Kabanata 16

257 4 0
                                    

Ayos Lang Ba

"YOU okay?" Kanina pa kaming dalawa rito ni Ric sa kuwarto ko. Tuwid akong nakaupo sa kama habang siya ay nakaharap sa akin at walang kurap akong tinititigan. Kulang nalang ay dumikit siya sa akin at may sabihin na kung ano.

Base sa pagkakatahimik niya, para siyang may gustong itanong sa akin.

"O-Oo naman. Ikaw ba?" tanong ko at saka siya binalingan. Matagal niya muna akong pinagmasdan bago sinagot.

"Oo din. Maayos. But..."

"Pero?" Nagtitigan kami at maya maya ay siya ang umiwas ng tingin. Umayos siya ng upo sa kama at medyo lumayo sa akin.

"Wala. Nakalimutan ko pala..." ani Ric. Muntik na akong mapangiti at asarin siya dahil sa kasinungalingan niyang iyon kung hindi lang kumatok si Jessica sa pintuan ng kuwarto ko at tinawag kami para kumain. Tumango si Ric at inaya na rin ako.

Tahimik kaming lumabas ng kuwarto at tinahak ang daanan papuntang dining area. Nasa gilid ko si Ric habang nasa likuran naman namin si Jessica. Nang lingunin ko kanina ang babae, nakita ko siyang ngingiti at nang aasar akong tinuturo at si Ric. Gusto ko sana siyang kausapin at kwentuhan sa mga nangyari, ngunit siguro mamaya nalang.

"Umupo ka na," sinabi ni Alaric habang hinihintay akong umupo sa upuan na inatras niya para siguro ako makapasok. Huminga ako ng malalim bago tumango.

Sa lamesang mahaba, sa bawat gilid ay may mga kasambahay na tuwid na nakatayo. Kitang kita ko sila Marie at Jessica na kinikindatan ako habang nginungusuan si Ric na ngayon ay sinasandukan na ng kanin iyong pinggan ko. Napansin ko ang pagkakatigil sa pagsubo ng papa ni Ric na ngayon ay nakaupo sa dulo ng lamesa. Sa gilid niya ay may nurse roon na tumutulong sa mama ni Ric na kumakain.

"Maginoo ka na pala ngayon..."

Nakarinig ako ng tawa ni Ric at saka pagtawa ng papa niya. Nasa pinggan ko lang ang paningin ko at hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako ang nahihiya dahil sa ginagawa ngayon ni Ric. Sa harapan pa talaga ng mama at papa niya. Hindi niya ako girlfriend para gawin niya iyon...

"Kumain ka na," bulong ng katabi ko. Napabaling ako sa kanya at mabilis rin na naibalik ang paningin sa pagkain. Natataranta akong tumango at napatingin agad sa mga magulang niya na hindi ko man lang napansin ang pagkakamasid sa akin.

Nakangiti ang mama ni Alaric. Ang ngiti na iyan...sobrang ganda at para bang ngayon niya lang iyon napakita.

"I'm happy for my son. Thank you, Hija..." ani mama ni Alaric. Hindi ko alam pero agad akong umangal at umiling dahil sa sinabi niya. Napatingin tuloy sa akin ang papa ni Alaric at ang katabi ko.

"H-Hindi po! Hindi po kami. At...hindi magiging kami..." nasabi ko, mabilis. Tama naman siguro iyong sinabi ko, hindi ba? Hindi kami. Hindi pwede.

"Hindi?" takang tanong ni Ric. Napatingin ako sa kanya at awkward na nakagat ang pang ibabang labi. Hindi makapaniwala ang reaksyon niya at kahit ako naman nagulat dahil roon sa nasabi ko. Kahit na medyo kahihiyan iyon sa mga magulang niya, wala na akong magagawa. Nasabi ko na at pinagsisisihan ko rin naman agad iyon.

"U-Um...busog na po ako. Pasensya na..." Tumayo ako sa upuan at nahihiyang yumuko ng ilang beses sa harapan nila. Nahihiya ako. Marami ng taong nag aakala na may namamagitan sa amin ni Ric. Kahit na wala naman talaga, minsan nakakaramdam ako ng kung ano sa sarili ko. Hindi ko 'to pwedeng maramdaman dahil wala ako sa lugar.

Ano ba ako rito? Anak ng isang trabahador lang din ni Ric.

"Hello, mama?" Nasa kuwarto na ako at hindi pa rin mapakali. Nawala lang iyong iniisip ko dahil sa tumawag si mama sa phone ko at mukhang masaya ang tono ng boses.

The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon