Hindi Ako
"OKAY ka lang, Lia?" si Jessica nang mapansin ako na tulala. Mabilis akong tumango at pilit na ngumiti sa kanila nang mapatingin rin sa akin sila Manang at Marie. Nasa harapan ako nakaupo katabi ni Marie habang nasa harapan namin sila Manang at Jessica. Nakasakay kami ngayon ng traysikel papunta sa bahay ng anak ni Manang.
"Siya nga pala, ano ang sinabi ni amo? Pupunta rin ba siya sa birthday? Inimbita rin siya ni Manang, 'di ba?" Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil pokus pa iyong isipan ko sa nakakapagtakang mga galaw kanina ni Bea. Pumasok pa siya sa gym at ginuyod si Ric sa loob. Ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.
"Lia?" si Manang. Agad akong naalerto at napatingin sa naghihintay ng isasagot ko.
"U-Um...wala po siyang sinabi..." iyon lang at naging tahimik na ulit ako. Pinagmasdan ko ang mga nadadaanan naming mga building at saka ibinalik agad sa isipan iyong kaganapan kanina.
Nakakapagtaka. Ano ang ginagawa rito ni Bea? Hindi naman sa ayaw ko siyang narito. Pero kasi...sa reaksyon niya kanina, ang peke niya. Sa pagnguso niya pa lang at pakipagbiruan kay Ric, para siyang...nakikipaglandian.
"Care to share? Hindi ka matatahimik 'pag hindi ka nakakuha ng sagot. Pwede mo kaming tanungin tungkol sa iniisip mo. Ano ba ang nangyari?" si Jessica. Nabigla man at hindi makapaniwala sa sinabi niya, bumuga ako ng hangin at pinagmasdan sila Manang na naghihintay rin ng sasabihin ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
"U-Um...nakita ko kasi si...uh...Bea. Kaibigan siya ni Ric sa bukid. Noong umalis kami ni Ric, nagkakilala rin kami pero—"
"Pero hindi ka niya pinapansin? Parehas pala tayo." Napakunot ang noo ko nang putulin ako ni Marie.
"Ano'ng...ibig mong sabihin?"
"Ang ibig niyang sabihin ay lahat tayo, hindi pinapansin noong Bea. Lia, kaibigan iyon ni Ric at minsan pumupunta iyon rito. Malapit minsan sa amin si amo at mukhang ayaw niya no'n. Maldita ang babaeng 'yon." Napailing si Manang. Napakurap ako sa kwento niya at hindi makapagsalita.
So, normal lang iyong pagdating sa mansyon ni Bea sa kanila? Hindi iyon...nakakagulat?
"May isa pa ngang pangyayari na nag away sila ni Ala kasi pumasok siya sa isang kuwarto kung nasaan ang mahahalagang mga gamit ni Mr. Levine, ang papa ni amo," si Jessica. Napaisip ako.
"Paano sila nagkakilala? Noon pa ba ay nagt-trabaho na si Ric sa bukid? Hindi ba kaka-graduate niya lang?" tanong ko, mahina ang boses.
"Oo. Pero, masipag na bata iyang si amo. May kompanya iyan sa Maynila at may mga lupain rito. Hindi ko nga alam kung bakit mas gusto niya roon sa bukid na napuntahan ninyo..." si Manang. Humalukipkip si Jessica.
"Lia, iyong kaibigan ni Ric ay maldita at malapit sa gulo. Ilang beses na silang nagkaaway ni kuya Clint dahil sa pagiging papansin niya kay amo. Kaya ikaw, huwag kang lumapit roon. Plastic iyon 'pag nakaharap si amo, pero 'pag nakatalikod, mas masahol pa 'yon kay Marie..." Tumawa si Jessica at hindi ko alam kung bakit pati ako ay napatawa. Tumango pa rin ako.
"Boang ka talaga," si Marie sa gilid ko.
Kung ganoon, kailangan kong mag ingat sa babaeng 'yon. Pero kahit na ganoon ang sinasabi nila tungkol kay Bea, kailangan ko rin siyang galangin dahil kaibigan siya ni Ric. Ayaw kong magalit na naman sa akin ang lalaking 'yon.
Nakarating kami sa bahay ng anak ni Manang Milly at halos apat na oras na nagsaya lang roon. Ang apo ni Manang ang may birthday at lalaki ito. Ang pangalan niya ay Leonard at nine years old na ito ngayong araw. Napakasaya niya kanina nang kantahan namin siya ng happy birthday.
BINABASA MO ANG
The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)
Storie d'amoreWalang alam si Ailia tungkol sa kung sino ang papakasalan niya. Ang sinabi lang sa kanya ay kailangan niyang manatili sa mansyon, sa amo ng papa niya. Hindi niya pa ito nakita at ni pangalan nito ay hindi niya pa narinig. Kaya niya bang manatili sa...