Kabanata 41

197 3 2
                                    

Sinungaling

"I'M sorry. Galit ka ba?" malambing na boses ang nagpatigil sa akin sa kakaisip. Nasa gilid ko siya, nagmamaneho ngunit ang buong atensyon ko ay nasa iniisip ko. Tungkol roon sa mga tinext niya kanina sa akin, hindi pa rin ako makapaniwala.

Si papa...magt-trabaho ulit? Pero paano si mama? Ano ang naging reaksyon noon?

Napabuga ako ng hangin. Naramdaman ko kaagad ang kamay ko na tumaas at napunta sa kung saang lugar. Napalingon ako kay Ric at nakita kong hawak hawak niya ang kamay ko habang hinahaplos. Parang pinapakalma ako. Nasa daan ang mga mata niya, ngunit parang nakikita niya ang gulat sa mukha ko.

"Ibigay mo na sa akin 'to. Ako ang lalaban para sa atin..."

"R-Ric...bakit ba ginawa iyon ng papa mo? Ganoon ba ang galit niya sa akin kaya niya dinamay pati ang pamilya ko?"

"I don't know, Lia. Please...just trust me." Hindi na ako umimik. Nanatiling nasa baba ang paningin ko dahil nahihiya akong tumingin kay Ric.

Mukhang kasalanan ko ang lahat. Sa ginawa kong pagsabat sa papa niya, mukhang nagalit ko iyon kaya mas lalong naging malupit sa akin. Pero, kung sa akin lang siya galit, bakit dinadamay niya ngayon si papa? Walang kinalaman si papa. At base sa narinig ko noon sa tawagan nila ni mama, magkakilala sila ni Mr. Levine.

Alam kaya ito ni mama? Sang ayon kaya siya rito?

"After the party, sa condo ka muna. Galit sa atin si Aris and I know she won't let us see her. Kilala ko iyon kapag nagalit..." Nagpatuloy ako sa pag iisip.

Ang gulo na. Noon, maayos ayos pa naman dahil nakawala na ako sa pamilyang Levine. Ngunit, ngayon nandito na naman.

Tumigil ang sasakyan at agad na pinaharap ako ni Ric. Iyong kamay niya ay nasa pisngi ko na. Iyong mga mata niya ay punong puno ng pag aalala at tiwala. Mukhang handa siyang labanan ang papa niya. At ito ang kinakatakot ko.

"Hindi ko kakayanin kapag pinaasa mo na naman ako. Lia, huwag mo na ulit akong iwan. Mababaliw ako..." mahina niyang sinabi at saka napatitig nang matagal sa mga mata ko. Wala akong nagawa kung hindi ang mapasinghap ng ilang beses.

Lumabas kami ng kotse niya at tanging katahimikan lang ang mapapansin sa paligid. Wala kaming imikan ni Ric, ngunit hindi gaanong mahigpit na magkahawak ang mga kamay namin. Ngayon, seryoso na ang mukha niya habang naglalakad kami papasok sa isang malaki at malapad na building. Madilim na rin at medyo mahangin.

"R-Ric..."

"Hmm?"

"Mga anong oras tayo aalis?" Lumunok ako nang medyo humina ang paghakbang niya.

"Gusto mo na agad umalis?"

"H-Hindi naman. Ano...medyo, hindi kasi maganda ang pakiramdam ko..."

"Ganoon ba? Kumain muna tayo para makapagpaalam ako. Mr. Hau wants me, kaya sana maintindihan mo na kailangan nating nag enjot muna kahit saglit..." sinabi niya. Nang lingunin ko si Ric, kitang kita ko ang agad na pag awang nang labi niya. Mukhang naagaw ko ang buo niyang atensyon dahil roon sa sinabi ko. Kahit na hindi siya humarap, alam kong alam niyang nakatingin ako sa kanya.

Pinagmasdan ko ang paligid nang may isang naka-pormal na lalaki ang nag aya sa amin na tuluyan ng pumasok sa loob. Nang makita ang loob at napakaraming tao, medyo kinabahan ako at medyo sumakit iyong ulo.

"Give me twenty minutes, Lia. Hali ka na. Kumain muna tayo..." Maglalakad na sana kami ni Ric sa magandang lamesa, ngunit biglang may nagsalita sa likuran namin.

"Oh, lucky me to see you here, Ala...Kumusta na?" malambing na boses ang bumungad sa tainga ko. Babae ang boses at alam ko na kung bakit ganoon.

Mas nauna pa akong napaharap sa babae kaysa kay Ric. Nang makita ang pagmumukha niya, agad akong kinabahan. Walang kung ano sa kaharap ko, ngunit parang...may mali.

The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon