Akala Ko
BUWAN ang lumipas. Nalaman kong may mga bayarin rin pala rito sila mama. Pinagtulungan namin iyon at syempre, gumastos rin ako para hindi sila mama mahirapan. Mabuti nalang at malapit na iyon naming matapos.
Ang bahay namin, apartment lang. Malaki laking apartment dahil iyon ang gusto ni papa. May trabaho pa kasi siya noon, ngayon wala na. Ayaw niya na daw bumalik sa mga Levine dahil ilang taon na rin siyang nagta-trabaho. Gusto niya daw munang magpahinga, kahit saglit. Tapos, magt-trabaho na naman ulit. Pero hindi na kina Alaric.
Sumang ayon ako kasi ang sinasabi niya lang ay ayaw na niyang bumalik pa ako doon. Ayaw niyang, maging kapalit na naman ako sa pagtulong ni Ric sa kanila.
Napabuga ako ng hangin. Naghuhugas ako ngayon ng mga pinggan sa lababo nang marinig ko ang ingay ng cellphone ko. Pinatuyo ko muna ang kamay ko sa damit ko bago kinuha ang cellphone para masagot.
"Hello?"
Walang sumagot. Sandali akong natigilan at saka tiningnan sa cellphone kung sino ang tumatawag. Si...Manang Milly. Kay Manang numero, pero ramdam ko na ibang tao ang nasa kabilang linya ngayon.
"Miss na kita..." pagod na sinabi ng nasa cellphone. Nagulat ako at agad na napasinghap. Nanginginig na lumapit pa ako sa lababo na may tubig para makabalanse sa pagkakatayo.
Sasagot na sana ako, ngunit nabitawan ko iyong cellphone ko. Napasigaw ako bago nahulog iyon sa lababo na may tubig at mga pinggan pa.
"Dali dali..." naibulong ko at natatarantang hinanap sa tubig ang nahulog.
Hindi...
Kausap ko si Ric at kailangan ko siyang marinig pa. Gusto ko pang marinig ang boses niya...
Kahit hindi nalang ako magsalita, marinig ko lang siya ulit.
"H-Hello?" agad kong inilagay sa tainga ko iyong basang cellphone nang mahanap ko. Nag uumpisa na akong maluha dahil walang sumasagot sa cellphone.
"R-Ric? Nandiyan ka p-pa ba?" nanginginig ang boses ko. Ric...
"Ric, m-miss na din kita..." amin ko. Totoo iyon kasi siya ang laging laman ng isip ko. Hindi ko man masabi kung bakit, ang alam ko...gusto ko na siyang makita.
"Lia? Ayos ka lang?" bigla kong narinig si mama sa likuran ko. Tumutulo ang mga luha na napaharap ako kay mama. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya nang makita ang sitwasyon ko.
Dali dali niya akong nilapitan at saka niyakap. Patuloy niya akong pinapatahan habang ako ay nakapikit ng humahagolgol.
Napakasakit. Wala naman akong ginawang masama pero ako pa ngayon ang pinaparusahan. Kasalanan bang unahin ang ibang tao kaysa sa pansariling nararamdaman? Hindi ko alam...
Nasa kuwarto ako kinagabihan habang nakaupo. Nagpasko ako at nagbagong taon na wala si Ric. Enero na at paparating na ang klase namin. Ilang araw rin akong absent at mabuti nalang talaga, nakabalik na ako dito. Pero bago iyon, napagdesisyunan ko na noon na bago ako umalis sa mansyon, babalikan ko si Ric at sasabihin ang lahat.
Kaya ngayn, ang kailangan ko nalang gawin ay ang mag impake at magpaalam kina mama. Babalik rin naman ako agad. Sasabihin ko lang lahat kay Ric at papakiusapan siya na sana huwag na niya akong ipagtanggol. Huwag na siyang magalit sa papa niya. Kasi iyong mama niya, naghihirap...
Mas lalong lalala ang sitwasyon 'pag nagpatuloy siya sa pagsunod sa akin. Nakakapanghina man pero kailangan ganoon ang mangyari.
Kinaumagan, habang kumakain kami sa lamesa ng pamilya ko, bigla akong nagsalita tungkol sa pag alis ko papuntang lugar ni Ric.
BINABASA MO ANG
The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)
RomanceWalang alam si Ailia tungkol sa kung sino ang papakasalan niya. Ang sinabi lang sa kanya ay kailangan niyang manatili sa mansyon, sa amo ng papa niya. Hindi niya pa ito nakita at ni pangalan nito ay hindi niya pa narinig. Kaya niya bang manatili sa...