Masakit
KUMAIN kaming lahat sa isang mahabang lamesa. Nakaupo ako sa tabi ni Damaris at ni Anthara. Pinapagitnaan nila ako. Iyong nasa harapan namin ay mga lalaki.
Kanina pa ako kakasulyap sa kanila dahil hindi ko makita si Ric na nakaupo katabi nila.
Walang Ric na sasabay sa amin kumain?
Siguradong galit siya. Base sa reaksyon ng mga mata niya kanina, kaunti nalang magiging kulay pula na ang mga iyon dahil sa galit.
Hindi ko siya maintindihan minsan, inaamin ko iyon. Pero ngayon, sa sinabi niyang nahuli na ako at magulo na, parang biglang pumasok sa isip ko ang lahat.
Matinding pagsisisi at lungkot ang naramdaman ko. Alam kong mali iyong pag alis ko sa mansyon nang hindi nagpapaalam, ngunit hindi ko naman intensyon na paasahin talaga si Ric. Wala akong gusto sa kanya noon...at sobra sobra akong nagalit dahil doon sa pag insulto ng papa niya sa akin.
"Kain ka pa, Lia..." si Owen na nasa gilid ko. Tumango lang ako at tipid na ngumiti.
"Nasaan si Ala? May naghahanap sa kanyang babae rito kanina, hindi ba?" biglang tanong noong may kulay puting buhok sa bangs niya. Linunok ko ang kinakain ko bago uminom nang tubig.
Nabigla ako roon sa narinig ko, ngunit kailangan kong maging kalma.
"I don't know din, Paul, e. Maybe, nagkita na sila. Akala ko pa naman seryoso siya kay Livia..." si Anthara habang sinusubuan ang lalaking katabi niya. Napansin kong kanina pa iyon tahimik.
Ang lahat ay nakapagsalita na. Kahit ako. Ngunit siya, hindi pa rin. Narinig ko pa, hindi siya nakakapagsalita? Totoo ba iyon?
"Aris, ano na bang nangyari diyan sa kapatid mo?" Nakita ko ulit iyong Leo. Siya iyong nakausap ko sa party kasama si Damaris. Kanina ay wala siya. Sabi sa amin ni Damaris, mahuhuli siya dahil pinuntahan. Ngayon nandito na pala siya.
Madilim na sa labas nang bintana na malapit sa lamesang inuupuan namin. Kahit na ganoon, kumikinang pa rin ang kulay dilaw sa buhok noong Leo. Weird pero bagay sa kanya. Pareha sila noong Paul, ngunit iba nga lang ang lugar at kulay. Medyo maglahawig silang dalawa. Ang katawan nga lang ang hindi masyadong magkaparehas.
"Tulala ka yata, Lili?" si Leo nang mapansin ako. Lumunok ako bago tipid na ngumiti.
"P-Pasensya na..." nasabi ko. Biglang nagtanong si Damaris kay Owen. Kaagad na nawala sa akin ang atensyon nang lahat.
Mabuti naman...
"Hey. Ligo tayo bukas nang umaga sa dagat, ha?" Natigil ako sa pagsubo dahil sa pagbulong ni Owen sa tainga ko. Napaigtad ako at napausog sa pagkakaupo.
Mabuti nalang at walang nakapansin dahil ang iba ay nakaabang sa pagk-kuwento ni Damaris.
Kinuha ko ulit ang tubig ko at saka iyon ininom.
"D-Depende. Huwag ka ngang mang gulat..." sinabi ko. Tumawa lang ang lalaki at bumalik sa pagsubo. Ganoon din ang ginawa ko kaya naging tahimik na ulit akong kumain.
Matapos akong nagpakabusog sa masasarap na mga pagkain, hindi ko akalain na nakalimutan kong isipin si Ric kanina habang kumakain. Natapos nalang ako, kami, hindi pa rin siya dumadating. Hindi siya kumain.
Ngayon ko lang naalala na nasa isang kama na ako katabi si Anthara. Sa isang kama na hindi gaano kalapad, naroon si Damaris at tulog na. Ang katabi ko ay ganoon din. Ako nalang ang gising.
Hindi ako makatulog dahil nasa isip ko pa rin ang kalagayan ngayon ni Alaric. Nakakain na kaya siya? Nasaan ba siya? At...babae? Sinabi ng isang kaibigan niya kanina na may naghahanap sa kanyang babae at napag usapan na hindi siya seryoso roon sa Livia.
BINABASA MO ANG
The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)
RomanceWalang alam si Ailia tungkol sa kung sino ang papakasalan niya. Ang sinabi lang sa kanya ay kailangan niyang manatili sa mansyon, sa amo ng papa niya. Hindi niya pa ito nakita at ni pangalan nito ay hindi niya pa narinig. Kaya niya bang manatili sa...