko mas maayos iyon kaysa hindi kami magpansinan.

"G-Good morning, Ric..." bati ko. Naka-puting sleeveless siya at naka-pajama. Seryoso siyang nanonood nang kung ano sa cellphone niya.

"Uhm..." Napatikhim ako dahil hindi niya ako napansin.

The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon