Kabanata 33

214 5 0
                                    

Gulo

SINABI sa amin sa University na sa susunod pa na linggo ia-announce iyong tungkol sa pag aaral namin sa paaralan nila. Kailangan nalang naming hintayin ang resulta. Kung pasok ako, makakapag aral ako at maghihintay nalang para makapasok na. Pero, kung hindi lumapit sa akin ang swerte, magiging maayos naman siguro ako. Kaso, kailangan kong magbayad nang tuition. Kalahati ang babayaran ko sa nagpapaaral sa akin para makapag aral ako roon sa unibersidad.

Nakakapanghina, pero kailangan maging matatag. Seventeen na ako. Mage-eighteen na sa October 11. Pagkatapos, 19 at sa susunod 20.

"Saan ka?" si Owen nang makalabas ako sa apartment. Umagang umaga at sa tingin ko ay alas sais pa lang.

Walang suot sa pang itaas ang lalaki. Sa balikat niya ay may nakasabit roon na puting tuwalya. Naka-shorts lang siya habang magulo ang buhok at nakangiti ang mapupulang labi.

"Dito lang..." sagot ko. May upuan roon sa labas nang apartment nila. Mas lamesa rin na hindi gaano kalaki. Double doors ang pintuan nila at nakasandal siya roon habang nakatingin sa akin.

Umupo ako sa isang upuan. Pinananood ko siya saglit habang pinapanood rin ako. Mwhina siyang tumawa.

"Pasyal tayo mamaya?" aya niya. Napataas ang dalawa kong kilay bago napaayos nang upo.

Pasyal? Bakit, wala ba siyang gagawin?

"Wala kayong...gagawin ni Damaris?"

"Wala. Why? Seloa ka sa kanya?" Mas lalong napakunot ang noo ko.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Ang kaninang natatawang reaksyon ay agad na napalitan nang hiya.

"Wala..." Umayos siya ng tayo. Naglakad siya papalapit sa akin umupo aa katabi kong upuan. Pinagmasdan ko lang siya ng nagtataka ang itsura.

Selos? Bakit akk magseselos kay Damaris? Sa anong dahilan?

"Mamasyal nalang tayo mamaya..."

Kung iyon ang gustong mangyari ni Owen, ayos lang sana sa akin. Pero...

Natahimik ako saglit bago napatingin aa apartment namin na nasa taas. Iyong kasama ko roon sa loob, hindi ko alam kung kumusta na ang pakiramdam niya. Gusto ko siyang kausapin, ngunit hindi ko pa rin siya na nanakawan nang atensyon.

Isang araw na ang lumipas matapos ang gabing iyon. Kinaumagan noon, maaga siyang umalis sabi ni Damaris. Noong gabi naman na kumakain ako, pumasok siya ng apartment at dumiretso kaagad sa kuwarto niya. Bati lang sa akin na 'good evening' ang ginawa niya.

At ngayon, nalaman ko na naman na wala siya. Maaga siyang umalis dahil daw sa trabaho.

"Hey...ano?" Napaigtad ako at napaharap kay Owen. Nakangiti siya ng malapad at singkit ang mga mata. Napatawa ako ng mahina bago tumango. Napasigaw siya at ginulo ang buhok ko dahilan para mapakunot ang noo ko.

Nag asaran kami hanggang sa tinawag na siya ni Damaris na siya na raw ang maliiligo sa banyo.

Napabuga ako ng hangin bago pumasok sa apartment. Pumasok ako sa kuwarto ko at naligo para makapaghanda na sa pamamasyal namin ni Owen.

First time kong may makakasama na mamasyal rito sa Maynila. Mabuti naman at inaya ako ng ganito ni Owen.

"Opo, Mama. Aalis kami ngayon nang kaibigan ko. Mag iikot lang sa kung saan. Kakain din siguro..." sinabi ko ng nakangiti sa mama ko na nasa kabilang linya. Nag usap kami saglit habang pinapatuyo ko ang buhok ko.

Nang magpaalam si mama, kaagad na nagbihis ako at nagsuklay nang buhok bago lumabas nang apartment.

Ayos na ako. Dala dala ko na ang phone ko at maliit na shoulder bag para sa ilang maliliit kong gamit. Naka-jeans lang ako at puting t-shirt. Nakalugay ang ang buhok ko at naisip kong mamaya nalang iyon aayusin kapag nakasakay na kami sa kotse ni Owen.

The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon