Sasakay Ka
KASAMA KO ngayon sila Aris. Kakatapos lang naming mag usap ni Owen at naka akbay siya ngayon sa akin. Hindi ko alam kung bakit komportable ako sa kanya.
Siguro dahil doon sa mga pagsagot niya sa mga tanong ko kanina habang umiiyak. Halos isang oras ko siyang kasama sa garden. Ala siyang ibang ginawa kung hindi ang patahanin ako. Nakinig siya sa akin gamit iyong nag aalala niyang ekspresyon.
Napakabilis ng oras. Parang kahapon lang iyong pagtulak ko sa kanya palayo dahil ang tingin ko sa kanya, masamang tao. Nakakapagsisi.
"Sakay na," si Damaris bago pumasok sa driver seat. Basa ako at ang magmamaneho. Si Owen lang iyong hindi.
Sabay kaming pumasok ni Owen sa loob ng kotse ng babae pero nasa backseat ako. Magkatabi sila ni Aris at Owen.
Papaalis na kami ng mansyon dahil tapos na ang party. Nag uusap kami kanina ni Owen nang bigla nalang kaming tinawag ni Damaris at sinabing uuwi na raw dahil alas dies na ng gabi. Sumang ayon ako dahil pupunta pa ako sa unibersidad bukas.
"Hey, free ka tomorrow? Punta tayo sa cafe ni Aris. Libre ko..." aya ni Owen. Napatingin ako sa magulo niyang kulay blue na buhok bago umiling.
"Sa susunod nalang. May...pupuntahan ako bukas, e..."
"Hmm, saan? Can I come?"
"Hindi...Sa university kasi. At saka, hindi mo alam kung saan ako nakati—"
"Sa apartment lang rin siya natin, Lili. Sa baba iyong amin. Sa inyo ng kapatid ko sa itaas. Siya iyong sinasabi ko sayong kaibigan ko. That's why he's also here sa party. Ngayon ko lang nga rin nalaman na dumating na pala 'to galing baguio, e..." Napakurap ako at saka napatingin kay Owen. Kita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya na para bang may inaabangan siya sa mukha ko.
Bumuga ako ng hangin at pinilit ang sarili na huwag magulat.
"Ganoon ba..." Napanguso si Owen dahil sa sagot ko. Pinaandar nang nagmamaneho ang radyo at saka sila nagkantahan ni Owen.
Nakinig lang ako sa kanila habang nakangiti hanggang sa tumigil ang sasakyan. Napakabilis, pero nagpapasalamat ako. Bumaba kami sa kotse at agad na pumasok sa loob ng apartment. Gusto pa sana akong samahan ni Owen sa loob pero pinigilan siya ni Damaris. May nga titiklupin pa raw kasi sila na damit.
Hindi nalang ako nagtanong at iniwan nalang roon ang nakangusong lalaki. Pumasok ako sa apartment at agad na pumasok sa banyo para makaligo. Matapos ko iyong magawa, nagbihis kaagad ako ng pajama at oversize na t-shirt. Ang suot ko ay puti kaya mas naging komportable pa ako. Humiga ako sa kama at tahimik na pumikit.
Hindi pa man na sasampung segundo, bigla ko ulit naalala ang imahe ng mukha kanina ni Alaric.
Nagkita nga pala kami...
Nahihiya ako dahil sa naging reaksyon ko kanina. Sa mga galaw ko...
Bakit ko ba iyon naramdaman? Bakit ba parang...naiinis ako roon sa babae? Parang kay Bea noon. Hindi ko na dapat iyon iniisip. Kung ayaw na ni Ric sa akin, edi okay. Ayos naman...iyon sa akin...
Napabuga ako ng hangin.
"Ano ba, Lia! Mag isip ka nga!" Umiling ako at mahinang sinampal ang magkabilang pisngi ko gamit ang kamay ko para naman kahit papaano ay magising ako at maibalik sa realidad.
"Ano naman ngayon kung nagkita kami? Wala iyon!" ma-dramang tono ng boses ko ang narinig ko. Huminga ako ng malalim at umayos ng higa sa kama.
Kung makakaalis ako rito sa apartment, nay posibilidad na makakalayo ako sa kanya. Ang kailangan ko lang ngayon ay pera. Para naman maka-renta ako ng bahay o matitirhan. Ayaw kong mas lalong mapalapit kina Damaris.
BINABASA MO ANG
The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)
RomantizmWalang alam si Ailia tungkol sa kung sino ang papakasalan niya. Ang sinabi lang sa kanya ay kailangan niyang manatili sa mansyon, sa amo ng papa niya. Hindi niya pa ito nakita at ni pangalan nito ay hindi niya pa narinig. Kaya niya bang manatili sa...