Kabanata 37

191 3 0
                                    

Akin Palagi Ang Bintang

ANONG oras na nga ba? Gabi na at hindi ko alam kung ano ang susuotin ko. Nasa apartment na ako ngayon at kaarawan na ni Ric. Kahapon, hindi na kami nagkita dahil hindi siya pumunta rito sa apartment.

Bali ako lang mag isa ngayon. Nakakapanghinayang dahil hindi kami nagkita kanina para sana makabati ako sa kanya.

"Ano ang isusuot ko?" mahina kong bulong habang ang atensyon ay nasa nakabukas kong malaking bag.

Alas syete na at tinext ako ni Owen na magsisimula raw ang party alas otso ng gabi. Naghahanda na raw iyong iba sa mansyon.

"Maya maya nandito na si Owen. Naku naman!" Nakagat ko ang pang ibabang labi ko at saka bumalik sa paghahanap ng mga damit. May nakita ako t-shirt na kulay pink kaya agad ko iyong inilingan.

Masyadong makulay. Gusto ko puti para hindi masyadong pansin sa ibang mga tao roon. Sigurado naman ako na maraming bisita si Ric. Kung pupunta man talaga ako, kailangan kong magmukhang maayos.

Nakarinig ako ng katok sa labas ng kuwarto ko. Napaisip ako bago tumayo sa kama at naglakad papunta sa pintuan. Binuksan ko iyon.

Ang unang tumambad sa akin ay ang hindi gaano kagulong buhok ni Owen. Kulay blue pa rin iyon at hindi na ako nagulat. Ngumiti siya.

"Hindi ka pa nakabihis. As I expected. Here..." May inabot siya sa akin na isang malaking paper bag. Napanguso ako at agad na pumilig ang ulo dahil sa pagtataka.

Ngayon ko lang din napansin na napakapormal niyang tingnan. Ang suot niyang tuxedo ay kulay dark blue. Pansin kong bakat na bakat ang muscles niya sa katawan niya. Muntik na akong mapatawa.

"What? What's funny?"

"Wala naman. Uhm, ano nga pala 'yan?" Hindi ko muna kinuha iyong paper bag. Nang hindi siya sumagot at na-realized kong hindi siya pwedeng paghintayin, kinuha ko na ang paper bag.

"A dress. Simple lang 'yan kaya pagpasensyahan mo na. Iyong sekretarya ko ang pumili niyan kaya baka hindi mo magustuhan..."

"Grabe ka sa sekretarya mo..." Tipid akong napangiti.

Nag abala pa si Owen. Pero, nagpapasalamat ako. Siguradong maganda ito.

"Magbihis ka na. Maghihintay ako sa labas..."

"Hmm..." Tumango ako bago siya hinintay na tumalikod. Nang maglakad siya papunta sa sofa ng living room, agad ko ng sinarado ang pintuan at tiningnan ang damit sa loob nang paper bag.

"Ang...ganda..." bulong ko.

Isa iyong a-line skirt dress na kulay puti. Natupad kaagad ang hiniling ko kanina. Napangiti ako.

Sobrang ganda...

Nagbihis ako at agad na nagsuklay ng buhok. Habang nakatingin sa salamin at pinagmamasdan ang kabuhuan ng katawan, hindi ko mapigilan hindi mapangiti.

Napakasimple ko lang tingnan. Napakaganda ko...

"Ano kaya ang dadalhin ko?" Napaisip ako. Napalunok ako at nanlaki ang mga mata ng ma-realized na kailangan ay kay regalo akong maibigay kay Ric.

Kahit na kinakabahan dahil mukhang may mangyayari mamayang makakapagpagulo pa sa isipan ko, kailangan kong makabati at magbigay sa kanya ng kahit simpleng regalo mula sa akin. Pasasalamat na rin sa lahat ng tulong na ginawa niya noong magkasama pa kami sa mansyon nila.

"Hey, tapos ka na? 7:30 na!" si Owen sa labas ng kuwarto. Lumunok ako bago sumigaw ng 'malapit na'.

Dali dali akong naglakad papunta sa bag ko at may hinanap doon.

The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon