Sasamahan Kita Ngayon
"P-PAG IISIPAN ko pa, Ric..." Hindi ako makapaniwala sa bigla niyang sinabi. Ilang saglit akong tahimik habang siya ay patuloy pa rin akong pinagmamasdan.
Natapos ang gabi at sumapit ang umaga. Hindi pa man lumiliwanag ng sobra ang araw, nalaman ko nalang na naroon na ako sa kuwarto ko kinaumagahan. Naalala ko, nakatulog ako habang nasa tabi ni Ric. Ang lalaking iyon ay umiinom pa rin habang parehas kaming tahimik. Wala na ni isang nagsalita sa amin.
"P-Pwede na ba akong lumabas?" nag aalala kong tanong sa maid na siyang laging naghahatid sa akin ng pagkain. Ngayon ay may dala na naman siyang tray. Nakita ko siyang ngumiti at tumango.
"Opo. Nga pala, wala si amo ngayon. Apat na araw siyang magta-trabaho sa bukid nila ng mga kapatid niya. Sa mga susunod na araw pa siguro siya makakabalik rito." Lumabas siya ng kuwarto ko matapos akong yukuan. Hindi ako nakapagsalita.
Napabuga ako ng hangin. Maya maya, nag-desisyon akong maligo na muna. Maingat kong kinuha sa cabinet ang mga nakuha kong damit para maihanda sa kama. Ito ang mga susuotin ko.
Mabilis na tumakbo ang oras, natapos akong naligo at nagbihis. Handa na sana akong lumabas ng kuwarto habang dala-dala iyong tray ng pagkain ko nang pagkabukas ko ng pintuan, isang maid ang agad na sumalubong sa akin habang nagtataka iyong reaksyon.
Napaawang iyong labi ko nang mapansin niya iyong pagkain kong wala ni maliit na bawas.
"Hindi...niyo po ba nagustuhan iyong pagkain?"
Nataranta agad ako. "N-Nagkakamali kayo. Dala-dala ko 'to dahil...gusto ko sanang kumain sa lamesa. M-Medyo, hindi ako sanay na kumain sa kama, e." Awkward akong ngumiti habang siya ay hindi makapaniwalang napatango tango.
"M-Mabuti naman po kung ganoon. Pasensya na." Nginitian niya ako bago ko nakita ang pag iwas niya sa akin ng tingin. Nahihiya siyang napayuko.
Nagpakilala siya sa akin bilang Missy. Taga maynila siya. Narito lang siya sa Cebu para sana mag aral. Kwinento niya sa akin ang buhay niya. Nalaman kong college na pala ang babae. Nagt-trabaho siya bilang kasambahay rito sa malaking mansyon dahil kulang pa raw ang pang tuition niya at medyo malaki ang pangangailangan ng pamilya niya.
Naging komportable ako kay Missy. Hindi lang siya magalang, napansin kong madaldal rin pala. Habang nagk-kuwento ako, napunta iyong usapan namin sa amo nila rito. Tipid akong napangiti. Mag iisang linggo na. Ang sabi sa akin ni Missy, apat lang na araw mawawala si Ric. Ngunit dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik ang lalaki, mukhang mas matagal pa ang pagbabalik nito.
Ano kaya ang trabaho niya? At...sa narinig ko kay Missy, sa bukid siya nagt-trabaho kasama ang mga kapatid niya. Nagsasaka ba siya? Saang bukid siya ngayon? Nagt-trabaho pa rin ba siya?
"Teka, may huhugasan pa pala ako. Dalhan nalang po kita ng tubig mamaya sa kuwarto ninyo. Mag aalas dies na pala." Mabilis kong tinanguan si Missy at nginitian nang nagmamadali siyang yumuko sa harapan ko.
Nang makalabas si Missy ng tuluyan sa kuwarto, kaagad kong sinarado ang pintuan at humiga na sa kama. Napabuga ako ng hangin. Ang halos ginagawa ko lang rito sa bahay ay makipag usap sa mga kasambahay at maglibot libot sa mansyon. Minsan ay nagpapasama ako, ngunit may ilang beses rin na ako lang mag isa dahil ayoko namang makaabala sa mga seryosong nagt-trabaho rito.
Ilang araw na ang nakalipas, ngunit iyong pagtulog ko sa tabi ni Ric pa rin ang bumabalik sa isipan ko.
Ilang minuto ang lumipas, nagising ako sa pagkakaidlip nang makarinig ng ilang katok sa pintuan ng kuwarto ko. Siguro'y si Missy na ito. Paniguradong may dala siyang tubig kaya hinanda ko na ang isusukli ko sanang ngiti sa kabaitan niya.
BINABASA MO ANG
The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)
RomanceWalang alam si Ailia tungkol sa kung sino ang papakasalan niya. Ang sinabi lang sa kanya ay kailangan niyang manatili sa mansyon, sa amo ng papa niya. Hindi niya pa ito nakita at ni pangalan nito ay hindi niya pa narinig. Kaya niya bang manatili sa...