Malamig
"SAKAY na..." si Ric. Nasa loob na siya ng kotse niya na pamilyar sa akin.
Ito iyong ginamit niya noon noong pumunta kami sa bukid. Napalunok ako para mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi.
"Hey..." Napakurap ako. Ang magkasalubong niyang kilay ay mas lalong nagkalapit. Pumasok ako sa kotse niya at tahimik na pinagmasdan ang harapan.
Magkatabi kami at mukhang ngayon ko lang na-realized iyong ginawa ko. Mabilis akong humarap sa kanya. Nakita kong nakaharap pa rin pala siya sa akin. Napataas siya ng kilay na para bang nagtataka.
"What?"
"U-Uh...ayos lang ba na...dito ako?"
"What do you mean?" Umiwas na siya ng tingin. Napatikhim siya at nagsimula ng magmaneho. Nasa kanya pa rin iyong atensyon ko.
Nawala sa isipan ko iyong punto ko sana dahil sa nakikita ko ngayon. Ang maitim niyang buhok na magulo...bumaba ang tingin ko sa mga mata. Hindi iyon kumukurap at parang seryoso sa ginagawa. Huminga ako ng malalim nang hindi na niya ako binalingan pa.
Ramdam niya naman sigurong nakatingin ako sa kanya. Siguro ay ayaw niya lang talagang humarap.
"Uh...kumusta na pala?" naitanong ko dahil sa walang nagsasalita ni isa sa amin. Mabilis niyang sinulyapan at napa-hmm siya.
"I'm good now..." sinabi niya, malalim ang boses. Dahil roon sa mga salita na inilabas ng bibig niya, parang hindi kaagad ako maayos na nakahinga. Kinakabahan ako ngayon at nagawa ko pang magtanong, tapos sasabihin niyang okay na siya?
Swerte niya kung ganoon. Kasi ako...hindi pa okay. At mukhang hindi ako magiging okay kapag nandito pa siya.
"G-Ganoon ba..."
"Bakit mo naitanong? Mukha ba akong...hindi okay?" rinig kong tanong niya. Agad akong napaigtad nang tinigil niya ang sasakyan. Humarap siya sa akin at dahan dahan na lumapit. Seryoso ang itsura niya na mas lalong nakapagpa kaba sa akin.
Anong...
Nang napakalapit nalang nang katawan niya sa akin, itutulak ko na sana siya palayo habang mariin na nakapikit nang bigla nalang may narinig akong ingay sa gilid ko. Lumayo siya sa akin.
"You can go now..." sinabi niya. Binuksan ko ang mga mata ko at natitigan siya pati iyong ingay na nasa gilid ko. Nakita kong seatbelt iyon.
Gusto ko sanang umiling at sumigaw dahil sa hiya ngunit nasa akin pa rin iyong mga mata niya. Napayuko nalang ako.
"Lia, you can go now..." Para akong binuhusan nang malamig na tubig dahil sa narinig. Binanggit niya ang pangalan ko at napakalumanay ng boses niya. Wala akong ginawa kung hindi ang sumunod.
Pero bago ako lumabas ng kotse, tinitigan ko muna siya at nakita sa mga mata niya ang lungkot. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako pero mukhang totoo iyong nakikita ko. Nang mapansin siguro ni Ric iyong pagkunot nang noo ko habang nakatingin sa kanya, agad siyang umiwas nang tingin at tumikhim. Tumingin siya sa harapan dahilan para wala na akong magawa.
Umalis na ako roon.
Pumasok ako sa apartment at nagkulong sa kuwarto. Alas dos na ng hapon.
Tatawagan ko nalang muna si mama para malaman niya iyong tungkol sa interview na mangyayari sa susunod na araw.
Matapos iyon, natulog na ako sa kama. Pagod ako, at parang nangyari na ito noon. Pagod ako sa pakikipagtitigan sa kanya katulad noong una naming pagkikita. Nakakawala ng lakas iyong bughaw niyang mga mata.
BINABASA MO ANG
The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)
RomanceWalang alam si Ailia tungkol sa kung sino ang papakasalan niya. Ang sinabi lang sa kanya ay kailangan niyang manatili sa mansyon, sa amo ng papa niya. Hindi niya pa ito nakita at ni pangalan nito ay hindi niya pa narinig. Kaya niya bang manatili sa...