Kabanata 24

214 8 0
                                    

Lili

TUMIGIL KAMI sa isang hindi gaano kalaking gate na sa gilid ay may mahabang hagdanan. Napalunok ako at umiling agad nang makatingin sa akin si Aris.

"H-Huwag na. Ayos lang po ako. Baka po nakakaabala—"

"Sus! Wala 'yon. Ang importante naman tumulong ako. Tanggapin mo na itong offer ko, kahit ngayon lang. 'Pag nakahanap ka na ng malilipatan at maayos na tayo, then, makakaalis ka na. Just don't call a cop, okay?" Wala akong nagawa kung hindi ang ngumiti nalang. Sa lawak ng Maynila, bakit kapatid pa ni Ric ang tumulong sa akin? Pwede namang iba nalang. O pwede din, huwag nalang ako tulungan ng kung sino dahil nakakatakot iyon.

First time kong mag isa sa lugar na 'to. Bago ito sa pakiramdam ko pero hindi naman bago sa akin ang paningin sa lugar. Pero kahit na ganoon, kailanga ko pa rin mag ingat.

"Hali ka, pasok tayo sa taas." Nang makalabas ng kotse, agad na humarap sa akin ang babae habang masaya ang ekspresyon. Napabuga ako ng hangin bago sumang ayon. Mabait sa akin si Ric noong tumuloy ako sa mansyon, sana ganoon rin ang kapatid niya.

Dahan dahan akong sumunod kay Damaris habang nauna na siya sa akin sa hagdan. Lumingon siya sa akin at saka sinabihan pa akong bilisan ko raw ang paglalakad ko. Nahihiya akong tumango sa nakabusangot niyang mukha.

Pumasok kami sa loob ng apartment habang pinagmamasdan ang paligid. Ang una kong napansin ay ang malinis na living room. Hindi gaano kalaki ang loob pero sigurado akong mamahalin ang mga gamit rito. Ang ilaw pa lang na sobrang liwanag nang buksan iyon ni Damaris. Suminghap ako at tipid na napangiti.

"Dalawa kayo dito. Dalawa rin kami ng kaibigan ko sa baba. Sana ayos lang sayo na makasama ang kapatid ko." Nanlaki ang mga mata ko at agad na natigilan dahil sa sinabi niya. Mabilis ko siyang nilingon dahil nasa likod ko siya.

"H-Hindi ba pwedeng...doon nalang rin ako sa inyo?" Matapos masabi iyon, agad akong yumuko para maiwasan ang hiyang nararamdaman.

"Hindi pwede, ano ka ba. Dalawang kuwarto lang doon. At saka, iyong kuwarto dito, kay Anthara sana, sa isang kaibigan ko. Kaso, wala siya ngayon. Kaya, sayo na muna. Mukha rin naman na ayaw mo talagang magtagal dito." Natahimik ako. Pinagmasdan ko si Damaris at nakita ang seryoso sa mga mata niya.

"Gusto mo na bang makita ang kuwarto mo?" siya. Tumango ako at tipid na napangiti.

Wala akong magagawa. Napakabilis ng oras at mukhang...makikita ko na naman si Ric. Sariwa pa ang sakit sa akin pero wala akong choice kung hindi ang hayaan ang sarili ko na magpakita sa kanya. Kung iyon man ang plano sa amin, kahit na ayaw ko dahil sa nangyari noong ilang buwan ang nakakalipas, tatanggapin ko para sa lagay ko rito sa Maynila. Aalis rin naman agad ako 'pag nakahanap ng bagong matutuluyan.

Hindi pwedeng...mahulog na naman ang loob ko sa lalaking 'yon 'pag nagkita ulit kami.

"Ano? Ayos lang ba?" Tumango ako sa babae nang makita ang kuwarto ko. Para akong nakabalik sa mansyon nila ni Ric dahil sa kulay at design ng paligid. Kulay pink at halos may mga butterflies sa gilid.

"Pasensya na sa kulay. Isu-surprise ko talaga sana ang kaibigan ko. Kaso, wala talaga siya ngayon, e. Sorry kung nakakasilaw ang kulay." Umiling ako at nagpasalamat.

Ang importante naman ay meron akong matutuluyan. Ayos na 'to.

Nang makaalis si Damaris at masarado ang pintuan, agad akong umupo sa kama at inayos ang mga damit sa bag. Pumunta rin ako sa banyo para makapag bihis dahil aalis muna ako ng apartment. Kakain muna ako sa labas dahil magugutom na ako at walang kain. Nakakahiya kong kakain pa ako dito kahit na alam kong may kusina sa labas ng kuwarto ko.

Lumabas ako ng kuwarto at luminga sa paligid. Nang walang tao, agad akong lumabas ng apartment at bumama sa hagdan. Huminga ako ng malalim nang wala akong Damaris na naabutan sa baba.

The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon