Kasalanan Mo 'To
NAKAUPO ako ng walang imik sa loob ng bus. Ngunit, kinakabahan ako. Kahit na hindi dapat. Natatakot ako. Bakit ba nandito na naman si Bea? Akala ko tapos na iyong pagkikita namin sa party. Ano na naman 'to?
Napansin ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtayo niya nang huminto ang bus. Sa labas, kita ko ang ilang malalaki at matatayog na puno. Bumama siya roon. Nang makababa, umandar ulit ang bus ngunit nang silipin ko ang kinatatayuan niya sa labas, kita ko ang galit sa mga mata niya kahit na papalayo nang papalayo ang sasakyan.
Napabuga ako ng hangin nang lumiko na ang bus. Pinilit ko ang sarili ko na mag focus ulit at alisin nalang iyong mga kaganapan sa isipan ko, ngunit ko kaya.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinext si Jessica.
Me:
Jessica. Mag usap tayo. May iku-kuwento ako.
Ang gusto ko ngayong mangyari ay mailabas ang lahat ng hinanakit ko sa sarili ko, sa mga nagawa ko sa taong mahal ko pala.
Hinintay kong mag reply si Jessica ngunit naabutan ako ng bus na huminto matapos ang ilang minuto. Walang kaibigan na nag reply. Napabuga ako ng hangin at saka tumayo.
"Salamat po." Bumaba ako ng bus. Nang makababa, luminga linga agad ako sa paligid. Tiningnan ko ang mga punong kahoy na magkasunod sunod sa gilid. Kinuha ko ulit ang cellphone ko at saka tinext si Ric.
Me:
Nandito na ako sa sinasabi mo, Ric. Nasaan ka?
Pinagmasdan ko ang tindahan malapit sa ilang kotse. May mga iilang tao at bahay hindi malayo sa tindahan. Napaupo ako sa isang bench rito sa hinintuan ko. Napaisip ako.
Kung nandito si Bea para agawin si Ric, may magagawa ba ako? Kung gagawin niya ang lahat para makuha ulit si Ric at mapatalsik ako, ang tanong, ano ang mailalaban ko?
Hindi pa kami ni Ric at...
Natigilan ako. Umawang ang labi ko at saka nakagat ko ang pang ibaba noon.
Kung ganoon..
Nag ring ang cellphone ko. Agad akong nawala sa malalim kong iniisip at mabilis na nasagot ang tawag. Nang marinig ang boses ng lalaki sa kabilang linya, kaagad na napatayo ako at nakaramdam ng kung ano sa loob ng tiyan ko. Nakakakiliti.
"Hey, baby..."
"U-Uhm...nasaan ka na?"
"Papunta na ako diyan. Hintayin mo ako."
"S-Sige...uhm..." Napalunok ako at saka namula. Bakit ba ako kinikilig? Dahil ba sa pagtawag niya sa akin ng baby? Ilang beses ko na iyong narinig pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Siguro dahil sa...magiging plano ko mamaya?
"Hmm? May problema ba?" Malambing na tono ang pumukaw sa akin.
Napalunok ako at saka nagpigil ng ngiti.
"W-Wala naman. Na-miss lang kita..."
Katahimikan.
Walang sagot sa kabilang linya kaya agad akong nabahala. Hindi niya ba nagustuhan iyong sinabi ko?
"Ric, p-pasens—"
"I love you, Lia..." Natigilan ako. Para akong nawalan ng kaluluwa kaya hindi makagalaw ang katawan ko. Namg makabawi sa gulat, agad agad na uminit ang pisngi ko at nakurot ang sariling hita.
"Aray!" Nagsisi ako. Hinimas himas ko kaagad ang parte ng kinurot ko.
"H-Hey, you okay?" May kamay na lumapat sa balikat ko.
BINABASA MO ANG
The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)
RomansaWalang alam si Ailia tungkol sa kung sino ang papakasalan niya. Ang sinabi lang sa kanya ay kailangan niyang manatili sa mansyon, sa amo ng papa niya. Hindi niya pa ito nakita at ni pangalan nito ay hindi niya pa narinig. Kaya niya bang manatili sa...