Kabanata 50

243 2 0
                                    

Nagmamakaawa

"ITO ang kuwarto mo, Ija. Ang katabi naman ay kuwarto ni Ala para kung may kakailanganin ka..." Hinawakan ng mama ni Ric ang kamay ko at saka ako pinagmasdan.

"S-Salamat po..." bulong ko at tipid na ngumiti. Si Ric at ang papa niya ay nasa kusina nag uusap. Habang sila mama naman at papa ay nasa living room.

"Pasensya na..." sincere na pagkakasambit ng babae. Hindi ko alam pero para akong maiiyak dahil sa pagsisisi na nanatili sa mga mata niya.

"Sobrang espesyal mo kay Ala, ngayon ko lang nakitang ganito ang anak ko sa isang tao..." Umupo siya sa kama kaya gumalaw din ako. Lumunok ako bago matamis na ngumiti.

"Ako po ang dapat humingi ng pasensya. Umalis ako ng mansyon noong mga panahon na kailangan na kailangan ako ni Alaric..."

Ngumiti ang babae at dahan dahan na hinaplos ang buhok ko.

"Alam mo bang sobrang nag alala siya sayo noong nakita ka niyang duguan sa banyo ng pinagkainan ninyo. Para siyang mababaliw. Nagmakaawa siya sa papa niyang kumuha ng magagaling na doktor para umasikaso sayo..."

Yumuko ako at pumasok sa isipan ang mukha ni Ric na nag aalala. Sobrang kisig. Sobrang perpekto...

"Ate—Ay hi po. Kakain na raw po sayo ni kuya Ala..." Ang kapatid kong lalaki ang biglang pumasok sa kuwarto ko. Mabilis kong pinahiran ang butil ng luha sa pisngi ko at ngingiti kaming lumabas ng mama ni Ric.

Nang makarating sa dining area. Pansin kong buo kaming lahat at may ngiti sa labi ang bawat isa. Mas lalo akong napangiti at napatingin kay Ric nang pagsandukan niya ako ng pagkain.

"Batchmate pala ng mama mo ang papa ko. Kaya pala..." bulong ni Ric sa akin kaya napatingin ako sa kanya at saka pa kina mama at Mr. Levine.

Kita ko ang simple nilang pag uusap na para bang matagal ng magkakilala. Kasali sa usapan sina papa at ganoon din makapag usap kay Mr. Levine.

"HMM?" Magkahawak ang kamay na naglakad kani ni Ric papunta sa magkatabi naming kuwarto. Kakatapos lang ng kainan at napagdesisyunan naming dalawa na magpahinga na muna.

Biglang inilapat ni Ric ang kamay niya sa gilid ng bewang ko.

"Tomorrow ang alis ko kasama si Papa. Bukas na sisimulan ang misyon na pakikipagkita kay Bea..." Natigilan ako sa paglalakad ngunit hindi bumaling kay Ric.

"G-Ganoon ba?"

Pansin ko ang pag ikot ni Ric at pagyakap sa katawan ko mula sa likuran.

"I love you. Babalik ako." Bumitaw siya sa yakap ay humakbang ng kaunti bago buksan ang pintaun ng kuwarto ko.

Nandito na pala kami, hindi ko man lang namalayan.

"S-Salamat..." sinabi ko bago pumasok sa loob. Hinintay ko siyang pumasok din ngunit ngumiti lang ang lalaki.

"Hindi ako mawawala sayo, Lia. Remember that..."

"Paano kung...hindi ka nga mawala pero masasaktan ka naman?" tanong ko.

"Ayos lang masaktan basta nasa mabuti kang kalagayan..."

"P-Pero...ayaw kong mahirapan ka..." Naglakad ako papalapit kay Ric at agad siyang niyakap. Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya at hindi siya hinayaang umalis sa tabi ko.

"Lia..." Umiiyak na napapikit ako at paulit ulit na binabanggit ang pangalan niya. Ayaw kong lumayo siya, kahit saglit pa. Kaso wala na akong magagawa. Para sa katahimikan.

NAGISING AKO kinaumagahan. Alas diyes at hindi ako makapaniwala.

Bakit wala man lang gumising sa akin?

The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon