Kabanata 7

445 11 0
                                    

Mali

NATAPOS kami sa kakahintay sa machine kung saan nilalabhan ang mga damit. Nang tumigil iyon sa kaiikot, kaagad namin iyon ni Jessica pinuntahan.

Nasa dryer sila Marie at Manang. Naghihintay lang rin nang pagkakatuyo ng mga tapos ng nalabhan na damit.

Sinulyapan ko si Ric na ngayon ay nakatayo ng tuwid malapit sa dalawang pintuan. Nasa dalawang dibdib niya iyong mga kamay niya at naka-cross ang mga iyon. Uminit ang pisngi ko habang pinagmamasdan ng palihim iyong kabuuhan ng katawan niya.

Ilang beses ko na siyang ninakawan ng tingin, mabuti nalang at hindi niya ako nahuhuli. Sisiguraduhin ko rin naman na hindi niya ako mahuhuli kaya hindi ko na dapat iniisip pa iyong magiging reaksyon niya 'pag nakita akong nakatingin.

"Saan na kayo 'pag...wala ng titira dito?" Sinimulan kong pag usapan iyong anunsyo ni Ric para makagawa ng mga salita kasama si Jessica. Nasa tabi ko siya at tahimik rin.

Tumikhim siya. "S-Sa ikalawang mansyon ni amo sa bayan na 'to, sabi ni Manang." Napatango ako habang nahihiyang ibinabalik iyong paningin kay Jessica at sa hinihintay naming makina na hanggang ngayon ay patuloy pa rin na umiikot.

Ang tagal. Gusto ko ng pumunta sa kuwarto ko at pag isipan ng mabuti iyong mga narinig kanina. Iyong mga galaw at sinabi ko sa kanya na hindi ko akalain na ginawa ko talaga.

Ngayon ko lang na-realize iyong pagsagot ko kay Ric. Naalala ko, amo siya rito. Bakit ko nga ba siya tinaboy kanina?

Napailing ako sa isipan ko at tipid na nginitian si Jessica nang harapin niya ako.

"Namumula ka, Lia. Ayos ka lang ba?" Napalunok ako nang tanungin niya iyon. Hindi maalis sa ekspresyon ko ang nahihiya kong reaksyon. Kita na kung kita! Hindi ko kayang tabunan iyon. Lalo na ngayon na ramdam ko na iyong mga mata ni Ric sa akin sa malayo.

Tiningnan ko si Jessica at saka nginusuan.

"Ayos lang ako. H-Huwag mo nalang 'tong pansinin." Tinuro ko ang mukha ko at nginitian ang babae. Sinuklian niya ng mahinang tawa ang pinakita ko sa kanyang kurba ng labi ko.

"Close kayo ni amo. Mabuti kung ganoon. Ngayon lang namin siya nakitang may pinadalang babae dito, e..." aniya. Natigilan ako at nangunot ang noo.

Ngayon lang?

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Huh? Hindi ba klaro? Si amo, hindi mahilig sa babae. Ngayon lang namin siya nakitang lumalabas ng kuwarto niya at kumain sa lamesa. Minsan ay nagpapadala lang siya ng pagkain sa loob ng kuwarto niya," mahabang salaysay ng babae. Umawang ang labi ko at napabaling iyong mga mata kay Ric.

Walang malisya roon. Hindi ko dapat isipin na umiba ang routine ni Ric sa bahay dahil lang sa pagdating ko. Sino ba ako? Anak lang ako ng tatay ko na nagt-trabaho sa papa ni Ric.

Nagtama ang mga mata namin at sa hindi malamang dahilan, hindi ako makatakas sa titig na titig niyang mga mata. Napalunok ako at hindi na naibalik pa iyong paningin kay Jessica na ngayon ay nagk-kuwento na ng buhay niya.

Natigil lang iyong titigan namin ni Ric nang may kunin siya sa bulsa niya at ilapat ang bagay na iyon sa kaliwang tainga niya. Napunta iyong mga mata niya sa sahig. Napakurap ako bago huminga ng malalim para mapakalma iyong nag aalburuto na kung ano sa may dibdib ko.

Natapos kami sa ginagawa namin at ang buong atensyon ko ay nasa mga labahan na. Hindi ko na nilingon pa ang pwesto ng lalaki. Walang dahilan para gawin ko iyon.

"Iyong mga puting kurtina, ibahin niyo ng lagay. Hindi iyan ip-pwesto sa second floor," ani Manang nang natapos na sila sa ginagawa nila. Matapos na rin iyong amin. Ang ginagawa lang namin ni Jessica kanina ay maghintay at magpasok ng mga damit sa machine habang iyong kila Manang ay patutuyuin pa iyong mga damit at saka titiklupin. Doble iyong sa kanila habang iyong sa amin ay masasabi ko lang na madali.

The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon