Selos na Selos
ANO? Seryoso...ba talaga siya?
"After ng perma ko, magsisimula na sila bukas nang paggawa ng 'di gaano kalaking bahay. Pupunta tayo mamaya roon. I want you and your family to move here. Pero desisyon mo pa rin ang masusunod, Lia. Depende sayo..."
"P-Pero Ric...seryoso ka ba talaga?"
Masyadong mabilis ang galaw niya. Paano kapag nalaman ito ng papa niya? Siguradong hindi sasang ayon iyon...
"Naroon na ang papa mo sa mansyon, Lia. Ano ang sa tingin mo mararamdaman niya 'pag nalaman niyang galit na galit sayo si Papa?"
Napaisip ako. Kung iyon ang mangyayari, paniguradong aalis si Papa at isasama niya sila Mama. Paniguradong sa akin iyon kakampi. Pero...
Napatingin ako sa maamong mukha ng lalaki. Puno ng pag aalala ang mga mata niya. Lumunok ako bago napayuko.
"B-Bakit ka pa gumastos..."
"Hmm, ang importante ay ang kaligtasan ninyo..."
Bakit ganito si Ric? Tingin niya ba sa papa niya ay masamang masama na talaga? Kinamumuhian niya ba ang papa niya? Dahil ba sa akin? Mas gugustuhin niyang sumama sa akin kaysa sa pamilya niyang nagbihis at nagpalaki sa kanya?
Hindi niya dapat ginagawa ito...
"P-Pero Ric—"
"Mr. Levine! Thank you for coming!" Nasa barangay kami ngayon, magkatabing nakaupo hanggang sa may lumapit na 'di gaano katandang lalaki.
Tinitigan muna ako ng ilang segundo ni Ric bago siya tumayo at talikuran ako. Nakipag usap siya sa matanda na sa tingin ko ay Mayor sa barangay na ito.
Hindi gaano nagtagal ang interaksyon nila ni Ric dahil nagpaalam din kaagad kami. Yumuko ako at ngumiti sa matanda bago tumalikod kasama ang lalaki.
Nang makalabas ng barangay, pumasok kaagad ako sa front seat ng kotse ni Ric. Nagmaneho siya nang walang imik. Ganoon din ako. Maya maya lang bigla lang siyang prumeno at tumingin sa akin.
"Nandito na tayo. Uhm...Lia..."
"H-Hmm?" Hindi ko alam pero parang naging awkward dahil sa pagtawag ni Ric sa akin. Para kasi siyang nahihiya dahil sa klase ng tono niya.
"Kapag nakabalik na tayo ng Manila...huwag mo sana akong pigilan na sabihin sa kanila ang lahat. Please? Gusto kong malaman nila na hindi ka na pwedeng mapunta sa iba. Gusto kong malaman nila na tayo na. At gusto kong malaman nila na...walang kahit sino o ano ang makakapaghiwalay sa atin..."
Wala akong imik. Walang maisagot dahil sa mahabang sinabi ni Ric. Ang mga mata niya...kumikislap. Nakaawang ang labi at hindi pa rin makapaniwala ang ekspresyon.
"O-Oo naman, Ric. Hindi kita pipigilan. Wala rin naman akong rason para hindi ka hayaan sa gusto mong gawin..." Napalunok ako bago ngumiti ng matamis. Gumanti rin siya kaya napatawa kaming dalawa.
"I love you..." bigla niyang sinabi.
"I...I love you too," sagot ko at saka napayuko para hindi niya makita iyong dumaang sakit sa mga mata ko.
Hindi iyon napansin ni Ric at nakangiti lang na bumaba ng sasakyan. Nauna siyang lumabas. Bago ako sumunod, napaisip muna ako.
Tama ba itong pinasok ko? Baka kasi mas lalong lumala ang sitwasyon. Mahal ko si Ric, pero ayaw kong ibigay na niya ang lahat sa akin. Iwan niya ang mga nakasanayan niya para lang makasama ako.
Bumaba ako ng sasakyan at nag enjoy buong araw kasama si Ric. Pinakita niya sa akin ang malawak na lupain na nabili niya. Marami raw siyang plano. Gusto niya masaya ako at masaya ang pamilya ko. Huwag na raw akong mag alala at siya na ang bahala sa lahat.
BINABASA MO ANG
The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)
RomanceWalang alam si Ailia tungkol sa kung sino ang papakasalan niya. Ang sinabi lang sa kanya ay kailangan niyang manatili sa mansyon, sa amo ng papa niya. Hindi niya pa ito nakita at ni pangalan nito ay hindi niya pa narinig. Kaya niya bang manatili sa...