Kabanata 19

224 5 0
                                    

Sala

"MA? Ma!" rinig ko ang malakas na boses ni Ric nang makalabas na siya ng mansyon. Sumunod ako sa kanila ni Bea pati ang mga nagkalat na mga maid.

Sa hardin, naroon si Ric at ang mama niya. Wala pang dugo kanina iyong ulo ng nakahiga pero alam ko ng malala na ang nangyari. Naiiyak akong napatabon sa bibig ko at napatingin sa papa ni Ric na nakaupo sa damuhan habang tinitingnan ang kalagayan ng asawa niya. Nandito na pala siya at ibang mga trabahador ng mansyon...

"I-ready niyo ang sasakyan!" sigaw niya at saka napatingin sa akin. Akala ko ay may sasabihin siya kaya ako kinabahan, ngunit napaigting lang ang panga niya at saka nag aalala na ibinalik ang atensyon sa asawa.

Binuhat niya ito at tinalikuran kaming lahat. Sumunod sa kanya si Ric at si Bea. Ang babae ay napatingin muna sa akin ng nanlilisik ang mga mata bago humawak sa braso ni Ric. Napahikbi ako. Ni hindi man lang ako tiningnan ni Ric o binalingan. Linagpasan niya ako kasama si Bea at mabilis na sumunod sa papa niya.

"Lia? Ano ba talaga ang nangyari? B-Bakit ganoon?" naiiyak na tanong ni Manang Milly sa gilid ko. Umiling ako.

"H-Hindi ko po alam. Hindi ako..." iyon lang ang nasabi ko bago tumalikod at tumatakbong pumasok sa mansyon para makaakyat sa kuwarto. Napansin ko ang pagsinghap ni Marie at Jessica bago sumunod sa akin.

Hindi ako...Alam kong hindi ako ang may sala. Hindi ako ang tumulak dahil si Bea iyon. Pero natatakot akong magsalita. Nakita ko iyong pangyayari, ngunit natatakot akong sabihin sa kanila dahil baka hindi sila maniwala...

Lalo na si Ric...ang bilis niyang sumama kay Bea na iyong tunay na tumulak sa mama niya. Ang bilis niyang maniwala...

"Bakit...iyon nangyari? Anong dahilan, Lia?" umiiyak na tanong ni Marie. Parehas siguro kaming nagulat sa nangyari kaya ganito ang reaksyon namin. Kahit si Jessica ay humihikbi na.

"Hindi ako makapaniwala na si madam, iyon. Iyong dugo kanina..." kwento ni Jessica. Napabuga ako ng hangin at pilit na ikinalma ang sarili.

"S-Si Bea, nag away kami kaya siya nagalit..." sinabi ko. Pinahid ni Marie ang mga luha sa pisngi niya at saka lumapit pa sa akin. Nakasuksok ako sa gilid ng kama.

"Bakit kayo nag away? At...siya ba ang may gawa noon? Si Bea ba?"

Umiling ako at pinahiran ang mga luha sa mata.

"Hindi k-ko masasabi dahil hindi ko naman nakita na siya ang nagtulak. Hindi...ko siya nakitang gumalaw. Nakayuko ako at...tatayo na sana tapos narinig ko ang sigaw ng mama ni R-Ric..."

"Kayong tatlo lang doon...Edi siya ang gumawa!" si Jessica. Umiling ulit ako.

"Masamang magbintang pero halata naman siguro na si Bea iyon. A-Alangan naman may ibang taong tumulak sa mama ni Ric t-tapos tumakbo agad..." Huminga ako ng malalim.

"Na-kwento mo na 'to kay amo?" Mas lalo akong napailing dahil sa tanong ni Jessica. Nakita kong napaayos ng upo si Marie at tumayo.

"May ingay sa labas, titingnan ko muna..." Tumango kami. Ni hindi ko man lang napansin na may kumakatok na sa pintuan ng kuwarto ko.

"R-Ric..." nabanggit ko bago mabilis na lumayo sa kama at napatayo. Kahit si Jessica ay ganoon ang nagawa.

Nakita ko ang pagyuko ni Marie habang hawak ang door knob ng pintuan. Nasa labas si Ric. Siya lang mag isa at diretso siyang nakatitig sa mga mata ko dahilan para matikom ko ang bibig ko. Walang reaksyon si Ric at tahimik lang akong tinitigan.

"Kwento ni Bea...nakipag away ka raw kaya nangyari 'yong aksidente..." simula niya. Napakurap ako at tipid na napailing.

"A-Alis po muna kami..." si Jessica sa gilid ko. Napatingin ako sa kanya dahilan para mapansin ko ang pagtingin rin ni Ric sa nasa gilid ko.

The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon