Kabanata 8

405 6 0
                                    

Alaric

TAHIMIK ko si Ric na hinintay habang nakayuko iyong ulo. Ayoko siyang tingnan na namimili ng mga damit sa cabinet ko. Mas lalo lang akong hindi nakakahinga sa isipin na may mali sa akin.

Bakit ako nakakaramdaman ng ganito? Linggo pa lang ako rito pero si Ric, ang dami ng tanong na ibinibigay sa akin. Nangangailangan ako ng sagot niya.

Bakit mo 'to ginagawa sa akin?

Gusto ko iyang itanong. Ilang beses ko na itong pinag isipan at ibinahagi sa sarili kung tama ba, ngunit hindi ko pa rin kayang ibuka ang bibig ko para malaman niya iyong laman ng isip ko.

"How about...this dress? Kulay pula." Lantang gulay ang kamay na itinaas niya iyon habang umiiwas ng tingin sa akin. Pinagmasdan ko ang pulang dress na binili sa akin ni Mama noong birthday ko. Plain iyon at walang design. Pero dahil sa tindig ng may hawak nito, para itong kumikinang habang pinagmamasdan ko.

"I-Iyan nalang..." Dito lang ako sa loob pero kailangan naka-dress pa. Huminga ako ng malalim bago yumuko ulit.

"Alright..." Natahimik na naman kaming dalawa. Napansin ko ang pagsarado ni Ric sa cabinet ko. Tumingala ako nang makita ko sa sahig ang lapit ng mga sapatos niya sa akin. Napakurap ako bago tumingala dahilan para makita ko ang nag aalala niyang ekspresyon.

"May...problema ba tayo?" tanong niya, parang nanunuyo. Hindi ko siya makapaniwalang tiningnan. Umatras ako ng kaunti para kumuha ng hangin.

"B-Bakit ka ganito?"

"Ganito? What do you mean?" Nagsalubong ang kilay niya at mukha siyang curious sa ibig kong sabihin. Tumagilid ang ulo niya at mas pinakatitigan pa ako.

Hindi ako makaiwas ng tingin habang ganoon pa rin ang pwesto ng ulo niya. Ang guwapo niya kung pagmasdan. Aaminin ko iyon dahil iyon naman talaga ang totoo. Ang napakaganda niyang mga mata na hanggang ngayon ay palihim na kumikislap. Kahit na patago iyon, nahuhuli ko.

"L-Lumayo ka..." Tigil ko sa kanya nang ilang hakbang ang ginawad niya papalapit sa akin. Napapikit ako ng mariin nang marinig ko ang halakhak niya malapit sa akin.

"I can't believe my self, Lia. Sobra mo akong pinapahanga..." bulong niya nang makalapit sa tainga ko. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis siyang itinulak papalayo. Sumisinghap ako at mukhang kailangan na talaga ng hangin.

"Change your clothes. Aalis tayo. And...stop ignoring me. I know you are." Naging seryoso ang itsura niya nang ilang saglit ay lumayo siya sa pwesto ko. Ilang ulit akong napalunok habang walang tigil sa pagkurap. Hindi pa rin ako makapaniwala.

Napansin ko ang pagtalikod sa akin ni Ric. Sinarado niya ang pintuan ko nang matapos akong sulyapan saglit. Huminga ako ng malalim bago napaluhod. Hindi ko maintindihan ang sarili ko...

Naiinis ako...

Bago pa lang ako dito pero may nararamdaman na akong ganito. Hindi ko dapat 'to maramdaman!

Inayos ko ang sarili ko nang makatayo. Pumasok ako sa banyo nang mabigat ang nararamdaman. Naligo ako at pagkatapos, lumabas at mabilisan na nagbihis ng damit na si Ric pa mismo ang pumili para sa akin.

Wala akong choice kundi ang pakisamahan siya. Pero kung lumagpas na siya sa inaakala ko, kailangan ko ng gumawa ng plano. Mukhang wala rin naman ang papakasalan ko sa mansyon na ito. Mas mabuting si Ric na muna ang pagtuonan ko ng pansin.

Matapos magsuklay, lumabas ako ng kuwarto nang hindi nakangiti. Pagod ang mga mata ko na para bang kakagaling lang sa iyak. Huminga ako ng malalim bago pumunta sa living room nitong mansyon.

Naabutan ko roon si Ric. Tama nga ang hinala ko. Pormal siyang nakasuot ng kulay itim na blazer habang sa ilalim ng suot niya, may t-shirt rin na kulay itim. Trousers ang suot niya sa pang ibaba.

The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon