Kabanata 14

267 7 0
                                    

Lie

NAGT-TRABAHO na naman sila ni Ric. Pasado alas sais na ng gabi nang tumigil sila ng mga kasamahan niya. Akala ko ay babalik na kami sa bahay niya, ngunit nang matapos na siyang magpunas ng pawis sa noo, pinuntahan niya ako sa kubo at agad siyang humingi ng tawad.

"Sorry napaghintay kita. Are you all fine here?" tanong niya, malalim ang boses. Kulay blue ang kulay ng t-shirt niya at sa baba noon halos puno ng putik. May dala siyang pala sa kanang kamay at naka bota siya sa mga paa niya. Tiningnan ko muna ang kabuhuan ng katawan niya bago pilit na napatango.

Sa kubo, kasama ko sila Manang Juli at asawa niya. Nalaman ko na pamangkin ng ginang si Bea kaya narito rin ang babae.

"Ayos lang naman..." Tumango si Ric. Hinawakan niya ang siko ko na para bang pinapahiwatig na sumunod na ako sa kanya. Tumalikod siya. Agad niya rin na inalis ang kamay niya roon at ilang sulyap ang ipinakita sa akin. Napatikhim ako bago sila Manang Juli liningon.

Nakita ko ang ginang na nakangiti habang si Bea ay walang reaksyon ang mukha. Nakatitig lang siya sa amin na para bang wala ng magagawa.

"Ang dumi ko. Pasensya na kung madumihan kita mamaya, hmm?" si Ric. Nalingon ko siya at nalamang magkasabay na kaming humahakbang papuntang kotse.

"Bakit? Magtatabi ba tayo sa kotse?"

"Why? Gusto mo sa likod?"

"H-Hindi. Nagtatanong lang ako." Napansin ko ang pagtaas ng kilay niya kaya wala na akong nagawa kung hindi ang umiwas sa kanya ng tingin. Nang nasa harapan na kami ng kotse, agad niya akong pinagbuksan ng pintuan. Ngunit, hindi na muna ako pumasok.

"Um...nakapag paalam ka na ba sa kanila?" tanong ko, tinutukoy ang mga taong nagpatuloy kanina sa amin. Napakurap si Ric at agad na nakagat ang pang ibabang labi.

"Yes. Actually, sinabi kong baka babalik rin ulit tayo bukas. Baka lang naman...kung ayos lang sayo..." sinabi niya, walang kurap na sinimulan akong titigan. Hindi ko mabasa ang sinasabi ng mga mata niya kaya wala akong madahilan sa sarili ko kung bakit ako umiiwas ng tingin.

"I-Ikaw. Ikaw naman ang amo dito."

"Lia. Ano naman kung ako ang amo? Trabahador ba kita?" Lumapit siya sa akin. Kaagad akong nataranta at ilang beses na napalunok.

"S-Sige. Kung iyan ang gusto mo..." Huminto sa paghakbang si Ric at amused akong tinitigan. Tumango siya at agad kong napansin ang pagngiti niya dahil sa pagsang ayon ko. Hinintay niya akong pumasok sa loob ng kotse.

"Salamat." Tuluyan na ako na nasa loob. Tahimik kong hinintay si Ric sa driver seat bago niya sinimulan ang makina na paandarin. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko nang hindi mag start ang sasakyan.

Sinulyapan ko si Ric at nakitang nagtataka ang kanyang ekspresyon.

"What's with this car? Ayaw mag start..." ani Ric.

"Baka...nasira o ano..." sinabi ko, mababa ang boses.

"No. Hindi 'to madaling masira..."

Base sa sagot ni Ric, posible ang sinabi niya. Hindi madaling masira? Siguro. Mukha rin kasing mamahalin ang kotse niya na mukhang galing pang ibang bansa. Hindi man 'to sports car, halatang matibay. Mabilis rin ang makina nito at hindi ko lang alam kung bakit ito nagkakaganito ngayon. Hindi ko masabi kung anong kotse ito dahil hindi naman ako mahilig sa mga sasakyan.

"May problema ba, pre?" May lalaking sumilip sa salamin malapit kay Ric, ngunit hindi man lang siya binigyang tingin ng lalaki.

"Yeah. Ayaw mag start..." Nagiging mas malalim na ang boses ni Ric. Ang magkasalubong niyang kilay habang ang mga mata ay pokus sa sasakyan, hindi ko alam kung bakit hindi ko matanggal ang mga mata ko sa itsura niya. Kung siya ay naiinis na, ako naman ay humahanga sa kagwapuhan na meron siya.

The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon