Mahal Kita
"R-RIC, nakakahiya..." Uminit ang pisngi ko. Gusto niyo kasing magkahawak ang kamay namin. Nahihiya ako dahil baka madumi ang kamay ko o hindi malambot. Baka may pawis rin. Ayaw kong pagtawanan ako ni Ric. Kahit na alam kong hindi siya ganoon, pumapasok pa rin sa isip ko na baka asarin niya ako dahil sa paghawak namin ng kamay.
"Okay. I understand. Kain nalang tayo ng ice cream..." Sumang ayon agad siya dahil sa pagyuko ko. Mukhang na-gets niya na agad ang pinupunto ko.
Napabuga ako ng hangin nang magkahiwalay ang mga kamay namin.
Napansin kong ang suot niya ay kulay itim na blazer. Sa loob ay may kulay puti na t-shirt.
Iyon sana ang suot niya ngayon kung naibigay ko sana.
"Hmm, what is it?" Sinundan niya ang tinitingnan ko nang mapansin niya ako. Nanlaki ang mga mata ko at muling nag init ang mga pisngi.
Napatawa siya ng mahina.
"Hindi ka ba komportable? Gusto mo bang umuwi nalang tayo?" malambing ang boses niya kaya agad akong nataranta at umiling.
Kasalukuyan kaming naglalakad papasok sa park papunta sa matandang nagtitinda ng ice cream. Pumikit ako ng mariin nang maisip na baka hindi nag eenjoy si Ric na kasama ako. Siguradong nabo-bored na siya dahil minsan lang ako nagsasalita.
Kanina pa kasi ako napapaisip. Iyong ibibigay ko sana sa kanya kagabi, nakalimutan ko. Muntik ko pa iyon na maibigay sa kanya sa simbahan pero sinabi niyang uuwi na kami kaya nawala sa isipan ko. Nang nasa labas na ako ng apartment namin, nawala na rin sa isip ko. Nakakpanghinayang dahil regalo ko dapat iyon sa kanya. Hindi ko man lang naibigay sa araw ng kaarawan niya.
Nakakainis...
"H-Hindi naman sa ganoon. Komportable ako. Nahihiya lang ako sayo..."
"Bakit naman? Nanliligaw ako at ako dapat ang mahiya sayo dahil inaya agad kita rito. Hindi mo pa nga ako sinasagot pero kung umasta na ako..." Napatawa ako dahil sa sinabi niya. Nakita ko siyang napasimangot kaya mas lalong lumakas ang pagtawa ko.
Hindi na masyadong awkward.
Naramdaman ko ang paghawak ni Ric sa kamay ko. Napansin kong pinagmasdan niya muna ang ekspresyon ko na para bang nagpapaalam sa gagawin niya. Ngumiti ako.
"Wala man lang akong nairegalo kahapon. Pasensya na. M-Meron naman talaga sana kaso nakalimutan ko kahapon ibigay dahil sa...alam mo na? Iyong nangyari sa simbahan?" Nahihiya akong tumingin sa kanya kaya napataas ang dalawang kilay niya.
"Bakit hindi mo ibinigay noong nasa loob ka na ng mansion? Ilang minuto rin tayo sa kusina," sinabi niya.
"U-Uhm...pero naiwan ko kasi iyon sa kotse ni Owen kaya hindi ko kaagad naibigay..."
"So, ang ibig mong sabihin? Iyong paper bag ay iyon ang regalo mo sa akin? Kaya ayaw mong ako ang magbuhat noon? Really, Lia? You want to surprise me?"
"Hindi naman sa—"
"So, Espesyal ako sayo, kung ganoon? Gusto mong...magulat ako sa inihanda mong regalo para sa akin? I wonder kung ano ang nasa loob noon. Sana isang yakap at salitang 'sinasagot na kita'."
Nanlaki ang mga mata ko. Natahimik kaming dalawa matapos iyong huling sinabi ni Ric. Pansin kong napatawa siya ng mahina, ngunit agad din iyon na natigil nang hindi ako nagsalita. Napayuko ako.
"Hey...I was just joking. Hindi mo naman ako kailangang sagutin agad,"
"Hindi, Ric...Ano lang..." Wala na akong maisagot. Nakayuko lang ako at mariin na napapikit.
![](https://img.wattpad.com/cover/310553589-288-k201239.jpg)
BINABASA MO ANG
The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)
RomanceWalang alam si Ailia tungkol sa kung sino ang papakasalan niya. Ang sinabi lang sa kanya ay kailangan niyang manatili sa mansyon, sa amo ng papa niya. Hindi niya pa ito nakita at ni pangalan nito ay hindi niya pa narinig. Kaya niya bang manatili sa...