Kabanata 51

219 2 0
                                    

Takas

MALAMIG, nanginginig ako dahil sa simoy ng hangin. Hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa bodega. Isang madilim at nakakatakot na lugar.

Naalala ko ang mga pangyayaring nangyari sa akin noong bata ako. Ganitong ganito. Nasa isang madilim at madumi akong lugar habang mahina ang boses na umiiyak. Nananalangin na sana ay maging maayos na ang lahat.

"Wala pa ba siya?" Rinig kong usapan ng mga malalaking lalaki sa bandang exit. Sila iyong kumidnap at nagdala sa akin dito.

Natatakot na ako ngunit wala akong magagawa. Ang nasa isip ko lang na maaaring makatutulong sa akin ay ang paghihintay.

May tiwala pa rin ako na maiaalis ako rito. Makakatakas ako at makakabalik kay Ric dahil paniguradong hinahanap na niya ako.

Ngunit...

"'Yong babae ba? Teka nabayaran ka na ba niya tungkol rito sa ginagawa natin?" tanong ng isa sa mga kidnapper.

Babae...

Si Bea. Wala ng iba. Sino pa ba ang gagawa ng ganito ka sama sa akin? Ikalawang kawalanghiyaan niya na 'tong nagawa. Una ay 'yong muntik na niyang pagwasak sa ulo ko.

Hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin ito. Malala na 'to at kailangan na siyang pigilan, ngunit papaano? Sino ang pipigil sa kanya?

"Ric..." bulong ko at napailing. Mas humikbi ako nang maalala ang habilin sa akin noong gabing iyon ni Alaric.

'Hindi ako mawawala sayo, Lia. Remember that...'

Nagsilabasan lalo ang mga luha ko dahil sa ala-alang iyon. Ang imahe ng mukha ni Ric na palaging nakakapagpakalma sa akin...

Ano na kaya ngayon ang ginagawa niya? Kaninang umaga ay umalis siya para mahuli na nila si Bea, ngunit bakit ngayon ay nandito ako? Bakit ako pinapahirapan ng ganito ni Bea? Hindi ko naman kasalanan na namatay si Manang Juli. Siguro nga ay para sa kanya ako ang pumaslang sa tinuturing niyang Ina.

"Ayon na pala siya e. Kunin mo na 'yong babae..." Napalingon ulit ako sa dalawang lalaki at nakita kong ang isa sa kanila ay papalapit sa akin.

Agad na dinapuan ako ng pinagsamang takot at kaba, mas sobra pa sa naramdaman ko kanina.

Pilit niya akong pinatayo dahil sa nakaupo ako, naiiyak na ginuyod niya ako habang hawak hawak nang mahigpit ang pulsuhan ko.

Lumabas kami ng bodega at naghintay sa papalapit na kotse. Kaparehas sa kotse na nakita ko sa parking lot nang unibersidad na pinapasukan ko.

Si Bea nga...Siya nga ang may gawa ng lahat ng ito.

"Ang pera?" tanong ng isang lalaking hawak hawak ako sa balikat. Napapikit ako ng mariin nang masilayan ko na ang napakasamang nilalang sa mundo.

"Nasa likod ng kotse. I'll make it double. May ipapagawa pa ako..." Walang buhay na boses ang narinig ko kaya mas lalo akong napaluha.

Nandito na siya. Kung ganoon hindi nagtagumpay si Ric...

Dahan dahan kong inangat ang ulo ko at hinarap ang babaeng may gawa sa akin nito. Nanginginig ang mga tuhod na susugurin ko na sana siya ngunit pinigilan ako ng dalawang lalaki.

May pagkasuklam ko siyang tinitigan.

"Walang hiya ka! Napakasama mo!" sigaw ko  habang pinipilit ang sarili na lumaban sa dalawang lalaki.

"Bakit ganito ka? Bakit hindi mo nalang tanggapin ang nangyari? Wala kaming kasalanan ni Ric!"

Nakamasid lang sa akin si Bea habang diretsong nakatayo. Walang emosyon ang mga mata ngunit unti unting ngumingiti ang labi.

The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon